ikatlong kabanata.

69 8 6
                                    

Brigitte

To: V
     Hoy wag mo kalimutan bukas ha. 3 pm sa may Wendy's. Tampalin kita pag di ka sumipot tignan mo.

sent!

Napagusapan din kase namen kahapon na bukas kame gagawa ng plano para maisagawa ang Oplan Kuha Pirma Ni Marlou.

From: V
     Oo na.

Mabuti naman at madaling kausap 'tong roman numeral na 'to. Hindi ko na siya nireplyan at natulog nalang ako

-

"Magkakaroon ng malakas ng pag ulan sa Metro Manila ngayong araw na ito dahil sa Bagyong Abner. Kaya payo ko sa mga aalis magdala ng payong." narinig ko sa balita. May bagyo pala. Hustle naman.

-

3:10 na ako ng dumating dito sa Wendy's. Hindi naman umuulan ng umalis ako ng bahay kaya hindi na ako nagdala ng payong pabigat lang. Sinadya ko talagang mejo magpalate asa naman syang ako magaantay sa kanya. Pero tangina. WALA PA RIN SYA DITO. Napagpasyahan ko na mejo magantay pa sakanya.

Kim Taehyung / V

Otw na ako sa Wendy's na pagkikitaan namen ni Biya ng makita kong nakahiga sa kalsada si Aly yung kaibigan ni Ate Cha. Binuhat ko papunta sa Abnermals' Hospital si Aly dahil walang malay.

"Ah Sir? Kayo po ba yung kamag anak nung pasyente?" tanong sakin nung nurse.

"Ah kaibigan nya po ako. Ano po nangyare sa kanya?" tanong ko pabalik.

"Nakatulog lang po siya. Puyat ata. Una na po ako." ani nurse

Pagkapasok ko ng kwarto ni Aly naabutan ko siyang nagcecellphone.

"Oh V. Salamat pala sa pagdadala mo saken dito nag abala ka pa hahahahahaha dapat pinabayaan mo nalang ako dun." sabi nya saken habang tumatawa tawa pa.

"Bakit ka kase natutulog sa gilid ng kalsada? Pulubi ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ano? HAHAHHAHAHA. Pulubi ka jan. May pulubi bang nagaaral sa mamahaling school? May sakit kase ako na kung saan saan nalang nakakatulog buti nga sa gilid lang ako ng kalsada kanina nakatulog eh dati kase naexperience ko na makatulog sa bahay ng aso." kwento nya. Nagtawanan naman kaming dalawa.

"BTW, kumain ka na ba? Kain tayo anong oras na rin naman na oh." Pagyayaya ko sa kanya.

"Tara. Gutom na rin ako eh." Tumayo na sya sa higaan at lumabas na kami ng ospital.

-

"San mo gusto kumain?" Tanong ko sa kanya hababg naglalalad kami.

"Sa Tapsihan ni Mang Abner nalang tara." sabi nya habang hinihila ako.

at Tapsihan ni Mang Abner

"Oh Aly! Ikaw pala yan. Ang tagal mo ng di dumadalaw dito ah? Boyfriend mo?" Biglang sumulpot na lalake sa harapan namen ni Aly na mukha fishball.

"Nako hindi po. Kaibigan ko lang po to si V." natatawang sagot ni Aly. Ah. Si Mang Abner pala to ang may nito.

"Ah V? Anong order mo?" baling sakin ni Mamg Abner.

"Yung katulad nalang po kay Aly." sagot ko.

"Aly, yun bang paborito mo ang order mo?" Mang Abner.

"Ah opo." nakangiting sagot ni Aly.

"Sige. Intayin nyo nalang saglit." Mang Abner at tuluyan na syang umalis.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon