ika-labing limang kabanata.

56 6 23
                                    

SHANNEN DAKYU KA ETO NA PINAKAHIHINTAY MO.

Shannen

Mag-isa lang ako ngayon dito sa Camp John Hay. Oo, umakyat ako dito mag-isa. Mas madali kasi kung ako lang, mas makakatipid pa malay mo magpalibre yung kasama ko sakin. Edi lugi pa ako pamasahe palang nganga na.

Ang daming tao shet. Picture dito, picture don. Naglalakad lakad ako para makahanap ng kakainan kasi nagutom ako sa byahe. Nakakita ako ng turon.

"Ate magkano sa turon?" Tanong ko sa ale.

"25 po." Sagot naman niya at bumili ako.

Naglakad-lakad pa ako. Puta ang lamig. Nakakita ako ng pamilya Jung. Oo, Jung Hoseok. Ang dami nila. Lumapit ako dun sa babaeng namamahala sa horse back (yung apelyido ni pia) riding.

"Ate magkano sa kabayo?" Tanong ko.

"Ma'am hindi po namin binebenta yan." Sagot no ate.

"Kung gusto nyo po sumakay, 250 lang. 30 minutes na." Dagdag niya pa.

Pwede rin. Ma-try nga.

"Sige nga po." Sagot ko at nag-abot na ng pera. Nagtawag na siya nung number ng kabayo.

"Dun ka ate. Dun sa number 69 na kabayo. May nag-gaguide na dun." Turo niya at sumunod naman ako.

"Miss ikaw ba yung sasakay dito?" Sabi ni kuya. SHET. Ang pogi! Gawin ko na kayang 1 hour 'to para sulit.

"Ay kuya teka lang ha." Sabi ko dun sa guide at lumapit dun sa babaeng namamahala.

"Ate paextend nalang ng 1 hour yung sa number 69 na horse ha? Thankyou. Eto na bayad." Sabi ko at nagmadali na pumunta sa kabayo.

"Miss, left foot ang unang ipangsasakay ha?" Sabi niya at sinunod ko.

"1.. 2.. 3" Bilang niya at binuhat niya ako. Shet kinikilig ako. Pagkakataon ko na 'to para mag move on kay Jungkook. Sorry Jungkook pero mas pogi 'to.

Nagsimula na kaming maglakbay ng bigla siyang nagsalita.

"First time niyo, Miss?" Tanong niya.

"Ahh. Oo eh." Sagot ko naman habang nagpipicture picture ng paligid.

Nangnakarating kami sa may taas ng bundok bigla kaming tumigil.

"Hala kuya anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Nag-poopoo lang siya." Natatawa niyang sagot. Ay buset na kabayo 'to. Manang mana kay Hoseok.

"Gusto nyo po hawakan ko muma yang phone niyo para di kayo mahirapan?" Tanong nya at inabot ko naman. Mukha namang matino eh.

Nagulat naman ako ng biglang naglakad ng mabilis yung kabayo. Takbo na pala yon. Napakapit naman ako at nagsisisigaw sa takot.

"KUYA! PYTANGIA! PATIGILIN MO TO! KUYA!" Sigaw na ako ng sigaw pero pag lingon ko dun sa guide tinakbo na yung cellphone ko. Joke. Tinatawanan niya lang ako. Napatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Ang pogi niya bakit ganun. Yung mata niya nawawala kapag ngumingiti.

Nanlaki naman ang mata at dali-daling tumakbo papunta sakin.

"Miss!" Sigaw niya at huli na ang lahat ng biglang natisod yung kabayo at nalaglag ako.

Ang sakit. Punyeta. Yung paa ko! Na-sprain ata.

"Miss, okay ka lang?" Tanong ni guide.

"Mukha ba akong okay? Pagkatapos malaglag sa kabayo sino sa tingin mo magiging okay?! Pogi ka sana mejo shonga lang." Mejo paiyak kong sagot sobrang sakit talaga!

Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at isinakay na naman kabayo.

"Ano?! May galit ka ba sakin?! Naaksidente na nga ako papasakayib m---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako.

Syempre joke lang yon. Pinapaasa ko lang si Shannen.



Bigla rin siyang sumakay sa kabayo at pinatakbo ito. Bale, nasa harapan niya ako. Parang tuloy nakayakap siya sakin ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Dadalhin na kita sa clinic. Baka kung mapano pa yang paa mo. Masakit pa ba?!" Pabulong niyang sabi. Shet. Ang pogi ng boses. Naiyak ako bigla. Wala lang ang pogi kasi bakit ba.

"Hala! Miss?! Bakit ka umiiyak?! Ganon ba kasakit yung pagkabagsak mo?" Nag-aalala niyang tanong.

Naiyak na ako ng tuluyan ulit. Humahagulgol na ako dito. Kaboses niya si Jungkook. Naiiyak ako. Kapag naalala ko si Jungkook at Faith na magkasama parang gusto ko nalang bigla maging tt kasi wala lang din. Gusto ko lang.

"Miss, malapit na tayo. Wag ka na umiyak." Sabi niya at pinabilis yung takbo ng kabayo.

Totoo pala yung kasabihan na pag pinapatahan ka, lalo ka lang naiiyak. Humahagulgol pa rin ako hanggang ngayon. Nang biglang tumigil yung kabayo.

"Andito na tayo. Kaya mo bang bumaba?" Napatingin ako sa paligid. Para siyang clinic ng mga army. Sinubukan kong bumaba pero sa huli natapilok lang ako. Syempre pabebe kunyare para saluhin niya ako.

"Dapat sinabi mong di mo kayang bumaba. Baka lalong lumala yang sprain mo." Sabi niya at inakay ako paloob.

Nagpalinga-linga ako at walang tao dito. Kami lang. Hala. Baka kung ano gawin niya sakin. Pumasok siya sa isang kwarto. Pagkalabas niya may dala na siyang parang first-aid kit.

"Pasensya ka na. Walang tao dito eh. Ako lang din nag-gagamot kapag may na-aaksidente. Upo ka muna dun sa kama. Kuha lang ako ng yelo." Aniya at pumunta dun sa parang kusinang maliit.

Bumalik siya ng may hawak na icebag. Kinuha niya yung paa ko na na-sprain at hinilot.

"Teka lang ha. Mejo masakit lang naman 'to pero isang sakit lang." Sabi niya at pinaputok yung butong na-sprain ko. "Inumin mo muna tong gamot para matanggal yung sakit." Dagdag niya pa sabay abot nung gamot.

"Salamat." Sagot ko nalang. Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto.

"Tara na? Kaya mo na ba?" Yaya niya.

"Oo. Kaya ko na sarili ko." Sagot ko at sumunod na sa kanya.

Inalalayan niya akong makasakay sa kabayo at sumakay na rin siya. Ayan na naman. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ikaw lang ba mag-isa dito sa Baguio?" Bigla niyang tanong.

"Hindi ah. Madami dami din kami." Sagot ko.

"Bakit ikaw lang mag-isa nandito ngayon? Delikado yun ah lalo na kung bago ka palang dito." Aniya.

"Nagkausap na kasi kaming magkahiwahiwalay kami. Para kung saan mo gusto pumunta, makapunta ka." Ako.

"Ah." Tanging sagot niya lang.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan at paglalakbay nakarating na kami dun sa pinaka-main na kulungan ng kabayo. Mejo malapit lang naman 'to sa entrance.

"Salamat ulit. Una na ako ha? Baka inaantay na ako ng mga kasama ko dun eh." Paalam ko.

"Teka. . . Anong pangalan mo?" Pahabol niya.

"Shannen. . . Shannen Loi." Sagot ko at ngumiti.

"Jeon Wonwoo." Sabi niya at ngumiti din. Napatigil ako bigla. Nawala yung mga ngiti ko sa mukha. Jeon. Grabe namang co-incidence 'to.

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.

"Ah wala. Salamat ulit. See you nalang if magkikita pa tayo." Sabi ko habang ngumiti.

"Magkikita pa tayo." Sabi niya. Ngumiti lang ako at tumalikod na.

to be continued...

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon