ika-siyam na kabanata.

65 7 0
                                        

Shannen

Hapon na ng makarating kami dito sa La Presa. Grabe traffic. Tinalo pa bilihan ng tix sa exoluxion kaiyak. So, eto na nga. Ramdam na ramdam ko ang ilangan ng lahat. Kay Mami. Cha ako tumabi habang nag-lalakad lakad kami para bantayan ni Jin. Nasa gitna kami ng kalsada ng mag-vibrate phone ko. Wao. Pwede ng vibrator.

Perry calling. . .

Oh?! Si Perry tumatawag nasa Canada 'to ah? Ibig sabihin umuwi na rin siya. Naks naman daming umuuwi ng Pilipinas ngayon ah. Sinagot na ang tawag.

"Shannen!!!!!!!" Sigaw ni Perry sa kabilang linya. Napahawak naman ako sa tenga ko. Wagas naman makasigaw 'to.

"Wow Perry makasigaw ha? Napatawag ka pala? Nasa Pilipinas ka na ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Tanga. 'Di ko kase macontact yung iba eh. Next week pa uwi ko. Tumawag lang ako para sa isang mabuting balita." Excited niyang sagot.

"Oh ano naman 'yon?" Tinatamad na sagot ko sa kanya.

"SINAGOT NA AKO NI KRYSTAL!" Sigaw niya sa kabilang linya. Kaya naman pala nagpaload. Hindi kase 'to nagloload eh. Tamad kase. Si Krystal nga pala yung nililigawan niya for 3 years. Nagkakilala kasi sila sa Canada kaya ayun. Napag pasyahan niya na wag muna umuwi ng tatlong taon hanggat hindi napapasagot si Krystal.

"Congrats! Edi masama mo siya pag-uwi mo next week?" Tanong ko.

"Oo naman. Diba sabi ko dati hindi ako uuwi hanggat hindi ako sinasagot ni Krystal sooooo." Tuwang tuwa niyang sagot.

"Sige! Pasalubong ko ha! Later na tayo mag-usap kapag sa bahay na kami. Bye!" Paalam ko.

"Okay bye!" Binaba ko na ang telepono ng magsalita si Mami Cha.

"Si Perry ba 'yon?" Tanong ni Mami Cha.

"Yes. Uuwi na daw siya next week with Krystal. Alam mo na, sinagot na si tanga." Tatawa tawa kong sabi.

"Shannen! Ate Cha!" Napalingon kami ni Mami Cha kay Taehyung na sumisigaw. Naiwan na pala kami.

Aly

Kanina pa kami naglalakad lakad kaya sobrang sakit na talaga ng paa ko. Bad shot kasi eh wala akong dalang sapatos. Naka tsinelas lang tuloy ako. Nagulat ako ng lumuhod sa harapan ko si V. Hala. Di pa ako ready. Magprpropose na ba to?!

"Huy V! Anong ginagawa mo jan?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tumalikod lang siya sakin.

"Oh? Bakit ka naman tumalikod ngayon? Sabog ka ba?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sakay na." Sabi niya. "Namamaga na paa mo oh, sumakay ka na." Dagdag pa ni V. Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ako o hindi para pabebe muna pero sa huli sumakay din ako.

"Anak ng! V! Akala ko ba si B-zxbxjsbs... Aray makahampas ng bunganga 'to" Hindi na natapos ni Namjoon ang sasabihin niya ng hampasin ni V ang bibig nito.

"Ang ingay mo kasi." Namumulang sagot ni V. Oh kay? Anong nangyayari?

Rapmon / Namjoon

Malayo-layo na rin ang nalakad namin dito sa La Presa. Nakakapagod ng sobra.

"Pahinga muna tayo saglit." Ani ko at naupo na sa isang bato. Nakita ko naman na binaba na ni V si Aly na mukhang nalugi pagkababa sa kanya. Akala ko ba si Biya gusto neto? Bakit si Aly yung pasan-pasan niya? Tsk.

"Nakakapagod pero ang ganda dito." Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. Si Yhan pala na may hawak na tubig. "Tubig oh." Dagdag niya pa sabay abot saking ng isang boteng tubig.

"Salamat." Tanging nasagot ko na lamang. Nanatili ang katahimikan sa amin ng biglang sumulpot si Jimin sa kung saan. Kabute (bakal, dyaryo) ba 'to?

"Uy aalis na daw. Mamaya na kayo maglandian jan." Sabi ni Manong Pandesal este Jimin at umalis rin agad. Napalingon na naman ako kay Yhan na namumula ang pisngi. Nasampal ba 'to?

"Okay ka lang ba? Ang pula ng pisngi mo oh? Giniginaw ka ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"A-ano. Hindi. Okay lang ako." Sagot niya at ngumiti. Hinubad ko ang jacket na suot ko at ipinatong sa balikat niya.

"Isuot mo lang yan para di ka ginawin. Akin na ako na rin magbibitbit ng gamit mo." Ani ko at kinuha ang mga bitbit niya.

"Salamat." Sabi niya ng nakangiti.

Pag-lapit namin si iba nagbabangayan in english na naman si Menze at Yoongi.

Menze

Ugh. This guy is so iritating. He keeps on pansining everything that I'm doing. Like hello. Mind your own business pls.

"I hate you." Sabi ko kay Yoongi. Oo aaminin ko, nung una ko siyang makita napogian ako sa kanya pero nung nakasama na namin siya. Ugh. He's a bitch.

"I hate you too, you rat." Reply niya sakin.

"Lagi nalang kayong nagbabanganyan in english. Baka magkatuluyan kayo niyan?" Pang-aasar ni Namjoon.

"Don't say bad words, please?" Sagot ko naman sa kanya.

"Wow choosy ka pa ha? Bigat muuuuhhhh." Maarteng sagot netonf epal na Yoongi na 'to.

"Ugh ewan ko sa inyo." Sabi ko at nagwalk out na. Dumikit nalang ako kina Cha at Shannen.

Brigitte

Wala akong kasama ngayon bakit ba ganto? Parang may problema. Bukod sa pagtatampo ko kay Shannen andaming nagbago sa paligid. Ang tahimik ni Mami Cha. Pasan-pasan ni V kanina si Aly. Nagiging malapit na si Rapmon at Yhan sa isa't isa. Parang laging nakatitig si Hoseok kay Mami Cha. Hindi magkadikit si Mami Cha at Jin. Si Jungkook at Faith na pala. Kamusta na kaya si Shannen? Makipagbati na nga ako sa kanya mamayang gabi. Ang babaw ko lang kasi. Si Airah ayun napapadalas silang magkasama ni Jin. May nangyayari talaga sa paligid ko talaga na hindi ko alam. Feeling ko sobrang outdated ko na barkada. Si Rian - Jimin at Delyn - Jisoo nalang ata ang nananatiling malandi este masaya dito. Anong nangyayari sa barkada?

Nandito kami ngayon sa Starbucks para kunyare sosyal. Nagkakape lang kase sobrang lamig. Lumabas muna ako sa Starbox kasi ang lamig sa loob naka aircon pa. Umupo ako sa may bakanteng lamesa sa labas.

"Kanina ka pa tahimik." Muntik ko ng maibuga ang kapeng nasa bunganga ko ng may magsalita sa likod ko. Si V pala.

"Ano ba yan! Kailangan manggulat?!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Sorry na hahaha." Anong nakakatawa?

"May problema ba? Parang kanina pa malalim iniisip mo. I can see Adele rolling on it." Ang funny talaga neto.

"Wala naman. Parang kasing sobrang dami ng nangyayari sa barkada, sa sobrang dami hindi ko na alam nangyayari." Malungkot na sabi ko habang nakatingin sa mga taeng nagkalat sa kalsada. Ambaho naman.

"May mga bagay kasing hindi mo napapansin sa paligid mo na kahit nanjan lang sila wala ka rin napapansin dahil sa ibang bagay ka naka-tuon." Sabi niya sakin. Wao hugot.

"Hugot ka pa jan. 'Di bagay sayo." Pang-aasar ko.

"Sus." Tanging sagot niya lang.

"Kamusta na pala mga kapatid mo? Diba sabi mo ikaw ang nag-papaaral sa kanila?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Mabuti naman sila. Gusto mo silang puntahan? Kapag nakabalik na tayo ng Manila." Sabi niya ng nakangiti. Napapalpak naman ako bigla.

"Weh? Pwede ba? Sige gusto ko yan!" Excited na sabi ko.

"Oo naman. Tara na inaantay nila tayo sa loob. Nagpipicturan na sila oh." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Kim Taehyung!" Sigaw ko at tumawa lang siya. After all, hindi lang pala ako mag-isa dito. Kahot na outdated na ako sa barkada parang sa bts at exo lang nandito naman si V para iupdate ako.

to be continued...

unexpected.Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon