Eto na talaga. Walang halong biro. Hahahaha.
Warning : Angsty 'to.
Charoline
Naiwan kaming apat dito nila Hoseok, Jin at Airah. Nabalot kami ng sobrang katahimikan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong sasabihin ko. Sobrang bilis lang ng tibok ng puso ko. Gusto ko maiyak. Magsasalita na ako ng biglang magsalita si Hoseok.
"Dito lang ba kayo? Hindi kayo aalis?" Tanong niya. Nanatiling tahimik kami at nagsalita si Jin.
"Aalis kami ni Cha." Malamig na sagot niya.
"Sige mauna na ako. May pupuntahan din ako eh. Ingat kayo." Paalam ni Hoseok at umalis na.
Mas lalong nakakabinging katahimikan ang bumalot samin sa pag-alis ni Hoseok.
Nagsalita na ako dahil hindi ko na kaya. Feeling ko sasabog na yung buong pagkatao ko.
"Jin. . . bakit?" Pinipilit kong hindi pumiyok habang umiiyak. Tumigil ako ng ilang segundo para huminga ng malalim at nagsalita ulit.
"Bakit niyo kailangan gawin sakin ni Airah 'to? Kelan pa to nagsimula? Pinagmukha niyo akong tangang dalawa! Sa dinadami-dami ng babae si Airah pa talaga! Si Airah na nakababatang kapatid na ang turing ko. Inantay ko kayong dalawa umamin sakin! Pero wala, ni isa walang nagsabi sakin kung anong meron kayo! Sana binreakan mo nalang muna ako bago mo landiin si Airah diba? Para hindi naman ako mukhang tangang umaasang mahal mo pa rin ako. . . o baka nga hindi mo ako minahal eh." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko at napaluhod ako sa sobrang panghihina ko. "Jin. . . minahal mo ba ako?" Humagulgol na ako. Wala na akong pake sa mga taong tumitingin sakin.
"Sorry." Yan lang ang nasagot ni Jin.
"Sorry?! Putangina Jin! Akala mo masasagot ng isang sorry yang mga nagawa mo, nyo ni Airah!" Pasigaw na sagot ko habang nanghihina.
"Ikaw, Airah! Hindi ko inakala na magagawa niyo sakin ni Jin 'to! Kung hindi ko pa nahuli nung tumatawag si Jin sayo siguro hanggabg ngayon nag-papagago pa ren ako sa inyong dalawa. Ang sakit Airah. Ang sakit-sakit. Tanggap ko pa sana kung ibang babae eh. Pero, ikaw?! Alam mo kung gaano ko kamahal si Jin. Pero sinulot mo! Tangina Airah. May tinatago ka din palang landi eh!" Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang malakas na sampal sakin ni Jin.
Tumingin ako sa kanya. Tuloy-tuloy lang ang buhos ng luha ko. Sinampal ako ni Jin. Dahil lang kay Airah. Mas pinili niya si Airah kesa sakin.
"Tama na Cha! Walang kasalanan si Airah dito! Hindi na kita mahal! Masyado kang pabebe! Nakaksakal! Gusto mo bawat galaw ko, alam mo. Nung una, okay pa eh. Nung tumagal na, tangina Cha ang OA na. Hindi ko na magawa ang mga dapat kong gawin para lang makausap ka! Nakakasawa na, Charoline." Galit na sabi Jin.
Hindi ko alam pero dahil lang dun?
"Magbabago ako Jin. Para sayo. Hindi na kita sasakalin. Ikaw na bahala. Parang awa. Huwag mo kong iwan. Lahat gagawin ko para hindi ka masakal. Kung gusto mo hindi na kita tatawagan madalas. Kahit sa school nalang tayo mag-usap okay lang. Hindi ko alam gagawin ko kapag nawala ka sa buhay ko. . . Jin." Pagmamakaawa ko sa kanya. Wala na akong pake kung desperada na kung desperada. Hindi ko kayang mawala sakin si Jin.
"Tama na, Cha. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa pagiging isip bata mo. Ayoko na. Patawad nalang. Alis na kami ni Airah." Ay. Anjan pa pala si Airah. Kala ko umalis na yung sulutera na yon.
Napa-upo nalang ako sa sahig. Iyak-iyak na ako ng iyak. Naalala ko lang kung pano iparamdam sakin ni Jin na ako lang yung mahal niya. Pero iba na ngayon. Sobrang sakit pala kapag pinamukha sayo ng mahal mo na iba na ang mahal niya kaibigan pa talaga. Nakakatawa lang, kasi akalain mo yun. Naging close pala si Airah at Jin ng hindi ko manlang napapansin. Ang galing nilang maglaro.