OKAY KAY YHAN AND NAMJOON NAMAN 'TO NAKAFOCUS HAHAHAHAHAHAHA.
Yhan
7 am na ng umaga dito sa Baguio pero ang dilim pa ren. Ako palang gising sa kwarto namin kaya napagpasyahan ko na bumangon na. Bumaba ako, pagkababa ko bukas ang ilaw sa kusina. May gising na pala? Pagdating ko naman sa kusina walang tao. Ah. Baka lumabas lang. Nag buklat lang ako ng makakain at nakita ko ang pandesal at ube jam sa ref, so kumain na ako. Pagkakain ko ay bumalik ako sa taas para maligo. Magjo-jogging ako ngayon tutal wala naman magawa eh.
*after 1 hour sa cr.*
Paglabas ko ng cr gising na pala si Cha.
"Oh san ka punta? Ang aga aga ah?" Tanong biya sa akin dahil nakabihis ako.
"Magjo-jogging lang. Sama ka?" Sabi ko habang hinahanao ko earphones ko sa bag. Sa wakas nagpakita ka rin.
"Ayoko. Sayang naman yung taba ko kung aalisin ko rin, pinaghirapan ko kaya 'to." Sabi niya.
"Okay. Alis na ako ha." Paalam ko.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ng jeep para pumunta sa pagjo-joggingan ko pag pauwi nalang ako maglalakad para cute. Haba nagtetext ako tumigil bigla yung jeep may sasakay pala. Akala ko naman kung ano. Isang lalaking teenager? Parang kaedad ko or mas matanda lang sakin ng ilan taon 'to ah. Nakashades siya with matching maskara pa at may hawak na lata. Gulat ako ng bigla siyang nag-rap sa loob ng jeep. Pati ibang tao nagulat din. Di ko napansin nasa harapan ko na pala siya nakaabot ang lata sa harap ko, gulat pa rin ako sa pangyayari kaya nagbigay nalang din ako ng pera. Bumaba na siya ng jeep. At gulat ako nung tanggalin niya ang maskara niya pagkababa niya ng jeep.
Si Namjoon.
Pero imposible. Anong ginagawa niya sa lugar na ganto? I mean, oo kasama siya dito sa Baguio pero, nagrarap para sa pera? Parang imposible naman ata yun. Sa sobrang pagiisip ko dun, 'di ko namalayan na nandito na pala ako sa park.
"Manong para po!" Sigaw ko. Muntik pa akong lumagpas ah. Pagkapasok ko sa park namangha ako. Ang presko ng hangin. Ang sarap naman dito. Nagsimula na akong magjogging at mag exercise ng kung ano-ano.
Nang mapagod ako napag-pasyahan ko munang umupo sa damuhan. Wow. Naalala ko lang bigla si Hoseok hehe. Di ko alam kung bakit. Habang nagpapahinga ako may nakita akong hotdog stand. Nagutom ako bigla so pumunta ako. Tinignan ko pa mga binebenta nila. Wow. Hotdog strawberry flavor. Kakaiba naman 'to. Kaya tinikman ko na. Bumalik na ako sa pwesto ko at biglang may nagtext sa akin.
From Cha :
Pasalubong ha. Thnx.Si Cha lang pala. Ang takaw talaga neto kaya tumataba eh. Sa 'di kalayuan may isang grupo ng matatandang nakaupo na para bang may hinihintay. Gulat ako ng nagtayuan ang iba at parang tuwang tuwa sa nakita nilang lalaki. Aba eto yung suot nung lalaki kanina sa jeep ah. Sa sobrang curious ko nilapitan ko. Si Namjoon. Siya nga. Yung lalaking nakita ko sa jeep kanina.
"Pasensya na ho kayo ah? Eto lang naabot ng pera ko eh. Naiwan ko kasi sa Manila yung mga credit cards ko eh." Pag hingi ng pasensya ni Namjoon. Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Kaya pala siya nagrarap kanina sa jeep with matching shades pa.
Rapmon / Namjoon
Nandito ako ngayon sa Abner Park sa Baguio. Nakita ko kase sa fb kagabi yung magiging ecent dito ngayon na tutulong sa mga homeless na matatanda. Tutal wala naman akong plano ngayong araw kaya naisipan kong magrap kanina sa mga jeep jeep para may pandagdag sa pera pambili ng mga kailangan ng matatanda. Nung umaga rin kumita na ako ng pera kasi nagperform ako sa plaza. Diba hindi planado 'tong out of town namin kaya hindi ko dala mga credit cards ko dagdag pa na magkano lang dala kong pera.