ika-anim na kabanata.

50 10 10
                                    

Kim Taehyung / V

Palabas na kami ng school papuntang SM North ng tropa ng makasalubong namin si Ate Cha mag naglalakad.

"Ate Cha!" Sabay sabay naming sigaw except Jin hyung.

"Oh bebe Cha, pauwi ka na?" Jin hyung

"Oo eh. Nauna na kasi yung iba may ginawa pa kase akong plate. Kayo? Parang may lakad kayo ah? Lalandi ka ba Jin?" Sagot naman ni Ate Cha.

"Gago hindi. Pupuntahan namen si Jisoo sa SM North nakauwi na siya kahapon. Hindi nyo alam? 'Di ba sinabi ni Delyn sa inyo?" Sabi ni Jin hyung.

"WEH? Wala siyang sinabi sakin. 'Di nya rin ata alam na nakauwi na si Jisoo eh." Sabi ni Ate Cha.

"Gusto mo bang sumama? Isama mo na ren sila Delyn kung gusto mo." Biglang singit ni Rapmon hyung.

"Sige wait teka ha. Tawagan ko lang sila." Sabi ni Ate Cha sabay labas ng iPhone 7 niyang kulay violet.

"Hello? Shannen? Nasa bahay na ba kayo? Balik kayo dito sa school dalian nyo! Wag ka na magtanong basta dalian nyo!" Sabi ni Ate Cha sa kabilang linya.

So, ibig sabihin neto magkikita ulit kami ni Biya? Hihi. Yuck. Ano ba 'tong iniisip ko.

"MAMI CHAAAAA!" Biglang may mga sumigaw sa likod namen. Yung team paquet pala. Napatingin ako kay Biya at ngumiti. Biglang naman siyang namula at napaiwas ng tingin. Ha.

"Oh ayan kumpleto na pala tayo, tara na. Baka kanina pa nagaantay satin dun yun." Sabi ko. At nagsimula na kaming maglakad. Oo lakad lang mahirap kami eh.

"Sinong nag-aantay?" Tanong naman ni Ate Menze.

"You don't have to know" Pag-eenglish naman ni Yoongi hyun. Sus kunwari pa 'to nagpapaimpress lang naman 'to kay Ate Menze.

"Okay, as if i care." English din na sagot ni Ate Menze. Hay nako. Kunyare pa 'tong dalawang 'to.
"Dito na tayo. V, text mo nga yon kung san siya nakatambay sabihin mo nandito na rin tayo sa loob." Utos namen saken ni Rapmon hyung. Pansin ko lang ha. Kanina pa nakatitig sa kanya 'tong si Yhan. I smell something maisda. Agad ko rin namang tinext si Jisoo.

To Jisoo :
Oy san ka ba? Dito na kami sa loob.

sent!

one message recieved

From Jisoo :
Sa parking ako. Nasa loob ako ng kotse ko. Punta nalang kayo dito.

Ano naman kayang binabalak neto?

To Jisoo :
Sige. Antayin mo kami. Kasama pala namin yung mga kaibigan ni Ate Cha.

sent!

"Punta daw tayong parking nandun siya." Sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. Nagvibrate na naman ang cellphone ko.

From Jisoo :
Okay. Buti nalang malaki dala kong sasakyan. Btw, kasama pati si Delyn?

To Jisoo :
Ano ba kaseng balak mo ha? Oo kasama yung malamang. Bakit ayaw mo ba? Tsaka bakit 'di nya alam na nakauwi ka na?

sent!

Kanina ko pa napapansin na parang may nakatingin saken. Pag lingon ko. Nakita ko si Aly na biglang umiwas ng tingin. Hmmm.

one message recieved

From Jisoo :
Malalaman nyo mamaya. :)

Nandito na kami ngayon sa parking lot at hinahanap na ang sasakyan ni Jisoo.

"Teka! Si Jisoo ba 'yon?! Puntahan natin baka siya nga!" Biglang tanong ni Delyn.

Delyn ( OMG LIKE OMG )

Paglapit namin sa sasakyan 'di nga ako nagkakamali. Si Jisoo nga! Sa sobrang gulat ko para akong nabato sa kinatatayuan ko (lol).

"Delyn." Sabi niya at biglang lumapit saken. Nasuntok ko naman siya sa mukha sa sobrang gulat ko.

"Bakit moko sinuntok?! Ganyan ba paraan mo para sabihing namiss moko?" Pag-iinarte naman niya.

"Sorry. Nabigla lang. Bakit 'di mo sinabing nakauwi ka na pala?" Tanong ko naman habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Para surprise! Hehe. Tara na nga anong oras na oh. Magdidilim na malayo pa biyahe natin." Sabi niya at sumakay na sa ten wheeler truck nya. Joke. Sa kotse niyang mamahalin 'di ko alam tawag eh.

"San tayo pupunta? Akala ko ba kakain lang tayo dito?" Tanong naman ni Jin oppa (oppa daw yak).

"Sa Baguio tayo pupunta. Hehe. Wag kayo mag-alala may mga damit at gamit na dun so dun wori." Sagot naman ni Jisoo.

Yhan

Grabe! As in GRABE talaga. Pupunta kami ngayon ng Baguio 'di manlang kami na-orient. Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Jisoo. Kataba ko si Namjoon. Shet. Oo si Namjoon. Hindi ako makahinga bakit ganto. Amoy bawang kasi siya.

Nagulat ako bat parang lalong nagamoy bawang. Paglingon ko nakasandal na pala si Namjoon sa balikat ko. Sa sobrang gulat ko naitulak ko yung ulo niya sa bintana ng sobrang lakas. Pero. Hindi pa rin siya nagising. Aba! Sumandal na naman siya sa balikat ko. Grabe 'di ko na talaga matake yung amoy nya. Kaya, binuhusan ko siya ng pabango. Aba ang gago 'di pa rin magising. Bahala siya jan inaantok na rin ako.

Rapmon / Namjoon

Nagising nalang ako sa sakit ng leeg ko. Shet. Anong oras na ba? Pag tingin ko sa relo ko 9:45 na ng gabi. Nakaramdam ako ng bigat sa balikat ko. Nakasandal si Yhan. HAHAHAHAHAHA. Nakanganga pa matulog. Mapicturan nga. Pagkatapos ko siya picturan inayos ko ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko para hindi siya mahirapan. Napatingin ako sa buong van. Tulog ang lahat maliban kay Jisoo na nagdadrive. Aba ang tibay ni tanga ha. Na-agaw naman ng pansin ko ang nasa harapan ko na si Jin at Airah. Aba! Akala ko tulog ang lahat. Nakita kong lumingon saken si Jin at nagulat siyang makita akong nakatitig sa kanya ng masama. Ang kapal ng mukha neto. Nasa kaliwa nya lang si Cha nagawa niya pang lumandi habang natutulog ito. Tinignan ko siya ng parang 'magusap tayo mamaya'. Agad naman siyang lumipat sa tabi ni Cha para umiwas kay Airah. Naramdam ko naman gumalaw yung katabi ko.

"Oh gising ka pala." Sabi ko kay Yhan.

"Hala sorry. Nakatulog pala ako sa balikat mo." Sagot niya. Hahahahaha. May tuyong laway pa siya sa may baba.

"Hindi okay lang." Sabi ko sabay ngiti.

"Nasan na ba tayo?" Tanong niya habang nagsusuklay.

"Hindi ko rin alam eh. Haha." Hindi na siya sumagot. Naalala ko na naman yung ginawa ni Jin. Ang kapal ng mukha niya. Ang bait bait ni Cha tas gaganyanin niya lang. Akala ko pa naman sobrang bait niyang karelasyon. Buti hindi ko siya niligawan (HAHAHAAHAHAHHAHHAAH JOKE).

Jin

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Kaba. Kinakabahan ako kay Rapmon. Baka sabihin niya kay Cha. Hindi ako mapakali.

"Babe? May problema ka ba? Kanina ka la hindi mapakali jan sa pwesto mo." Napalingon ako kay Cha na nag-aalala ang mukha. Ngumiti ako.

"Wala babe. Giniginaw lang ako nakatapat kase yung aircon satin eh." Pagsisinungaling ko. Ngumiti ulit ako ng pilit.

"Sige. Yakapin nalang kita para 'di ka ginawin." Sabi niya habang nakangiti at niyakap ako. Lalo naman akong tinamaan ng konsensya sa ginawa ko kanina. Jusko. Ano bang gagawin ko? Naiiyak na ako shet naman ang bakla ko talagay.

to be continued...




unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon