ika-dalawampu't tatlong kabanata.

35 3 5
                                    

Charoline's

"Cha!" Pahiga na ako nang biglang sumigaw si Yhan sa kabilang kwarto.

"Ano ba yan?! Patulog na ako eh!"  Sigaw ko pabalik.

"Naliligo ako! Buksan mo muna yung gate may kumakatok!" Sigaw niya naman sakin.

Ano ba naman yan! Sino bang puta ang dadalaw ng gantong oras?! Nakakabanas naman!

Nagdadabog akong tumayo sa higaan ko para buksan yung pesteng nakatok na yan.

Pag si Shannen lang yan sabunutan ko talaga yang babaeng yan! May susi naman kasi kakatok-katok pa.

"Teka lang! Eto na! Kalma lang sa pagkatok! Peste!" Banas na banas akong binuksan ang at puta

Muntik kong hampasin ng pinto yung kumakatok.

"Anong naman ginagawa mo dito?!" Irita kong tanong sa kumakatok.

Hindi niya ako sinagot at dere-deretso lang siyang pumasok.

"Hoy! Hindi kita pinapasok! At nakainom ka ba?!" Amoy alak kase nung dumaan sa harap ko at super kapal ng mukha para dumeretso sa sofa namin.

"Isa Seokjin! Anong ginagawa mo dito?! At bakit amoy alak ka?!" Nakakabwiset ah. Kung mambubulabog siya bakit hindi si Airah bulabugin niya at ako pa. Bwiset talaga. Nakakairita.

"Tatawag na ako ng guard. Bwiset ka." Sabi ko at tumalikod na sa kanya, akmang tatawang ng guard.

"Sorry." Bulong niya pero sapat na para marinig ko at magpatigil sa paglalakad ko.

"I'm so sorry" Ulit niya pa. Nanginginig akong humarap sa kanya.

"B-bakit Seokjin? B-bakit mo 'to ginagawa?"

Hindi ko alam. Hindi ko alam mararamdaman ko ngayon. Halo-halo. Gusto kong maiyak sa inis, galit at pagkagulo. Naguguluhan ako.

"Hindi ko alam Cha. Hindi ko alam." Nakayuko niyang sagot.

"Sobrang sakit pala." Dagdag niya pa ng bigla siyang tumingala sakin. Nanlabot bigla ang tuhod ko ng makita siya umiiyak.

Gusto ko siyang yakapin pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Para ako yung pangako niya na hinding-hindi niya iiwan. Napako.

"Wala na siya Cha. Hindi ko na alam gagawin ko." Iyak na siya ng iyak sa harapan ko.

Sinong wala na? Si Airah? Iniwan na siya ni Airah? Kaya ba siya uminom? Ano? Ngayon nawala na si Airah sakin siya lalapit? Aba gago pala siya eh.

Sa halip na makaramdam ako ng awa mas lalo lang akong nagalit. Bilib na talaga ako sa kakapalan ng mukha neto eh.

"Bakit dito ka pumunta?" Irita kong tanong.

"Wala na akong ibang malapitan. P-pasensiya na." Yumuko na naman siya. Wala naman ako sa sahig. Dun tingin ng tingin. Bwiset talaga.

"Yung mga kaibigan mo? Nasan na? Iniwan ka na ren? Dahil jan sa ka-lechehan mo. Umalis ka na dito." Sabi ko at tumalikod na.

"Paki-sara nalang yung gate pagka-labas mo. Salamat." Dagdag ko pa at dere-deretso na naglakad.

"Oy Cha. Sino yung kumakatok?" Tanong ni Yhan na kakalabas lang ng banyo. Nahiya naman ako sa tagal niya maligo ha. Tangina.

"Magnanakaw." Bored kong sagot.

"Magnanakaw?! Eh bat kumakatok?!" Gulat na sabi niya sakin.

"Nagpapaalam kung pwede daw ba magnakaw. Jan ka na nga." Huli kong sabi at dumeretso na sa kwarto ko.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon