Charoline
Nasa biyahe na kami ngayon pabalik ng Manila. Mejo malayo pa kaya umidlip muna ako.
"Cha. Gising na." Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Unting unti ko mimulat mata ko. Si Hoseok pala. Nasa Manila na ba kami?
"Nag-stop over tayo. Nagugutom ka ba? Ako na bibili." Aniya sakin.
"Okay lang ba kung magpapasabay lang ako? Ayoko kasi lumabas eh." Sabi ko.
"Sige okay lang. Ano ba gusto mo?" Tanong niya.
"Kahit ano nalang. Katulad sayo." Aniya ko.
"Okay. Bili lang ako." Sabi niya at bumaba na ng sasakyan.
Nang lumabas si Hoseok nag open ako ng phone ko. Wala manlang text ni isa. 12 na ng tanghali. Naglalaro ako ng angry birds ng pumasok si Kate.
"Eh hello? Hindi ka bibili ng pagkain?" Sabi niya ng makita ako.
"Uhm. Nagpabili na ako kay Hoseok." Awkward na sagot ko.
"Ah okay. Kayo ba ni Hoseok?" Tanong niya bigla.
"Ha? Hindi ah." Iling ko.
"Ah okay. Pwede makitabi?" Sabi niya at ngumuso sa tabi ko.
"Okay." Alangan sabihin kong ayaw ko siyang katabi.
awkward silence
Ang tagal naman nila!
"Pano mo sila nakilala?" Pagbasag ko sa katahimikan. Nagulat naman siya ng magsalita ako kaya nasamid siya. May lumabas na kanin sa ilong niya. Kadiri. Agad ko naman siyang inabutan ng tubig.
"Sorry." Sabi niya.
"Matagal ko na silang kakilala. Since elem pa kami magkakaibigan. So ayun." Dagdag niya pa.
"Eh si Seokjin?" Halatang nabigla siya sa sinabi ko pero nakabawi din naman.
"Ahm ano. Childhood friends kami. Kababata. Kaso niligawan niya ako. Naging kami. Pero binreakan ko siya. Bakit mo nga pala natanong?" Kwento niya.
"Naging kami rin kasi." Mahinang sabi ko. "Kwento ka pa nga tungkol sa inyo dati." Dagdag ko.
"Sure ka?" Paninigurado niya sakin. Tumango naman ako.
"Ganto kasi yon. Lampa kasi siya dati nagkataon naman na tomboy tingin sakin nung bata ako kaya ako yung nagtatanggol sa kanya. Nang naghighschool kami, nanligaw siya. Wala naman akong gusto sa kanya dahil iba ang gusto ko, at yun ay si Jinhwan isa ko pang friend from Korea. Nag-insist si Jin kaya sinagot ko siya. Umabot kami ng 1 year, pero wala talaga. Hindi nagbago yung feelings ko kay Jinhwan kahit nung bumalik siya sa Korea. Kaya napagdesisyonan ko na makipagbreak nalang kay Jin. Kasi hindi ko kayang makipagrelasyon sa taong kaibigan lang ang tingin ko. Si Jin? Mabait naman siyang tao. Lagi niyang inuuna ang iba kesa sa sarili niya. Kaya siguro deserve ko rin ang galit niya sakin. Nagalit siya sakin. Pinaalis niya ako. Sabi niya huwag na daw akong magpapakita sa kanya. Nagkataon naman na nagkasakit yung dad ko kaya kinailangan namin siyang dalin sa ibang bansa, which is Korea. Nawalan ako ng contacts ng tuluyan sa iba pa kaya nga nagulat ako nung napadpad sila, kayo dito sa Baguio." Paliwanag niya.
Natahimik naman ako ng ilang minuto.
"Pano ka napunta dito sa Baguio?" Tanong ko naman.
"Nung nasa Korea ako, nagkita kami ni Jinhwan. Nagkasama kami. Niligawan niya ako. Sinagot ko siya. Nung makauwi kami diti sa Pilipinas dito kami sa Baguio dahil dito lumipat ang nanay ko. Sumama naman si Jinhwan to. Magt-three years na rin simula nung nakabalik kami." Aniya.
"Ikaw? Magkwento ka naman, bakit kayo nagbreak ni Jin? Okay lang ba?" Dagdag niya.
Hindi ako nagsalita.
"Kung ayaw mo okay lang naman sakin." Aniya pa.
Huminga ako ng malalalim at nagsimulang magkwento.
"Nagkakilala kami ni Seokjin nung 3rd year. New student ako nun kaya mejo naligaw pa ako. Nung hinahanap ko yung room ko nabangga ko siya ng hindi sinasadya. Naapakan ko pa panyo niya. Sobrang sungit niya pa nun. Tinalo pa babae sa kasungitan. Tas ng nalaman ko classmates pala kami. Naging close kami sa isat isa. Mabait naman pala siya. Umabot ng ilang buwan, niligawan niya ako. Pero never ka niyang naikwento sakin. Kaya nagulat ako nung malaman na ex ka niya pala. Umabot din kami ng one year. Sobrang sweet niya sakin. Hindi ko na nga alam gagawin ko sa buhay ko kung mawawala pa siya sakin. Then nung first night namin sa Baguio. Nagulat ako. Tinatawagan niya yung isa kong kaibigan, si Airah. Hindi ko pinansin nung una kasi akala ko ibang Jin yun kahit parehas ng number. Kinabukasan naginit lan yung ulo ko ng makita ko silang magkasama ni Airah sa kitchen. Nung gabi, napagpasyahan namin mag-gala kung saan saan dahil last night na rin naman namin. Naiwan akong mag-isa. Iniwan nila ako ni Airah. Ang mas malala? Sinampal niya ako sa harap ni Airah. Si Airah na kapatid ang turing ko. Pinili niya si Airah kesa sa akin. Nasasakal siya sa akin. Kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nakipagbreak sa akin." Iyak na ako ng iyak matapos ko magkwento. Naramdaman ko naman na hinahagod ni Kate yung likod ko.
"Wag ka na umiyak. Shh. May iba pa jang lalaki. Hindi deserve ni Jin ang babaeng katulad mo." Pagpapatahan niya sakin.
Nagpupunas ako ng luha ng dumating si Hoseok.
"Cha? Bakit ka umiiyak? Kate bakit mo pinaiyak si Cha?" Sabi ni Hoseok.
Tumalikod naman ako at nagtaklubong ng maliit ng unan sa mukha.
"Salamat sa pagkain Hoseok. Inantok ako bigla eh. Mamaya ko nalang kakainin yan pagkagising ko. Hindi pa rin naman ako gutom." Sabi ko at pumikit na.
Hoseok
Umiiyak na naman si Cha. Gagong Jin kasi. Tumayo na si Kate sa tabi ni Cha at bago niya ako lampasan may sinabi siya sakin.
"Alagan mo siya ah? Feeling ko ikaw lang ang makakatulong sa kanya." Aniya at tuluyan ng umupo sa pwesto niya.
Tinabihan ko ang natutulog na Cha at inayos ang pwesto niya. Nakaramdam din ako ng antok kaya natulog na rin muna ako. Wala pa naman sila eh. Mga kumakain pa sa Wendy's.
Charoline
Wow. Nagising na naman ako ng may tumatapik sakin. Pagmulat ko akala ko si Hoseok. Si Shannen pala.
"Lakas mo Mami Cha. Buong araw tulog ha." Pangaasar niya sakin.
Pag tingin ko sa bintana ng sasakyan gabi na pala at nasa dorm na kami.
"Ano? Walang balak bumaba?" Dagdag pa ni Yhan. Sabunutan ko to eh nang makita niya hinahanap niya.
Bumaba na ako at nasa labas ang mga lalaki. Kami nalang pala nasa loob ng van.
"Uy, Jisoo thank you pala ah?" Pagpapasalamat ko.
"May bayad yun, anong akala niyo?" Natatawa niyang sabi.
"Ano?!" Sabay sabay naming sigaw na mga babae.
"Biro lang. Pano ba yan? Una na kami. Anong oras na rin kasi eh." Aniya at nagpaalam na kay Delyn.
Nagpaalam na rin ang iba sa isat isa ng maiwan si Hoseok.
"Oh? Sehun? Chos. Di ka pa sasakay?" Tanong ko sa kanya.
"If you need someone to talk to, nandito lang ako. Ingat ka. Bye." Sabi niya sakin at sumakay na sa van.
Ohkay? What was that?
"Cha! Ano hindi ka pa papasok?!" Sigaw ni Ate Menze mula sa loob.
"Eto na nga eh." Padabog akong pumasok.
Sana lang wala dito sa Airah.
to be continued...