ika-labing walong kabanata.

53 4 10
                                    

Kim Taehyung / V

Pabalik na sana kami ni Biya sa meeting place namin sa Burnham. Naglalakad na kami ng biglang nag-ring yung phone ko.

Mama calling. . .

Oh? Bakit biglang napatawag si Mama?

"Hello, Ma?" Sagot ko sa telepono.

"Anak, pwede bang umuwi ka muna ngayon? Nasa ospital kasi ang kapatid mo. Dinala namin kahapon." Nagulat ako sa sinabi ni Mama.

"Sinong kapatid? Dalawa kaya sila. Tsaka bakit?" Tanong ko.

"Si Ange malamang. Siya lang naman yung mahilig mag pigil ng ihi at hindi naliligo eh. Ayan tuloy nagka UTI. Bilisan mo umuwi ka na. Walang bantay to dito. Aalis ako." Sabi ni Mama at binaba na yung tawag.

"Oh bakit?" Tanong ni Biya.

"Pinapauwi na ako ni Mama nasa ospital daw si Ange yung kapatid ko. Walang magbabantay." Akala kasi ni Mama five minutes lang byahe mula Baguio hanggang Manila eh.

"Oh? Tara. Sasamahan na kita. Diba sabi mo nasa ospital?" Pag-yayaya niya.

"Sasama ka?" Gulat na tanong ko.

"Oo. Diba sabi mo ipapakilala mo rin sakin mga kapatid mo? Kaya sasama na ako. Tsaka para may kasama ka pabalik sa Manila. Ayaw mo ba?" Nagtatampong ani niya.

"Syempre gusto. Tara na. Baka matagalan tayo mag-antay ng bus pabalik dun." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya at hinila na papunta sa sakayan ng bus. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero bumalik din sa dati yung itsura na.

Umupo muna kasi sa waiting area habang wala pang sasakyan.

"Nagugutom ka na ba? Nauuhaw?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo." Sagot niya.

"Anong gusto mong kainin? Bibili ako." Ako.

"Kahi ano nalang. Yung kaparehas nalang ng sayo." Aniya.

"Sige. Bili lang ako." Sabi ko at umalis na.

Brigitte Irish

Umalis na si V at naiwan naman ako mag-isa. Na-eexcite na ako makita yung mga kapatid niya. Naalala ko naman yung ginawa niyang pag-coconfess sakin. Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng guilt. Ayoko naman paasahin siya. Kaya sinabi ko na hanggang friends nalang kami. Masasayang lang talaga friendshio namin kapag naging kami. Tsaka si Marlou lang talaga ang gusto ko eh.

Napatigil ako sa pag-iisip ng bumalik si V.

"Eto oh. Donut nalang binili ko. Sabi mo kasi kaparehas nung akin. Iba ibang flavors yan di ko alam yung gusto mo eh." Aniya.

"Okay lang. Thank you." Sabi ko at kumain na. Nabalot na naman kami ng napakaawkward silence. Nagsalita namn ako.

"Sorry. Sorry talaga V." Sabi ko.

"Ano ka ba. Sabi ko diba? Mag-mumove on nalang ako. Bago palang naman 'to madali lang yan. Huwag mo na 'yong isipin." Ngumiti naman siya na hindi abot sa kanyang mata. Lalo akong nalungkot. Bakit ba kasi sobrang bait ni V? Sana siya nalang ang nagustuhan ko. Madali naman siyang magustuhan eh. Pero hindi ko alam, hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Haylayf.

"Tara na nandito na yung bus." Aniya at tumayo na. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

"Matulog ka muna. 6 hours pa byahe natin." Sabi niya ng makarating kami sa pwesto namin.

Nakaramdam naman ako ng antok kaya sumandal ako sa pader.

Kim Taehyung / V

Tulog na tulog si Biya. Nakasandal yung ulo niya sa pader. Natawa naman ako ng mahina dahil gumegewang gewang yung ulo niya kaya sinandal ko ito sa balikat ko at natulog na din.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon