ika - dalawampu't isang kabanata.

37 4 15
                                    

Brigitte

10 minutes mag-start na prom hindi ko pa rin nakikita si Aldwin. Kinakabahan na ako. Anong gagawin ko mamaya kapag di siya sumipot. Puta.

"Biya ano? Wala pa rin si Aldwin?" Tanong sakin ni Rian.

"Wala pa nga rin eh. Baka di nalang ako sumayaw mamaya."

*5 minutes before cotillion*

Hindi na talaga ako makakasayaw. Sayang yung ilang araw na pag-papractice ko.

Lalabas na sana ako ng venue para mag-cr kasi nakakahiya naman nanunuod ako don tapos dapat sasayaw din ako, nang may biglang humila sa kamay ko at dinala ako sa pila ng mga sasayaw.

"Teka sino ka ba?! Bakit ka nanghihila?!" Irita kong sagot sa lalaking humila sakin.

Hindi siya sumagot dahil tinawag na ang pair number namin.

"Pair #20" Emcee.

Teka si Aldwin kaya 'to? Pero pano? Imposible naman ata siya 'to. Ugh. Bahala na nga basta makasayaw kami ng maayos okay na yon.

Habang nagsasayaw kami hindi ko maalis mata ko sa ka-partner ko. Sino kaya 'to?

Natapos ang cotillion ng hindi ko nakikilala ang partner ko kaya dumeretso na ako sa table namin.

After ng cotillion pwede ng kumain kaya napagpasyahan ko na magpalit na ng cocktail dress na pinadala sakin ni Mama.

Habang naglalakad ako papuntang CR may nakita akong isang lalaki na nagaabang sa may entrance ng venue. Parang pamilyar 'to ah? Ah! Tama siya yung kapartner ko. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang lumingon sakin.

Gago. Gago. Gago.

Si Aldwin!

"A-Aldwin?" Nauutal kong tawag sa kanya. Tinignan niya lang ako ng malamig. Tatalikod na sana siya ng magsalita ako ulit.

"Ikaw ba yung ka-partner ko kanina sa cotillion?" Tanong ko sa kanya.

"What if ako nga 'yon?" Sagot niya.

"Ah. Wala lang. Nagulat lang ako kasi akala ko hindi ka sisipot eh. Sige una na ako." Sabi ko nagmadaling pumunta sa CR.

Rian

Kakatapos ko lang kumain kaya napagpasyahan ko na pumunta sa table nila Jimin.

"Nasan si Jimin?" Tanong ko kay Jungkook dahil siya lang ang nandun.

"Lumabas ata eh." Sagot niya habang ngumuguya. Balahura talaga neto kahit kelan.

"Ah sige. Salamat." Sabi ko at dumeretso sa labas.

Buset talagang Bogart 'to. Di manlang nagsasabi kung saan pupunta.

Mejo madilim na rin dito sa labas dahil kanina pa nagsimula yung prom.

Naglalakad ako ng marinig ako kumaluskos sa likuran ko.

"Sino yan? Bogart?" Tanong ko kung sino man 'yon.

Sinundan ko kung saan yung parang may kumakaluskos.

"W-Wendi? Jimin?" Nakita ko silang magkayakap. Tangina. Putangina mo.

Hindi ako nakakilos sa pwesto ko. Para akong hihimatayin na ewan sa nakita.

"B-bakit kayo magkasama?" Tanong ko habang pinipigilan ko yung luha ko.

"A-ano kasi Ri--" Lalapit sana sakin si Jimin pero sinigawan ko siya.

"'Wag mokong lapitan! Break na tayo!" Sigaw ko at nagtatakbo na palayo. Wala akong pake kung nakagown ako o heels. Basta takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na alam kung nasan ako nang nakakita ako ng isang swing at umupo dun.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon