ika-pitong kabanata.

51 9 13
                                    

Kim Taehyung / V

Mag-mamadaling araw na ng makarating kami sa Baguio.

"Umakyat na kayo sa taas. Aayusin ko lang mga gamit na gagamitin nyo magpahinga na kayo. Yung right door sa boys yun tas yung left door sa girla yun." Sabi naman ni Jisoo at lumabas muli para gisingin si Delyn na tulog na tulog pa sa sasakyan. Hindi na muna ako umakyat at tutulungan ko muna si Jisoo. Ilang oras din siyang nag drive noh.

"Tulungan na kita. San ba nakalagay yung mga gamit?" Tanong ko sa kanya ng makabalik siya.

"May kwarto sa tabi ng hagdanan jan. Nandun yung mga damit at mga sabon. Iakyat ko lang 'tong baboy na 'to." Sabi niya habang paakyat ng hagdanan buhat buhat si Delyn. Napatitig ako sa kanilang dalawa. Grabe 'tong dalawang 'to. Nakakainggit yung relasyon nila.

Nakababa na si Jisoo at tinuloy na namin ang pag-aayos ng gagamitin namen sa pag-istay dito.

"May gusto ka ba dun sa Biya?" Napatigil ako sa biglang pagtatanong niya saken.

"Ha? Wala ah. Hahahaha." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Sakin ka pa talaga nagsinungalin ha. Baka makakalimutan mo kilala na kita nung mga panahong may gatas ka pa sa labi." Sabi niya habang natatawa.

"Mabait naman siya diba? So bakit hindi ko siya magugustuhan?" Sabi ko habang nakangiti.

"Kung ako sayo, sabihin mo na, gumawa ka na ng move habang maaga pa. Sige ka, baka mahuli ka nyan kawawa ka." Seryoso niyang sabi sakin. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Sige na umakyat ka na dun. Ako na bahal dito sa mga natitira. Napatulala ka na jan eh. Hahahaha." Ani Jisoo. Sinunod ko naman siya na umakyat na ako. Pagkapasok ko nakita ko si Jin hyung at Rapmon hyung na seryosong nag-uusap. Nagkabaklaan na ata.

"Ano pinag-uusapan nyo?" Tanong ko sa kanila. Nagulat naman sila ng makita ako.

"Kanina ka pa ba jan." Seryosong tanong ni Jin hyung.

"Hindi. Kakapasok ko lang. Ano nagkabaklaan na kayo jan?" Pang-aasar ko sa kanila.

"Gago hindi. Baliw ka talaga." Sagot ni Jin hyung. Ang tahimik ni Rapmon hyung ah.

"Tulog na ako. Jin yung pinag-usapan naten. Umayos ka. At ikaw V, matulog ka na." Seryosong sagot ni Rapmon hyun at umalis na.

"Anyare dun? Bakit ang sungit?" Tanong ko kay Jin hyung.

"Ewan ko dun. Sige na tulog na ako. Goodnight." Nahiga na si Jin hyung. Humiga na rin ako.

Mag-iisang oras na akong nakatitig sa kisame hindi pa rin ako inaantok. Napahaba ata yung tulog ko kanina sa biyahe. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya bumaba muna ako para humanap ng pagkain.

Pagkababa ko may nakatalikod na babae na umiinom ng gatas. Nilapitan ko.

"Biya?" Gulat ako ng pag-lingon niya saken. Duguan ang kanyang mukha at sobrang putla. Sa sobrang takot ko napatili ako.

"Huy! Bakit ka sumisigaw? Tulog na sila." Sabi ni Biya. Napapikit naman ako at mumulat ulit. Namamalikmata lang pala ako. Nasobrahan na ata ako sa panonood ng horror movies.

"Wala namalikmata lang ako. Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh. Di ako makatulog eh. Napahaba yung tulog ko sa biyahe. Ikaw?" Aniya habang kumagat sa tinapay niya.

"Di rin makatulog tsaka nagutom ako bigla." Sagot ko habang nagbuklat ng makakain sa ref.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan ng ilang minuto kaya naisipan kong magsalita na.

"Ah ano." Wow. Sabay pa talaga kami ha.

"Mauna ka na." Sabay ulit kami kaya napatawa nalang kaming dalawa.

"Sige na una na ako. Gusto mong lumabas? May nakita kase akong hot spring sa may labas kanina nung pagkarating natin eh." Biya.

"Sige, tara." At lumabas na kami.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong niya. Bigla naman akong kinabahan. Akala ko nakalimutan na niya.

"Ah ano. Yung ano. Yung kiss. Sorry pala dun. Nabigla lang ako." Pagsisimula ko.

"Yun? Hahahahaha. Okay lang sa pisngi lang naman eh." Sabi niya habang nakangiti.

"Oo nga pala. Magkaaway ba kayo ni Shannen? Napansin ko kasi kanina nung sa may school nag-iiwasan kayo eh. Tsaka kanina sa sasakyan" Tanong ko.

"Ah yun ba? Ano kasi. Nalaman ko kasi na magkasama sila ni Marlou nung araw na magkasama tayo. Alam niya naman kung gano ko kagusto si Marlou tapos malalaman ko na lumabas silang dalawa." Naiiyak niyang sabi. Si Marlou na naman topic naming dalawa. Napabuntong hininga ako.

"Nandito naman ako" bulong ko sa kanya.

"Ha ano sabi mo?" Tanong niya.

"Wala. Sabi ko inaantok na ako. Tara na pasok na tayo." Pagyayaya ko sakanya at tumayo na kaming dalawa.

Wala na. Parang di ko na itutuloy yung plano ko. Balak ko kasing mag-confess kay Biya bago kami makaalis dito sa Baguio. Pero, parang talo na agad ako.

Cha

Nagising ako sa sobrang ginaw. Anong oras sa ba? Pagtingin ko sa phone ko parang kukunin na alo ni Lord sa sobrang liwanag. 3 am palang pala. Hala. Devil time. Napalingon ako sa pinto nung pumasok si Biya.

"Oh Biya? Di ka pa natutulog?" Tanong ko sa kanya.

"Matutulog palang. Ngayon palang ako dinalaw ng antok eh." Sabi niya at tumabi na kay Faith.

Napalingon naman ako sa katabi kong humahagikhik sa cellphone nya.

"Ikaw rin Airah? Di ka pa natutulog?" Baling ko sa katabi kong si Airah. Napalingon naman siya saken at ngumiti.

"May kausap lang hehe. Tutulog na rin po ako." Sagot naman ni Airah.

"Oo matulog ka na talaga. Anong oras na oh" Sabi ko at tinalikuran na siya.

Ano ba yan di na ako makatulog. Nagulat ako ng mag-ring yung phone ni Airah. Tinignan ko si Airah na tulog na tulog sinubukan ko na rin gisingin ayaw talaga. Nang tignan ko yung phone ni Airah. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at nasa Baguio pa talaga kami ha. Nanikip dibdib ko sa nabasa ko kahit wala ako nun. Sana mali talaga ang nasa isip. Sana talaga ibang Jin yung tumawag kay Airah. Pero hindi eh. Parehas na parehas ng number yung Jin ko at Jin na kausap ni Airah. May ♡ pa talaga ha. Nanginginig kong sinagot yung tawag ni Jin.

"Hello." Kinakabahan kong sagot sa telepono.

"Hello Airah? Akala ko tulog ka na? Tinry ko lang tawagan ka para malaman kung gising ka pa. Anong oras na oh. Matulag ka na ha. Hello? Airah?" Tangina. Pinatay ko na ang tawag ni Jin. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko. Putangina mo Jin. Ang kapal ng ano mo. Kaya pala hindi ka nagrereply kanina nung tinext kita ng goodnight may iba ka palang kausap. Sa dina-daming babae sa mundo. Kaibigan ko pa? Si Airah pa? Si Airah na nakababatang kapatid ang turing ko. Si Airah. Alam naman niya kung gano ko kamahal si Jin. Gagantuhin niya lang ako? Saan ba ako nagkulang. I feel so attavked rn. Walanghiya ka. Walanghiya kayo. Iyak lang ako ng iyak sa ilalim ng kumot ko at 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

to be continued...

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon