HBK-6 : Hori and Jin

737 54 4
                                    

dedicated to @heyitzzme

Jin and Horizon ---->>

----

Nagtuloy tuloy lang ang ganuong relasyon nina Hori at Wendy, mas naging malapit pa sila lalo sa isat-isa. At alam rin ni Hori na may nararamdaman na sakanya si Wendy, patunay na dun ang kanyang kilos pag kasama nya si Hori.

At kung iniisip nyong nagloloko lang si Hori, well di nya kayang lokohin ang pagibig. Seryoso talaga sya.

Nakilala nya na rin ang mga kaibigan neto, kaso medyo ayaw nya ugali nila lalong lalo na si Irine at Joy. Di nga nito lubos maisip kung paano nya naging kaibigan ang mga demyonyitang mga iyon (sorry for the word)

"So, How are you?" casual na tanong ni Hori.

"So far, ayos pa naman" may ngiti nang binanggit nya ito.

"Oh really?" alam nyang matotonohan nya itong sarcastiko and tama nga sya.

Natahimik ang dalaga na nagpa akward sakanila.

"I mean, yeah, sobrang sikat na nga ninyo eh" pambawi ni Hori

"Kayo rin naman, sige---"

"Horizon!" may tumawag kay Hori sakanyang likuran.

Agad na nakilala ni Horizon kung sino iyon kaya pinalapit nya ito sakanya at kay Wendy.

What a great moment.

"Remember her, Jin?"

Sobrang excited ni Hori na makita ang kanyang babaeng minamahal, tsk ang corny nya nga eh!

Syempre may dala nanaman syang pampapogi points, chocolates and flowers, again. Note the sarcasm.

Naabutan nya si Rap sa bahay ng mga Aquino, madalas na rin sya dito at kilala narin sya ng mga lolo at lola na kasama ni Wendy sa bahay.

"Rap! Ano ginagawa mo dito?" nakangiting bati ni Hori.

Poker face lang si Rap

"You should leave, Hori"

"Kakarating ko palang, pinapaalis mo na ako"

"Im just telling you" walang pagbabago sa mukha neto na bago naman sa dating aura ni Rap .

'Anong problema neto?'

Di na lang nya ito pinansin at tumabi sakanya sa couch.

"Nasaan si Wendy?"

Hinarapan na sya ni Rap

"Hori umuwi kana, wala si Wendy ngayon"

Naiinis na sya kay Rap dahil sa pagpipilit dito na pauwiin na sya.

"Ano bang--" napahinto sya sakanyang sinasabi ng may marinig sya na papasok sa bahay ng mga Aquino.

Nung una nasiyahan sya nang makita nya na andun si Wendy, kaso unti-unting nandilim ang paningin nito ng makitang may sumulpot na lalaki sa tabi nya at marahan na nakapalupot ang kamay nito sa bewang ni Wendy.

'Sino sya?'

Nagtagpo ang kanilang mata at bakas dun ang pagkagulat ni Wendy, hindi nya inaasahang makikita nya si Hori sa araw pa na yun!

kinukimbinsi ni Hori ang kanyang sarili na mali ang iniisip nito, kaya ngumiti parin sya kay Wendy ngunit binabaan lang ito ng tingin.

Lumapit sya sakanila at kasabay nun ang pagpasok rin ng magulang ni Wendy na ngayon lang rin nya makikita!! Ay geez wala syang chocolates na dala para sakanila!

Nagmano ni Rap sa magulang ni Wendy at ganun rin ang ginawa ni Hori,

"Who are you?" kunot noong tanong ng nanay ni Wendy sakanya.

"Im Horizon Ramos,Ma'am"

"He's a friend of Rap, Mom" mabilis na sabi ni Wendy.

At parang may libong karayom naman ang tumusok sa puso ni Hori sa narinig.

Pero bakit nga ba sya masasaktan? Tama naman ang sinabi nito, kaibigan lang naman sya ni Rap. Pero ang masakit parang wala lang kay Wendy ang meron sila. Ano bang meron sila?! Wala.

"Pakilala mo naman sakanya si Jin" sabi ng ina ni Wendy na sa tingin nya'y tinutukoy nito ang lalaking kasama nya.

Medyo mailap ang tingin ni Wendy kay Hori, lagi lang syang nakatungo.

"This is Jin Kim, ahmm.. My boyfriend"

Sa sinabi nyang iyon, parang otomatikong nanghina sya. Kahit inaasahan na nyang ganun ang mangyayari di parin nya iniisip na ganun talaga... Kaya ngayon.....-- alam nyo na siguro ang nararamdaman nya

At kahit mahirap, ngumiti parin sya ng pilit, di naman pwedeng ipakita na nasasaktan sya dahil nga diba, kaibigan lang sya ni Rap! Wala silang relasyon ni Wendy. Tsk

Nakipagkamay sakanya si Jin, kahit ngayon nya palang ito nakita, naiinggit na sya rito, inggit na inggit.

"Ah sige, actually paalis na ako neto eh. Mauna na ako" nakangiti nyang pagpapaalam ngunit mapait.

Pakshet na buhay

Bakit ba kumakalat na ang virus na 'Paasa'? Lahat nalang!

At simula nun, talagang hindi na nagtagpo ulit ang kanilang mundo, ngayon na naulit.

Mahahalata sa mukha ni Wendy ang gulat, syempre makita mo ba naman ang dalawang taong niloko mo! Ha syempre mangingilabot ka

Nung una, nagulat rin si Jin na makita nya ang dalawa. Pero pumasok agad sa isip nya ang plano...

Lumapit sya sakanila, nakangiti sakanya si Hori habang si Wendy naman ay nakayuko lang.

"Ofcourse, she's one of the famous rookie group. Hi Wendy"

Nagtaas na nang mukha si Wendy,

"Kung bumalik lang kayo para maghiganti saakin. Please, don't" seryosong saad ni Wendy sa dalawa.

Tumawa pa ng kaonti ang dalawa.

"What are you saying, Wen? Haha Past is past, it's none of our business now" komento ni Jin.

Yeah, Past is Past.


----
A/N:

Medyo magulo yung UD ngayon hehe, nasa byahe kase nung sinusulat ko toh... And sorry kung matagal ako mag UD
.. Yeah It's Hori and Jin on this part!

Enjoy Folks!



HeartbreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon