dedicated to @MssJii ~ thank you for voting and commenting!
Isang linggo na ang lumipas. Medyo nasanay na rin sila sa mga gawain na pinapagawa sakanila. Ngunit ang pagrereklamo ay forever na ata nilang kambal. But who knows.....
The Hard Rock Troop was together doing the house chores. Iba iba ang nakaassign sa bawat trabaho para mas mapadaling matapos.
Naging mas close narin sila sa isat isa. They can talk informally to each and everyone. At masasabi ring may team work sila. 'Team work makes the dream work' yan ang laging sinasabi ni Rap.
Si Irene ay pinupunasan na ang floor sa sala, maigi nya itong pinupunasan dahil allergic sya sa dumi, sa kanyang isip isipan ay kinu-curse nya nalang ang lahat ng nangyayari, but she was secretly enjoying it though, lalo na ang pagpaplantsa ng damit. Ngayon nya lang naranasan ito, she was the princess of her family.
Natapos na syang magpunas. Hihintayin nya nalang itong matuyo. pumunta muna ito sa kitchen para kumuha ng water. And sakto andun si Jin, nagluluto ng kanilang lunch.
"Oh the princess is so tired, i wonder what she wants to eat" sabi ni Jin.
Ngumiti si Irene, so far, si Jin ang nakakasundo nya sa BTS. He was mature and a gentleman, and he's good at cooking too.
"Can you serve me a Blanquette de Veau?"
"Sûr, Mademoiselle" he bowed.
"Too much honorifics huh"
"Yun lang alam ko e hehe"
Naamoy ni Irene ang bango ng niluluto ni Jin. It's seafood kare-kare.
"Kahhh, i miss my nanny! Eto palagi ang pinapakain nya sakin eh kahit ayaw ko, ngayon ko lang naapreciate" tumikhim pa sya rito.
"Sarap noh"
"Hmmm.... In fairness, pwede na"
"Ang taas talaga ng standards mo" piningot ni Jin ang tenga ni Irene.
"Aww that hurts! You know naman na maselan ang skin ko, tsk"
Jin chuckled while mimicking what she have just said. Pinagpapalo naman siya ni Irene.
"Bye, aalis na ang dyosa" sabi ni Irene at lumabas na ng kitchen.
Kumulo ang dugo nya ng may makitang maduming foot print doon sa pinunasan nya kanina. Mapapatay nya ang taong tumapak sa pinaghirapan at pinagpawisan nyang pinunas.
Galit na galit nyang sinundan ang mga foot prints na yun, huminto iyon sa tapat ng couch. At mas lalong kumulo ang kanyang dugo ng makita kung sino ang hudas na taksil.
(Bigyan ng hugot)
"Hoy! How dare you, matapos kong linisin ikaw naman itong dudumihin!!" umuusok na sigaw ni Irene sa taong feel at home ang upo sa couch habang nanunuod.
"Huh?.... Oh about that. Im sorry, pupunasin ko rin after nitong pinapanuod ko" sinulyapan nya lang si Irene at tinutok uli ang tingin sa TV.
Tinignan ni Irene kung ano ang pinapanuod niya, it's a documentary about Aliens."Hoy Violet, clean it now. And bakit ka ba nandito?! You're not welcome here" nawawala talaga ang formalities ni Irene pag si V ang kaharap nya.
Doon na napalingon si V "Kung hindi mo pa ako kilala, my name is V, not Violet or anything. And for your information, Ms. Irene Brown, wala pa namang naginform sakin na naka banned ako dito sa Villa nyo" may diin nyang sabi then he ended it with a bitter smile.
Pinatay na mismo ni Irene ang TV.
"Yah!" si V.
Pinanlakihan nya lang ng mata si V.
Binuksan uli ni V ang TV gamit ang remote. Ngunit sinara uli ni Irene. And the cycle goes on hanggang sa maiinis na si Irene at kinuha nya yung remote kay V at binato yun kung saan.
"Awww!!!" tili ng isang babae.
Napatingin silang dalawa kay Yein na umiiyak na dahil sa tumilapon na remote sakanya.
At ang uwi ng dalawa ay sa disciplinary council. Nagsumbong kasi si Yein kaya ngayon ay naparusahan silang dalawa na ipirito ng 15 minutes sa araw. Syempre inis na inis si Irene, ang perlas nyang balat ay matutusta. Pero dahil nasa Modern Century na tayo, nanjan naman si Sun block.
"Tandaan mo to, Violet. Pag nakaalis tayo dito ihanda mo na kabaong mo" madiin na banta ni Irene.
"Oh thank you for informing me, that's so good of you, miss. Don't worry, i'll call the funerary later"
"Don't talk to me"
Natatawa nalamang si V sa pagtatantrums ni Irene.
Nasilayan nya naman na papalapit si Jin sakanila habang may dala-dala.
"Here, kumain na kayo" Jin said.
"Thank you, Jin! I'm really starving. Kung sino ba naman kasi jang may balat sa pwet at pati ako nadadamay sa kamalasan nya" parinig ni Irene.
"Ako ba tinutukoy mo?" si V
"Siguro"
At ayun, nagbangayan nanaman sila.
"Mukha kayong lovers na may quarrel" saad ni Jin na tumatawa.
"NO!" sabay nilang sigaw.
Nagpaalam na si Jin ngunit pinigilan sya ni Irene.
"Dito ka muna, ayokong makasama syang kumain"
"Ghe alis kana Jin, alam ko namang allergic ka sa araw" sabi ni V.
At umalis na nga si Jin.
"What the hell! Alam ko namang hindi ka parin nakakagetover sa pag dump ko sayo--" napahinto si Irene ng marealize nya kung anong ang pinagsasabi nya.
Ngumiti lang ng mapait si V sakanya.
"Don't worry wala na sakin yun"Na guilty naman si Irene sa sinabi nya. Bobo Irene! Stupid! Ngayon ay tahimik lang silang kumakain.
---
Natapos nanaman ang araw nila ng maayos, lahat ay nakapasok na sakanilang Villa at nagpapahinga.
Naisipan namang magpahangin ni Seulgi sa labas, hindi kasi sya makatulog kaya lumabas muna sya at naglakad lakad sa pampang.
She adored the Island, the H-lion Island. Tama nga ang sinabi nila, napakaganda nito. Maingay na ang paligid dahil sa mga alingawngaw ng kuliglig at ibat ibang insekto. Tumaas ang kanyang tingin at duon makikita ang mga bituwin. Star gazing is one of her relaxation.
May isang pamilyar na tawa ang kanyang na narinig,
At sana hindi nya na lamang ito tinignan. She felt like there is a thorn inside her heart.
It was Jimin, smiling and laughing
....with Momo.
•Dahil #SeulMin shippers ako hehehe.
Comment (Praise or Criticize it)
Vote
Share