[Nari's POV]
"Nariii!! Buksan mo itong pintuan mo!!" sigaw nung gilagid sa labas ng kwarto ko. Hala, 1am palang ng umaga namwimwiset kaagad.
"Tulog pa siya! Balik ka nalang kapag may forever na!"
"Forevermore na Nari!"
"Ulol mo! Tapos na yun!" kaya walang poreber eh.
"Buksan mo na yung pinto! Sisirain ko ito!"
"Gamit ng ano? Gilagid mo?"
"Pakyu Nari! Buksan mo na!"
"Password muna!"
"Ayoko nga! Purong kasinungalingan lang lahat nun!" gago. Totoo kaya lahat yun.
"Oh talaga?! Kwento mo sa height ni Jimin! Tangina mo kuya Yoongi! Umalis ka na nga! Distorbo ka sa pagtulog!"
"Ito na nga! Dyosa si Nari at mahal siya ng mga asawa niya sa Korya!" yiee. Ganda ng password ko noh? Parang si otor lang, muhehehe. Bumangon ako sa kama at binuksan yung pintuan.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Saan ka pumunta kanina pagkatapos nakawin yung french fries at yung ketchup?"
"Sa labas ng mall." tapos sa timezone.
"May kasama ka?"
Si V.
"Wala."
"Ah okay." sabi niya at umalis na. Yun lang? Pasipain ko ito kay Hoseok eh. Walang kwenta naman yung tanong niya. Kinabukasan, pumasok nanaman ako sa school. Walang kwenta rin naman yung mga tinuturo. Kailan ba namin gagamitin mga yun sa totoong buhay? Kapag bibili ba ako sa palengke, kailangan ko pa ba hanapin yung value ng X?
Nung break time namin, may nakita akong 50 peso bill sa daan.
"Ilagay mo sa lost and found." bulong bigla ni Jin na medyo ikinagulat ko.
"Kunin mo." bulong naman ni Namjoon. Ito nanaman eh. Naiipit ulit ako sa sitwasyon. Kapag nilagay ko sa lost and found, sayang. Kapag kinuha ko naman nakakakonsensiya.
"Lost and found."
"Kunin."
"Lost and found."
"Kunin."
"Punitin mo." bulong naman bigla ni V. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil bigla ko na nga lang pinunit yung 50 peso bill.
"Oh shit." bulong ko.
"Wadapak?!" sabi ni Namjoon.
"Bakit mo pinunit?! Nababaliw ka na ba?!" tanong ni Jin.
"Sayang kasi kapag di ko kinuha. Kapag kinuha ko naman makokonsensya ako. Edi punitin nalang para wala ng makagamit." pagdadahilan ko. Napafaceplam nalang silang dalawa. Sayang talaga pero ang unfair naman kapag ginamit ng iba noh.
SINO BA KASING TATANGA-TANGA ANG NAKAHULOG NG 50?! SAPAKAN NALANG TAYO OH!
"Nababaliw ka na Nari." sabi ni Namjoon at biglang umalis kasabay si Jin. Magpapakasal na yata yung dalawa, hihi. Di man lang nila ako ininvite, gusto ko pa naman maging abay ng kasal nila.
Simula ngayon, si V na ang susundin ko para di maipit sa sitwasyon. Nakakabaliw yung dalawa eh.
"Oh man holy shit!" sigaw bigla ni Jungkook. Kumaripas naman ng takbo papunta sa akin si Hoseok. Tangina, first place na yata ito kapag sumali sa horse racing!
BINABASA MO ANG
My Guardian Alien [Taehyung ff]
Fanfiction"Ako si V, ang iyong guardian ALIEN. Gagabayan kita kung paano maging isang tulad ko upang madala kita sa aking planeta." -Taehyung --- Bangtangina series # 1 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. october 10, 2015 - march 30, 2016.