Alien X

5.7K 430 225
                                    

"Magdala kayo ng family picture ninyo bukas." sabi nung teacher namin. Ayoko nga. Magdala ka ng sarili mo, ulol mo. Dejk lang mam, labyu. Ano ba kasi gagwin namin doon? 2 years ago yung huli naming family picture eh. Yung kumpleto kami.

Pwede bang kami ni Yoongi lang? Ganda kaya ng picture namin. Parehas kaming nakataas yung middle finger. Pero may normal pic kami na nakangiti tapos kitang-kita gilagid niya.

--

"Kuya Yoongi, saan nakalagay mga pictures natin dati?" tanong ko sa kanya.

"Sa--" pinutol ko yung sasabihin niya kasi ayoko muna makita gilagid niya. Kakauwi ko lang kaya tapos yun agad makikita ko.

"Ilong ni Jungkook? Shet, dalawang malaking kweba yun! Mahirap maghanap doon uy!"

"Tang-"

"Ina mo. Asan nga?"

"Kung pasalitain mo kaya ako Nari noh?! Magandang ideya yun."

"Mas maganda pa rin ako kaya asan na nga?"

"Sa bodega. Umalis ka na, natutulog pa ako." Minsan talaga nagtataka ako kung pumapasok pa ba siya sa eskwelahan o natutulog lang at nagluluto ng hotdog buong araw.

Pagkarating ko sa bodega, hinanap ko kaagad yung mga pictures. Dahil sa punong-puno ng kung ano-anong gamit ito, inisa-isa ko yung mga kahon.

Eh dahil sa magilagid kapatid ko, nakita ko kaagad yung box na puno ng mga pictures. Anong connect? Maganda ako.

May mga picture na sanggol palang si Yoongi, halata talaga gilagid niya dati pa. Sadlyp. Tapos may mga pictures din ako doon, malamang. Ang ganda ko nga dati eh, mas naging maganda ngayon. /flips hair/

Di rin nagtagal at nahanap ko na yung family picture namin. Aalis na sana ako pero masyado pa akong nag-eenjoy tumingin ng mga pictures.

May kinuha akong photo album nang may nahulog na papel galing doon. Kinuha ko yun at binasa.

Riri,
Mahal na mahal kita Min Nari! I love you back and forth itaga mo pa sa gilagid ng kapatid mo! Kung kaya ko lang kunin ang buwan at bituin para patunayan lang yun, gagawin ko. Lalo na sa mga magulang mo. Pero anong gagawin mo doon? Pang-display sa kwarto mo? Pwede naman tayong bumili ng glow in the dark na stars at moon ah. Sasamahan mo nga lang ako manlimos ng pera kasi parehas tayong wala. I love you my B.
-K.T.

Wala namang ibang Min Nari dito na may kapatid na magilagid kundi ako lang. Pero sino si KT?

Diba siya yung singer, si KT Perry? Oo na ang corny ko tangina.

Inayos ko muna yung kalat ko at dumiretso kay Yoongi.

"Ano nanaman?" reklamo niya. Lagi nalang siya ganito kapag kumakatok ako sa pintuan niya. Busy siguro manood ng popcorn. Gets niyo? Muehehe. Stars with P, ends with ORN, popcorn.

"Galit ka nanaman, palibhasa matanda na. May nakita pala ako sa bodega."

"Ano? Yung nawawalang forever?"

"Ito kasi oh! Bitter nito." inabot ko sa kanya yung papel na nakita ko kanina. Nagiba kaagad yung expression niya. Dahil ba yun doon sa linyang 'itaga mo pa sa gilagid ng kapatid mo'?

"S-saan mo ito nakuha?"

"Sa bodega nga, ang bingi talaga ni lolo Yoongi. Sino nga pala si KT?"

"M-malay ko." 

"Eh bakit ka kilala?"

"S-siguro sikat lang talaga ang gilagid ko. Sweg." Yan nanaman yung punyetang sweg.

"Bakit nagsabi siya ng I love you sa akin ah? Sino siya?! Sino si KT?!"

"Yung singer! Si KT Perry!" tangina, joke ko yun.

"Pakyu! Sino nga?!" sabi ko habang niyuyugyog siya.

"Si Kim Taehyung! Siya si KT! Masaya ka na?!" Umaasa ako na sasakit nanaman ang ulo ko pero hindi.

"Sino si Kim Taehyung? Ano meron sa amin?"

"Ex mo siya." sabi niya sabay pasok sa loob ng kwarto niya. Pinagsisipa-sipa ko yun para buksan niya ulit pero wala siyang pake.

"Ano ba Min Yoongi?! Buksan mo ito! Bahala ka na nga sa buhay mo!"

Pumunta ako sa bahay ni Jimin. Ayaw niya talagang pumupunta ako doon sa bahay niya, ewan ko sa kanya kung bakit. Dapat nga masanay siya kasi pyutyur hubby ko siya eh, muehehe.

"Tao po!" sigaw ko.

"WALA NGA KAMING YELO! PAULIT-ULIT NALANG AKO NAGSA-ay Nari ikaw pala. Diba sabi ko sayo--"

"Alam ko pero may itatanong lang sana ako."

"Tungkol saan?"

"Basta." sabi ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay niya. Pagkapasok ko, may nakita akong isang shi tzu. Hinawakan ko yung aso niya at bigla nanaman sumakit ang ulo ko.

"Riri, gift ko sayo!" sabi niya.

"Ha? Ano meron? Matagal pa birthday ko. Pati na rin ng birthday mo."

"Late gift ko sayo para sa monthsary natin. Buksan mo na dali!"

Kinuha ko yung box at pagkabukas ko ay may nakita akong isang aso.

"OMG! TAEHYUNG! THANK YOU!" sabi ko sabay kuha doon sa aso na nasa loob ng box.

"Nagustuhan mo ba Nari?"

"Hindi! Kasi gustong-gustong-gustong-gustong-gusto ko! Thank you Taehyung! Ano ipapangalan natin sa kanya?"

"Taeri. Pinaghalo na pangalan natin."

"Awee. Thank you talaga Taehyung! I love you! Ang swerte ko talaga sayo!"

"Hindi, ako ang swerte sayo. I love you too Nari. Lahat, ibibigay ko maging masaya ka lang." sabi niya at hinalikan niya ako sa noo ko.

Katulad dati, hindi pa rin malinaw ang mukha nung Taehyung.

"Ya Taeri! Umalis ka muna!" sigaw bigla ni Jimin.

"Taeri.." bulong ko.

"Ano ba yung tanong mo?" tanong ni Jimin sa akin.

"Jimin, diba matagal na kayong magkaibigan ng kuya ko?"

"Oo, 5 years na. Bakit?"

"Kilala mo ba sila Namjoon at Seokjin?" Bigla niya akong tinitigan. Mamaya na ako kikiligin, seryoso ako ngayon.

"P-paano mo sila nakilala?"

"Eh si Taehyung kilala mo rin?" Napatahimik nanaman siya.

"Sumagot ka!"

"N-nari, n-nakakaalala ka na ba?"




My Guardian Alien [Taehyung ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon