Alien XXVII

4.8K 401 180
                                    

"Shh, bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka? Dapat tumatawa ka ngayon. Nababaliw ka na Nari." sabi ni Taehyung. Binatukan ko naman siya.

"Aray! Ganyan ka pala magbati ng tao?! Namamatok?! Wow Nari ah, ramdam ko!" sabi niya. Mas lalo naman akong umiyak.

"Hala, tengene. Umiiyak ka pa lalo. Pinakain ka ba ni Hoseok ng damo?"

"Taehyung naman eh! Masaya lang ako!" sabi ko habang umiiyak pa rin.

"Dalhin na kita sa mental, you want?"

"Tears of joy kasi ito! Ilang years na ang lumipas, tanga ka pa rin!"

"Ilang years na ang lumipas, gwapo pa rin ako." sabi niya sabay pogi sign. Ulol.

"Saan ka ba galing? Bakit ka umalis ng di man lang nagpapaalam sa akin? Bakit ang tagal mo? Anong nangyari sayo? Bakit parang nangitim ka? Nagiging kamukha mo tuloy si Kai. Bakit may mga sugat ka? TAEHYUNG SUMAGOT KA NAMAN!"

"Namiss kita." niyakap naman niya ako nang mahigpit. Nakakaloka, ang dami kong tanong yun lang sagot niya. Ang sakit 'mamiss kita-zoned'.

"Eng sheket nemen."

"YUNG ALIN?!"

"YUNG......PUSO KO KASI!"

"SUSO?!" ay gago

"PUSO!"

"Ah puso. Klaruhin mo kasi!" aba ako pa sinisi.

"BAKIT BA KASI AYAW MO AKO PAPUNTAHIN DITO?! MAY TINA--V?!" sigaw bigla ni Jin na lumitaw lang sa kwarto ko kasama si Namjoon.

"Namjoon hyung naman eh! Sabi ko walang eepal muna ngayon eh!" parang bata na sabi ni Taehyung.

"Eto kasing si Jin! Nilandi-este kinulit ako!"

"OY V! ANYARE SAYO?! BAKIT DI KA NA NAGPAKITA?! SAAN KA GALING?!" tanong ni Jin.

"BAT KA SUMISIGAW?!"

"DI KO ALAM!"

"AKO DIN EH, APIR TAYO DIYAN HYUNG!" lumapit si Taehyung kay Jin at nag-apir yung dalawa.

"Teka seryoso muna tayo, ano ba nangyari sayo?"

"Lahat nalang kayo nagtatanong! Umupo nga kayo diyan!" utos niya at sumunod naman kami. Dahil tinatamad magtype si otor na sobrang haba, isusulat lang niya dito na 'nagsimula naman siya magkwento tungkol sa nangyari sa kanya.' At yun nga ang nangyari.

"Taehyung, may sasabihin din ako sa iyo. Naaalala ko na ang lahat. Lahat-lahat. V, sorry kung nakipaghiwalay ako sayo dati ng hindi mo man lang alam ang dahilan." sabi ko at pinaliwanag sa kanya ang lahat.

"Nari, matagal na yun. Kalimutan na natin, pinapatawad na kita. Dati pa. Iba dapat ang ipagpahingi mo ng tawad."

"Ha? Ano yun?"

"Sino yung kasama mo kanina?! Yung medyo kahawig ni Jimin. Boyfriend mo? Pinagpalit mo na ako? Tatanggapin ko naman eh, sabihin mo lang sa akin yung totoo." tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Luh, pinagsasabi mo? Kapartner ko lang yun sa kasal ni Jimin! Kaibigan yun ni Jungkook kasi wala akong kapartner!" tawa naman ako nang tawa kasi ang cute ni Taehyung.

"Sabi ko nga! Ba't ka galit?!" pagtatanggol ni V sa sarili.

"Taehyung! Miss na miss na miss na kita!" sabi ko at niyakap ko ulit siya.

My Guardian Alien [Taehyung ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon