Alien XXII

5K 385 206
                                    

"Oy Nari, bakit may bulaklak nanaman yang locker mo?" tanong ni Trisha.

"Oo nga, araw-araw bang may patay diyan sa loob?" tanong naman ni Maya.

"Patay? Patay na patay sa akin? Ang gwapo ko grabe." sabi ni Hoseok sabay lipbite.

"Yuck."

"Oy Nari, kanino ba galing yan?" tanong ni Jungkook.

"Ano..kay Jimin! Oo galing kay Jimin my labs ko hehe." sagot ko.

"Talaga? Si Jimin din nagbibigay din sa akin ng bulaklak tapos may letter pa eh." sabi niya at pinakita sa akin yung sampaguita na sinasabit sa mga santo.

Binasa ko naman yung sulat na binigay sa kanya.

Dear Jungkookie my loves not so sweet,
             Hindi ko alam kung bakit lagi mo akong iniiwasan pero wala akong pake, ikaw pa rin ang gusto ko. Kookie, labas naman tayo minsan please, huhuhu. Nagmamahal, ang bigas at kuryente. Nagmamahal, ako sa taong hindi ako mahal. Nagmamahal, ang pandesal ni Jimin.

Aba, may iba si Jimin, huhuhu. Kaiyaq. Hindi na niya ako mahal! Teka, minahal niya ba ako? Ayoko na puta.

Sa totoo lang galing kay Taehyung lahat ng bulaklak. Di ko alam kung saan at paano siya nakakakuha at nakakabili. Basta ang alam ko lang, simula nung pumayag ako sa gusto niya, naging ganyan na siya. Limang araw na nga eh.

Pagkatapos ng klase, umuwi kaagad ako. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, may nakita akong sulat na nakapatong sa kama ko.

m49b1H1$ k4, a4L1$ +4y0. n4nD00n l4N9 4k0 $4 b4B4, b1n4b4n+4Y4n
4n9 39gp74n+ k0, j3j3j3 -+43HyÜn9

Nu raw? Buti nalang at yung cellphone ko may app na 'Jeje Translator', it's very useful u know? Yeah, sweg.

Nagpalit kaagad ako ng damit na pang-alis at bumaba na. Hindi pa nakakauwi ngayon yung magilagid kong kapatid.

"Taehyung?" tawag ko. Bigla nalang siya lumabas sabay ngiti.

"B ko!" sabi niya.

"Diba pagkain yun? Hehehe."

"So kakainin kita ganun?" nanlaki kaagad yung butas ng ilong ni Jungkook sa narinig ko. Hala, anong kinalaman ng ilong ni Kookie dito?

"Pwede ba? Hihihi."

"Landi mo."

"Oy joke lang!" kay Jimin kasi ako magpapakain. JOKE LANG ULIT OKEY?! "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Bigla nalang niyang tinakpan yung mata ko gamit ng isang blindfold. Maglalaro yata kami ng palayok, huehuehue. Asan na yung panghampas? Pero pwede naman yata kung yung baba nalang ni Hoseok, matulis naman eh.

After 3 seconds, tinanggal niya kaagad yung blindfold.

"Oy Taehyung, wag mo a--wow." nagulat nalang ako na nasa isang garden kami na punong-puno ng halaman at bulaklak. Malamang, kaya nga garden diba? Jusko.

"P-paano tayo nakapunta kaagad dito eh nasa bahay lang tayo kanina?" tanong ko.

"Shh, kumain nalang tayo." sabi niya at umupo kami. Anong shh? Dirty water kaya yun ulol.

"Uy, paano mo--OMO! SPAGHETTI!" sigaw ko at lumamon na. Natawa nalang siya at kumain. Bigla naman akong napatigil. "Teka, wala naman kung anong chuchu nakalagay sa pagkain natin diba?" tanong ko. Alam niyo naman na alien ito eh.

"Wala, kumain ka lang." sabi niya. Simula kahapon, naging tahimik siya. Hindi ako sanay. Pagkatapos ay kinulit ko ulit siya.

"Taehyung, asan ba kasi tayo? Teka, PLANETA MO BA ITO?!" ngumiti siya bigla.

"Ang galing mo ah, paano mo nahulaan?" nanlaki ulit yung butas ng ilong ni Kookie. De joke ulit, wahahahaha!

"SERYOSO KA?! WOAH! ASTIG! NAKAKAHINGA AKO DITO SA INYO! TAPOS MAY GRAVITY DIN PALA DITO! HINDI AKO LUMULUTANG! ASTIG! SWEG!" sigaw ko habang tumatakbo. napatigil nalang ako nang tumawa siya ng malakas. "Oy, bakit ka tumatawa?"

"NAGBIBIRO LANG KASI AKO! WAHAHAHA! ANG TANGA MO! HAHAHA!"

"WOW! PARANG IKAW HINDI! PAKYU TAEHYUNG! BUMALIK NALANG KAYA TAYO NOH?!" tumigil kaagad siya sa kakatawa at niyakap ako.

"Nari naman eh, joke only. Ikot tayo." sabi niya. Pagkahila niya sa akin, napunta nanaman kami sa ibang lugar.

"Astig yung ginawa mo pero asan ba kasi tayo? Natatakot ako." madilim kasi yung lugar. Mawawala si Kai kapag nandito siya. Teka, ba't ba nasama si Kai ah?!

Bumukas bigla ang isa-isa yung mga poste ng ilaw nung naglakad si Taehyung papalapit sa akin.

"Tumingin ka doon." sabi niya sabay turo doon sa dark side. Star wars? De joke. Corny, huhu.

Tumingin naman ako doon at biglang bumukas yung mga ilaw at lumiwanag yung paligid. Parang yung gilagid ng kapatid ko.

"Wow. Ang ganda." sabi ko na manghang-mangha.

"May mas maganda pang view kaysa diyan." 

"Talaga? Asan?"

"Itong nasa harapan ko at kinakausap ko."

TEKA, PAKALMAHIN NIYO AKO! MAY GIYERA PA YUNG MGA HORMONES KO! WAR OF HORMONES!

Dahil sa hindi ko alam kung ano ang irereact ko, ngumiti nalang ako. Natutunan ko yun sa bias ko eh. Sino? Secret, baka agawin niyo ulol.

"Min Nari." tawag niya.

"Yes Kim Taehyung?"

"Alam kong patay na ako pero bakit ganun? Feeling ko nabubuhay ako kapag kasama kita." Kinalibutan naman ako sa sinabi niya. Feeling ko tuloy, zombie itong kasama ko.

"Nari." tawag niya ulit sa akin. "Alam kong hindi mo naaalala lahat ng nakaraan natin kaya gutsong-gusto kong gawing memorable itong panahon nating magkasama. Kaya ngayon palang, sasabihin ko na lahat ng gustong isigaw ng puso ko. Nari, mahal na mahal kita. Mas mahal pa sa bill ninyo sa kuryente at tubig. Mas mahal pa sa nagtataasang presyo ng bigas at kuryente. Para kang pangalan ko. Kapag wala ka, sino ako? Nari, mangako ka sa akin. Ako lang at wala ng iba. Kahit ano man mangyari."

"Pangako. Ikaw lang at wala ng iba." niyakap naman niya ako nang mahigpit. Bakit ganun? Kaysa sa matuwa ako, nalulungkot ako. Parang may mali. Feeling ko iiwanan niya ulit ako.

"Nari, I love you."

"I love you too Taehyung." hinalikan niya naman ako sa noo ko.

"Uwi na tayo, baka hinahanap ka na ng kapatid mo." tumango lang ako. Bigla namang nasa loob kaagad ako ng kwarto ko.

"Ang astig talaga Taehyung! Ang saya pala magkaroong ng boyfriend na alien!" sabi ko. Tumawa lang siya. Bigla nalang bumukas yung pintuan ko kahit walang tao.

"Sige na, puntahan mo na si Yoongi hyung. Hinahanap ka na nun." tumago lang ako. Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang pinigilan niya ako at hinila papunta sa kanya sabay halik sa akin.

"I love you." sabi niya at umalis na siya. Hindi ko naman alam na yun na pala ang huli naming pagkikita.





My Guardian Alien [Taehyung ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon