Alien XVIII

5.3K 411 178
                                    

[Nari's POV]

Pagkatapos magkwento ni Jungkook ay umuwi na ako at tinext kaagad si Yoongi. Hindi pa rin siya nagrereply.

"Ate, may pagkain po ba kayo? Gutom na gutom na po talaga ako eh." sabi bigla ng isang bata.

"Ah, oo. Meron pa yata ako. Saglit." hinalungkat ko yung bag ko at nakita ko yung pinabaon sa akin ni tita na footlong. "Ayan oh." sabi ko sabay abot sa bata. Binigay ko na rin yung bottled water ko.

"Ang bait niyo po ate. Salamat po talaga." sabi niya at umalis na. Napangiti naman ako. Ang sarap naman masabihan ng ganun. Sa school kasi iniisip nila na masama ako eh. Minsan lang kaya ako masama!

"Ang bait mo naman Nari." sabi bigla ng isang lalaki o bakla yata. Si Jin kasi, bigla lumitaw sa harap ko.

"Jin!" sigaw ko at niyakap ko siya.

"Kadiri ka Nari. Wag mo nga akong yakapin!" sabi niya at tinulak ako nang mahina.

"Namiss lang kita eh! Grabe ka!"

"Oo na! Pero gusto ko yung ginawa mo kanina sa bata. Thumbs up ako."

"Thumbs up ka pala? Akala ko anghel ka." binatukan naman niya ako. "Aray!"

"Umayos ka nga Nari. Dahil sa mabait ako at nagustuhan ko yung ginawa mo kanina, sasamahan kita maglakad."

"Parang nakikita ka nila."

"Nakikita nga."

"Weh?"

"Oo nga!"

"Edi oo kung oo! Bakit mo ba ako sasamahan?"

"Gabi na kaya oh!"

"6 palang..."

"Basta! Parehas lang yun! Baka mapa-ano ka eh..."

"Yiee, concerned siya sa akin!"

"Hindi ka pa pasado sa langit kapag namatay ka nang maaga kaya nandito ako. Malay mo, may pumatay bigla sayo dito."

"Ulol. Bahala ka na nga."

[Yoongi's POV]

Habang nakasakay sa taxi, hindi kay Hoseok, bigla nalang akong may nakita na dalawang tao na naglalakad. Parang pamilyar kasi yung hugis ng katawan nila.

Paglampas ng taxi sa kanila ay tiningnan ko kaagad yung itsura nila.

OH FUCK THAT.

SI NARI YUN AH!

At si....Seokjin.

Bakit niya kasama si Jin? Alam ko patay na siya. Nakita ko yung bangkay niya...at ni Namjoon.

Pinunasan ko yung mata ko, hindi yung gilagid, at kasama niya pa rin si Jin. Hindi ako pwede magkamali, si Jin iyon. At kausap siya ni Nari.

[Nari's POV]

"Thank you Jin! Pakisabi kay Namjoon na miss ko na siya, hahaha!" sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay. Pagkadating ko, nakita ko si Yoongi na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa may pintuan. Mukhang inaantay yata ako.

"Bat di ka nagreply ah?!" bungad ko.

"Wag ka ngang sumigaw, nakakasilaw gilagid mo!" binato ko siya kaagad ng sapatos ko.

"AKO?! MAGILAGID?! BAKA IKAW!"

"GWAPO NAMAN!"

"GILAGID!"

My Guardian Alien [Taehyung ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon