Alien VIII

6.1K 438 202
                                    

"YOONGIII! KUYAA! GISING!!" sigaw ko sa labas ng kwarto niya. Binuksan niya yung pintuan tapos mukha siyang gago. Ang gulo ng buhok. Mukha siyang ibon na nangitlog. 

Kapag yun ginawa niyo nanamang berde, pepektusan ko kayo! De joke lang, mahal ko kaya kayo. Yiee. Kiligin kayo.

"Ano? 4am palang, nambwibwiset ka nanaman."

BWIset daw. Bwi. Si V, hehe.

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Araw para matulog?"

"Mali."

"Araw para sipain ka pabalik sa kwarto mo?"

"Ano ka, kabayo? Hindi ka si Hoseok uy. Mali pa rin."

"Ano nga?"

"Death anniversary nila mama at papa ngayon uy!"

"O tapos? An-OO NGA PALA! Magbihis ka na, dali!"

Every death anniversary, anniversary o birthday nila, lagi kaming maaga pumupunta sa sementeryo. Medyo nakakatakot kasi maaga pero sorry sa mga multo, we don't give a shit.

--

"Mama, papa, miss ko na kayo." Sabi ko habang nakatingin sa puntod nila.

"Alam mo ba ma, pa, itong si Nari ang hilig landiin si Jimin."

"Nagmana yata ako kay kuya Yoongi. Malandi din siya kay Jimin."

"Tapos nababaliw na itong kapatid ko. Maririnig ko nalang na parang may kinakausap."

"Ito naman si Yoongi ang hilig magluto ng hotdog. Yun nanaman niluto kanina."

"Kinakain mo naman." Nagtinginan lang kami ni Yoongi at bigla nalang kami tumawa. Ewan ko nga kung bakit eh.

"Sana nandito kayo kasama namin tumatawa. Sorry mama, papa ah. Dahil sa akin nandiyan tuloy kayo."

"Nari, huwag mong sisisihin sarili mo."

"Totoo naman eh. Kasalanan ko."

"Hindi."

"Oo!"

Nagmamaneho kasi si papa nun tapos bigla ko nalang siyang ginulo. Hindi ko nga lang maalala kung ano yung dahilan kung bakit ko ginawa yun bigla. Katabi naman niya si mama na pinahihiwalay ako. Dahil sa akin, hindi napansin ni papa yung paparating na truck at nagbangaan yung sasakyan namin.

Namatay sila parehas pero ako lang ang nabuhay. Nagkaroon nga lang ako ng amnesia. 2 years ago rin naman yun kaya ngayon medyo natatanggap ko na wala na sila. Napaiyak nalang ako bigla.

"Bat ka umiiyak? Panget ka na nga mas pinapanget mo pa sarili mo." Pinunasan ko naman kaagad yung luha ko.

"Bakit si kuya Yoongi magilagid tapos ako hindi?" pag-iiba ko ng topic.

"Paano nanaman napunta sa gilagid ko ah?"

"Lumiliwanag na kasi eh, kitang-kita na yang gilagid mo."

"Putangina mo Nari."

"Kumain na nga tayo. Ano yung pagkain?"

"Hotdog."

"Nanaman?!"

"May kasama na siyang itlog, hehe." Ang sarap sipain ng gilagid niya. Tangina, sawang-sawa na ako sa hotdog. Gusto ko na yung tinapay ni Jimin. Wala akong sinasabi, hehe. Kumain kami nang kumain hanggang sa nabusog ako.

"Yoongilagid, samahan mo ako sa cr."

"ANO?! AYOKO NGA! A--"

"HINDI KASI SA LOOB! DOON KA LANG SA LABAS! KADIRI KA!"

"AKO PA KADIRI! HUWAW! HIPHOP IS DEAD!" Binatukan ko siya nang sobrang lakas na kulang nalang ay matanggal na yung gilagid niya.

"Tumahimik ka nga! Kapag nagising yung mga patay dito, iiwanan kita! Pero magpasalamat ka at kailangan kita na samahan mo ako kaya halikana." Hinila ko siya at sinabi ko sa kanya na antayin ako sa labas. Kakatakot kaya magcr nang mag-isa sa sementeryo. Pagkalabas ko sa cr hindi ko nakita yung gilagid.

"Oy Yoongi! Asan ka?! Hindi ko maramdaman presensya ng gilagid mo!" sigaw ko pero walang sumagot. "Oy! Hindi magandang biro ito! Buti pa ako, maganda!" sigaw ko ulit pero wala nanamang sumagot.

Lumakad ako para hanapin siya. Alangan doon lang ako at antayin ko siya. Ulol, nakakapagod mag-antay. Parang sa pag-ibig lang, mapapagod at mapapagod ka rin. #HugotNiNari101

Drama ko. Hindi ko nga alam kung nagkaroon ako ng karelasyon dati. Basta, sexy free and single ako ngayon. Nakita ko nalang siya na nagsisindi ng kandila sa dalawang puntod.

"YOONGI! DIBA SABI KO WAG MO AKONG IWAN?!" Hindi niya ako pinansin. Edi siya na peymus.

"OY ANO BA?!"

"Pasensya na. Halikana." sabi niya at umalis. Tumingin ako doon sa dalawang puntod na sinindahan niya ng kandila at napahinto nalang ako sa nakita ko.

Kim Namjoon at Kim Seokjin

Namjoon at Seokjin? Diba sila yung dalawa kong guardian? Yung love-hate reltionship ang peg. Bakit nagsindi ng kandila si Yoongi sa kanila? Kilala niya ba mga yun?

"Nari anoba? Halikana!"

"Kuya, sino sila? Kaano-ano mo sila Namjoon at Seokjin?" tanong ko. Pagkasabi ko ng pangalan nila, bigla nanamang sumakit ang ulo ko.

"Ang pandak mo Jimin!" sigaw ni Namjoon.

"Gwapo naman!"

"You got no jams." Binatukan ni Jin si Namjoon.

"Ang sama mo talaga kay Jimin!" sabi ni Jin. "Kumain na nga lang kayo. Ito na yung niluto ko. Hotdog."

"Yes! Hotdog! Paborito ko!" masayang sabi ni Yoongi.

"Ano ba Yoongi?! Nakakasilaw yang gilagid mo!" reklamo ni Namjoon.

"ANG INGAY NIYO! NANONOOD AKO NG TV!" sigaw ko mula sa sala.

"Nari, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Yoongi.

"Oo. Sumakit lang yung ulo ko."

"Ano naalala mo?"

"W-wala. Sumakit lang talaga bigla." pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka?"

"Oo nga! Magpaalam na tayo kila mama at papa tapos umuwi na tayo."

--

"Nari, alam mo ba may napanood ako sa balita kanina." sabi ni Hoseok. Kausap ko siya ngayon sa telepono.

"Oh talaga? Ano yun?"

"Sementeryo nasunog, lahat patay."

Sementeryo tapos nasunog. Namatay lahat. Tangina niya.

"Susunugin kita bukas putangina mo Hoseok." sabi ko at binaba ko na yung telepono.

Pero hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Bakit namatay sila Namjoon at Jin? Kailangan ko muna sila makausap.

My Guardian Alien [Taehyung ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon