"Langhiya, anong buhay pa si Taehyung? Patay na siya diba?" tanong ko. Totoo naman eh, ano ba itong pinagsasabi ni Jin?
"Nari, lahat kami hindi na dumudugo!" sigaw ni Namjoon. Kinabahan naman ako bigla, baka kasi masira yung bahay ko dahil sa boses niya. Delikado. Masyado pa akong maganda para mamatay.
"Malamang hindi kayo dinudugo, babae ba kayo?" tanong ko pabalik. Bakit? Totoo naman eh! Hindi naman sila nireregla!
"Nari anoba?!" sigaw ni Jin. Luh, galit na siya. Sorna.
"Teka nga lang! Mamaya na muna tayo mag-usap. V, halika dito. Gamutin ko muna yang sugat sayo na ginawa ni BamBam." lalapit na sana siya sa akin pero humarang si BamBam. "Tabi!"
"Bawal." pagkasabi niya nun biglang may isang lalaki ang biglang sumulpot. Yung totoo, mga kabute ba sila?
"V." sabi nung lalaki na medyo kamukha ni Taehyung pero bakita parang bakla? Bakit parang bagay sila ni Chanyeol? Teka, sino si Chanyeol? Grabe tong si otor, kung sino-sino pinaglalagay sa kwentong to.
"Baekhyun." banggit ni V.
"Teka, sino ka? Bakit ka nasa pamamahay ko?" epal ko.
"Manahimik ka muna Nari. Shut down."
"Ano ako? Computer? Ang ganda ko namang com--bsjahsbsjsi!" bigla nalang tinakpan ni Baekhyun yung bibig ko gamit ang kamay niya.
"Manahimik sabi eh!" mataray na sabi niya. Ay bakla.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Taehyung.
"Ibabalik kita sa impyerno." sagot ni Baekhyun sabay ngiti.
Ay ang cute. Luh, ang landi ko. Sorry na.
"Tao ba ako?" diretsahang tanong ni Taehyung. Umarte naman na tila nasaktan si Baekhyun dahil sa tanong niya.
"Bakit nangiiwan ka rin ba? Si TAO ka ba?!" luh, puta. Sinong Tao? Anong nangyayari?
"HINDI AKO SITAW!" sagot ni V.
"AYUN NAMAN PALA EH! BAT NAGTATANONG KA PA?!"
"ELYEN BA AKO O TAO?!" langhiya, ang kukulit ng dalawang ito. Pinakyu lang siya ni Baekhyun kaya sinuntok kaagad siya ni Taehyung sabay hawak sa kwelyo niya. "ANO BA AKO?!"
"Tao ka. Hindi ka alien. Hindi ka pa patay! Masaya ka na ba?!"
Lumayo kaagad si Taehyung kay Baekhyun at lumapit siya sa akin sabay yakap. "Buhay pa ako, B." sabi niya na halos maiyak na. Hinalikan naman niya ako sa noo ko nang matagal.
"Teka, paanong buhay pa si Taehyung? Diba namatay siya nung naaksidente siya?" naguguluhan kong tanong. Nagbuntong hininga naman si Baekhyun. Sorry na.
"Hindi namatay si Taehyung nung nangyari yung aksidente na yun. Muntikan lang pero nakita namin siya at kinuha siya mula sa planeta niyo. Ginamot namin siya at pagkatapos ay binura ang alaala niya." pagpapaliwanag ni Baekhyun. "Pero ngayon na alam na niya ang lahat, kailangan na namin siyang kunin ulit para wala ng ibang makaalam tungkol sa amin." lalapit na sana si Baekhyun sa amin nang may bago nanamang dumating.
"Huliin niyo siya at siguraduhin niyong hindi siya makakatakas." utos ng isang lalaki na may dalawang sungay sa mga kasama niya.
"Boss?!" pagtataka ni Namjoon.
"Huliin niyo rin yang traydor na yan." utos niya at biglang lumapit yung mga tauhan niya kay Namjoon. Sinubukan namang niyang kumawala pero di niya nagawa.
BINABASA MO ANG
My Guardian Alien [Taehyung ff]
Fanfiction"Ako si V, ang iyong guardian ALIEN. Gagabayan kita kung paano maging isang tulad ko upang madala kita sa aking planeta." -Taehyung --- Bangtangina series # 1 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. october 10, 2015 - march 30, 2016.