Chapter 2: Vampire

1.9K 98 3
                                    

Charmaine's POV

"We are vampires."

Nagplay na naman sa utak ko ang katotohanang iyan.

Gusto kong magalit sa mga magulang ko dahil antagal nilang itinago yan sakin. Pero ano pa nga ba ang pwedeng mabago kung magalit ako diba? Siguro naman ay may rason sila.

Ngunit di parin ako makapaniwala.Andaming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Katulad na lang ng paano kaya namumuhay ang mga bampira? Meron ba silang cellphone? Nakakain na ba sila ng fried chicken? Kilala ba nila si Justin Bieber? Nakakatakot ba itsura nila?

Haissst.

Pero sa palagay ko naman ay hindi sila nakakatakot. Nabanggit narin naman sakin nina ma at pa na mabait ang lahi namin.

"Anak nandito na tayo" sabi ni pa habang tinatanggal ang pagkakakabit ng seatbelt nya.

Luminga-linga ako.Napakadilim dito.

"Pa nasan po tayo?" curious kong tanong.

Nakakatakot naman dito!

"Nasa Dark Wood Forest tayo." aniya.

Dark Wood Forest?

Kaya ba masyadong madilim dito dahil "Dark" Wood Forest?

Bumaba kami ng sasakyan.Sobrang tahimik at tanging paghinga namin at ingay lamang ng kuliglig ang aking naririnig.Napakapit pa ko sa braso ni pa dahil kinikilabutan talaga ako dito.

Binuksan ni pa ang flashlight ng kanyang cellphone atsaka iyon itinapat sa isang puno.May hinawakan si ma na isang sanga ng puno tapos hinila nya yon pababa.

"Whoah." manghang sabi ko.

Biglang may lumabas na hagdan pababa ng lupa.

Don't tell me dyan kami dadaan?

And as expected, bumaba nga kami dun.

Jusko!Scary!

May pindutan don sa loob dahilan ng pagsara ng lagusan patungo sa taas.Ang hi-tech naman,ibig sabihin ba non matatalino ang mga bampira?

Lumakad kami ng lumakad hanggang maabot na namin ang liwanag.Wow!Ang ganda dito pero medyo madilim.

"Teka,iyan na ba ang hari at reyna?" kinig kong sabi ng isang lalaking naka all black.

"Sila na nga iyan!Iyan na ba ang prinsesa?" nanlalaki ang matang sabi nung isang babae.

"Wow!Ang ganda nya,parang noon lamang ay ang liit-liit pa nya." sabi naman nung isang matandang lalaki.

Pinagkaguluhan nila kami.

"King Steve and Queen Daine,welcome back your highness." umalingawngaw ang isang boses na nasisigurado kong nagmula dun sa lalaking nakatayo di kalayuan samin.

Mula sa pagkakagulo nila ay humilera sila sa tabihan,sa tig-isang side namin.

Hindi ko maiwasan ang mamangha ng may magrolyo ng red carpet sa aming dadaanan.

"Anak,let's go" aya sakin ni pa,ako nama'y tumango lamang at sumunod sa kanila.

Pinagmasdan ko ang nakapaligid samin.Mga bampira ba talaga sila?Bakit parang ang aamo naman ata sobra ng mga mukha nila?Ibang iba sa naiimagine ko kanina sa byahe.And lahat sila naka all black.

Tumigil kami sa harapan ng isang napakalaking gate.Woah,sobrang taas naman nito.

"Your highness,this is for you." napaigtad ako ng tumabi sakin yung lalaking nagsalita kanina.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon