Charmaine's POV
Kakatapos lamang naming kumain ng almusal at kasalukuyang nasa may garden ako ngayon.Wala pa kasi sina Richard at Niks eh.
Ang tagal nila!Nakalimutan ba nilang may pasok?
Napatingin ako sa unahan nang makarinig ako ng papalapit na mga yabag.
Oh,speaking of.
"Kanina pa ba kayo tapos?" pinanliitan ko lang sya ng mata. "Sorry na.Si Nikko kasi eh,ang tagal nyang kumilos."
Hinahabol ang hiningang umupo sya sa tabi ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansing hinihingal sya at pawis na pawis.
Saan ba nanggaling ang lalaking to?
"Bakit ka pawisan?" inilabas ko yung panyo ko atsaka sinimulang ipunas yon sa kaniya.
Hayssst.Kawawa naman ang baby ko,pawis na pawis.
"Tumakbo kasi kami ni Nikko.Alam kasi naming naghihintay kayo ni Jess and syempre,ayaw naming pinaghihintay kayong mga babae." and then he winked at me.
Sus!
"Ano ba kayo?Handa naman kaming maghintay para sa inyo." tapos ginantihan ko sya ng kindat.Hahaha.
Mahuhulog ka sa kindat ko,Richard.
"Pero hindi dapat kayo pinaghihintay." banat pa nya.
"Pero para sa mahal namin,maghihintay kami."
"Mahal din namin kayo kaya dapat hindi namin kayo pinaghihintay."
"Kaya nga namin maghintay,Richard."
"Hindi nga dapat namin kayo pinaghihintay,Charmaine."
"Kaya nga namin."
"Hindi nga dapat namin kayo—"
Naputol ni Richard yung sasabihin nya nang may maramdaman kaming presensya ng tao sa harapan.
And yes,we're right.
Nakacross arms si Nikko habang si Jess naman ay nakataas ang isang kilay.
"Oh ano?Tapos na ba kayo?Sabihin nyo lang kung di pa,pwede nyong ituloy at papanoodin namin kayo sa ginagawa nyong pagtatalo." ani sis.
"Alam mo Jessie,dapat masanay ka na sa mga yan na naggaganyanan.Alam mo bang dalawang beses ko na silang naabutang naggaganan?"
Pareho kaming napanguso ni Richard.
Ang sama nila.Tss.
"Natatawa na nga lang ako sa kanila." tumawa si Niks. "Para silang mga sira hahah—Aray ko!What's your problem bro?!"
Lumapit si Niks kay Richard.
Eh pano ba naman?Binatukan kasi ni Richard si Niks.
Yan ang napapala nya.Hmp!
"Anong parang sira?Eh ikaw nga eh.Aminin mo na lang na kaya tayo nahuli ay dahil sayo!Nagpagwapo ka pa kasi at namili ka pa ng susuotin mo.Ikaw ang sira kasi bakit kailangan mo pang mamili eh pareparehas lang naman yung uniform natin." at naghabulan silang dalawa.Natawa naman kami ni sis sa kanila.Mabuti naman at masigla na ulit si Jess.
Sana ganito na lang kami palagi.Yung lagi kaming masaya,yung walang problema at malayo sa reyalidad.Sa reyalidad na alam naming maraming maaaring mangyaring masama sa amin.Na may mga bad vampires na nasa paligid lamang namin at handa kaming tanggalan ng buhay anumang oras.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampirosAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...