Chapter 59: Coronation

587 44 15
                                    

Charmaine's POV

I was going to sleep when I heard my window open. I looked at it's direction and smiled when I saw him.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa tabihan ko sa kama.

Parang nagiging habit niya na ang pagpasok sa kwarto ko gamit ang bintana ah.

"I'm just missing you." He answered. Napaigtad ako nang yakapin niya ako bigla. "And I still can't believe that it's finally over. All suffering and pain are all worth it."

I hugged him back. "Hindi rin ako makapaniwala. Ang saya, ang gaan sa pakiramdam na wala na tayong inaalala. Tapos na, Richard. Tapos na ang lahat."

Muling nagplay sa utak ko ang mga nangyari kagabi pagkatapos sabihin ni Richard na hindi si Doc. Transylvania ang totoo niyang ama. Naubos ang lahat ng kasama niya at siya na lang ang natitira. Determinado at buo na ang desisyon ko na patayin siya dahil sobra na ang kasamaan niya so I used the power of the necklace. Lumaban siya pero mas nanaig ang layunin kong burahin siya sa mundong ito. Mas nanaig ang kapangyarihan ng kwintas at ang nararamdaman kong maligtas ang lahat lalong-lalo na ang pamilya ko, mga kaibigan ko, at si Richard ng mga oras na yon kaya natalo ko siya.

I defeated him.

Buti na lang at nakontrol ko ang kwintas at hindi ako nawala sa sarili. I just know that I have to end everything that night. Nakakapagod narin na mabuhay ng may inaalala at kailangan mong mag-ingat dahil alam mong anumang oras, pwedeng may sumugod sa'yo at bigla ka na lang saksakin.

Kumalas kami sa pagkakayakap at nagngitian.

"Can I sleep here?" aniya na nagtaas baba pa ang kilay dahilan ng pagkatawa ko. Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.

"Baka makita ka nina ma. I'm sure they will panick."

"Bakit? Wala naman tayong gagawing masama ah." he pouted.

"Okay, basta wag kang papahuli ha." Ngumiti naman siya sa'kin nang pagkalaki-laki.

Agad niya kong hiniga at hinalikan sa noo ko bago siya tumabi sa'kin. Hinuli niya pa ang isang kamay ko para pagsiklupin ang kamay namin.

"I love you." Sabi niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"I love you too."

Habang nakatingin sa kaniya, nagplay bigla sa utak ko ang lahat ng mga nangyari sa'min. Lahat ng paghihirap at sacrifices na sobrang worth it naman. At sana magtuloy-tuloy na.

Sana.





Nagising ako na wala ng Richard sa tabi ko. Siguradong umalis siya kaninang madaling araw para hindi mahuli nina ma.

Pupunta kaya uli siya dito mamaya?

I giggled at my own thought.

Hay naku, Charmaine. Masyado ata akong in love sa lalaking yon. Well, siguro namiss ko lang talaga siya. Ilang Linggo rin kaming hindi nagkasama noh. And now that everything's okay, I want to spend time with him.

Excited na'kong makita siya uli!

Masaya at nagtatalon-talon akong bumaba. Binati ko kaagad sina ma, pa at kuya Josh nang maabutan ko sila na nakaupo na sa usual seat nila.

"Mukhang masaya ka ah?" Seryosong sabi sa'kin ni kuya Josh na kumunot pa ang noo habang nakatingin sa'kin.

"Bakit? Hindi ka ba masaya dahil natalo na natin ang mga bad vampires?" I rolled my eyes at him.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon