Chapter 29:The Next Morning

730 42 0
                                    

Charmaine's POV

Aray ko,grabe.Super sakit ng ulo ko huhuhu.

Nakahawak ako sa ulo ko habang nababa sa hagdanan.Yan kasi eh,may painom-inom pa kami.Ito tuloy ang napapala namin.

Napapikit ako nung bigla ko ulit naramdamang kumirot yung ulo ko.My goodness.Gusto ko ng ipatanggal tong ulo ko.

"Ay kabayo!" nagulat ako nang pagmulat ko ay tumambad sakin si Richard na.......nakangiti?

Ano naman kaya ang nakakatawa?Baka naman nalaman nyang naglasing ako ng dahil sa kaniya kaya ngayon ay kung makangiti sya ay wagas!Siguro iniisip nya na patay na patay ako sa kanya at ayoko syang iwan katulad nung pinagsasabi ko kahapon.

"Goodmorning." Grabe!Nakangiti pa din aya ng todo.Naiisip ko tuloy kung baliw ba sya o kaya naman nakadrugs.Pero in fairness,ang gwapo nya sa smile nyang yon.Waaaah.Miss ko na tuloy sya.

"Excuse me." nilagpasan ko lang sya.Hmp!Ano sya swerte?Bakit ba sya ganon?Anong akala nya?Walang nangyari?O baka naman nagmomove on na sya?Or baka nakahanap na sya ng iba tapos kaya sya nakangiti kasi masaya na sya dun sa babaeng yun!Baka nga si Julie pa yun eh!

Bigla tuloy akong nasaktan sa naisip ko.Sana naman hindi totoo yung mga naisip ko.

Papasok na sana ako sa kitchen nang may humigit sa wrist ko tapos sinandal ako sa pader.Oh my ghad!

Tumambad sakin yung mukha ni Richard.Waaaah,sobrang lapit nya.

"A-ano ba?Bitawan mo nga a-ako." halos hindi ako makatingin sa kaniya.Sobrang bilis na din nung puso ko.Naku!I'm sure na nararamdaman nya yon.

"I will never let you go." a-ano daw?

Dug.Dug.Dug.

"Ano bang sinasabi mo dyan?Tu-tumigil ka nga." nagpumiglas ako sa kaniya kaso masyado syang malakas. "Sisigaw ako ng rape kapag di ka tumigil." sinamaan ko pa sya ng tingin.Pero imbis na matakot ay tumawa pa sya.

"You'll shut up or I'll cover your mouth," I gulped when his gaze went to my lips. "with my mouth." tapos ngumisi pa sya.

Waaaah!Jusko!Bakit ganito sya?Nasasapian ba sya?

Pero......kinikilig ako mga bes!

I shut my mouth kahit na kabaliktaran naman talaga ang gusto kong gawin.Gusto kong mag-ingay para halikan nya ko hihihi.Ay teka!May kasalanan pa sya sayo Charmaine!Umayos ka!

"Sorry sa lahat.Sorry kung iniisip kong wala kang tiwala sakin at pinagdududahan mo ko. Sorry kung sumagi sa isip ko na ayaw mo na sakin at niloloko mo lang ako.Sorry kung sinaktan kita." parang natunaw naman bigla yung puso ko sa sinabi nya. "Maiintindihan naman kita kung hindi mo pa ko mapapatawad ngayon.I'll wait and please don't drink again.Ang daming lalaking pwedeng lumapit sayo kapag lasing ka." seryoso pa syang tumitig sakin bago lumayo.

Natulala naman ako at hindi nakagalaw.Parang nabura lahat nung sakit na nararamdaman ko.Pagdating talaga sa mahal natin,lumalambot agad tayo.

Napatingin ako kay Richard kasi nakinig ko yung footsteps nya.So ganon?Pagkatapos nung speech nya,iiwan nya na ko?

"Waaaaah Richard!" sinunggaban ko sya at niyakap mula sa likuran.Sininghot singhot ko pa sya kasi sobrang bango nya talaga.Hhmmmmm. "I miss you." naiyak ako bigla nung maalala yung nangyari samin nung mga nakaraang araw. "Sorry din.Pinapatawad na kita at sana patawadin mo na din ako."

Humarap sya sakin then pinunasan nya yung luha ko.

"Nakikipag-ayos na nga ako sayo kasi ayokong nakikita kang naiyak tapos ngayon naman naiyak ka."

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon