Charmaine's POV
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.Iginala ko din ang aking paningin.
Bakit nasa kwarto ko ako?
"Sis!Buti naman at gising ka na!Twenty four hours kang tulog akala ko......" Hindi nya naituloy ang sasabihin at napabuntong hininga na lamang.Napatingin ako kay Jess na mukhang nabunutan ng tinik ang ekspresyon. "Richard!Gumising ka na."
Napatingin ako sa mga kamay ko na hawak ni Richard.Nakita ko din na nakaubob sya sa kama ko na halatang natutulog.
"Charmaine." halata ang gulat at saya sa mukha nya. "Finally!Akala ko matagal ka pang magigising eh.Ano?May masakit ba sayo?Ayos ka na ba?Kamusta ang pakiramdam mo?"
Napahawak ako sa ulo ko.
Anong bang nangyari?
Flashback
Muli ko syang tinignan ng maigi.
Grabe!
Tama nga si Niks.Hindi talaga ako makakapaniwala kapag nalaman ko kung sino ang mga bad vampires.
"Hindi ko alam kung saan mo yan natagpuan.Matagal ko na yang hinahanap,na sayo lang pala." bumaba ang tingin nya sa hawak ko.
Ito yung picture ko na hinahanap ni Niks na natagpuan ko naman sa may living room kung saan ko sila nakita ni Richard na nag-uusap.
Naisipan kong gamitin ito para malaman kung sino ang masamang bampirang may ari nito.
Dahil kagabi,bago matulog ay nagkausap kami ni Jess.
"Mabuti na lang at hindi pala talaga sya bad vampire kundi talagang magluluksa ako." natawa ako sa kaniya.
"Ikaw sis ha!Lumalovelife kana.Ayaw mo pa umamin nung una eh."
"Alam mo na naman kasi yung nangyari dati diba?Ayokong umamin,nahihirapan akong aminin nung una sa sarili ko na may gusto na ko sa loko-lokong Nikko na yon dahil ayoko ng maulit pa ang pangyayaring iyon."
Natandaan ko na naman tuloy uli yung nangyari sa kaniya two years ago.Nagkaroon kasi ng boyfriend yang si sis pero niloko lang sya at sinabing may iba na itong gusto.Ayun din yung dahilan kaya ayaw nya ng nagsisinungaling.
Yung lalaki kasing yun eh!What a jerk.
"Hindi na yon mauulit,iba si Niks.Basta magtiwala ka lang sa kaniya."
Napadako ang tingin ko sa aking drawer.
Oo nga pala.Muntik ko na makalimutan.
Umisod ako ng kaunti para maabot ang drawer ko.
"Ano yan sis?" kunot noong tanong nya sakin.
Iniharap ko sa kaniya ang hawak ko.
"Picture mo?Anong meron?" itinalikod ko naman yung picture. "Ahm details tungkol sayo?Saan yan galing?"
"Nakita ko to sa may living room.Pag-aari to ni Niks."
Nagtaka ako ng manlaki ang mga mata nya.Para bang may bigla syang naalala.
"Oh my ghad!Kay Nikko yan?" tumango naman ako. "Ayan pala yung sinabi nya sakin kanina.Ayan yung hinahanap nya na pagmamay-ari daw ng isa nyang kasamahan."
This time,ako naman ang nanlaki ang mata.
Ibig sabihin,alam na ng mga bad vampires ang mga tungkol sakin?Matagal na pala nila kong nimamanmanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/53738598-288-k97052.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampiroAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...