Charmaine's POV
Maaga akong nagising.Ewan ko,hindi din naman kasi ako makatulog ng ayos kaya nagpractice na lang akong magluto.
Tanda ko tuloy dati,tuwing linggo ay tinuturuan ako ni ma magluto kahit ayoko.Pero ngayong wala na syang masyadong time para turuan ako,parang gusto ko namang magpaturo.
Minsan talaga ang gulo natin no?
Ngayon lang natin naaapreciate ang mga bagay bagay kung kailan wala na.
Aisssh.Aga-aga nahugot ka na agad Charmaine!
"Hhhmmmm it smells good."
"Ay kabayo!" napaharap ako sa nagsalita.Naitutok ko pa ang sandok sa kaniya.
"Woaaah,woaaah.Easy Charms." tinaas nya pa ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko na sya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?Pati bat ka ba nanggugulat?!" naiinis kong sabi.
Nakakainis kaya!Halos atakihin na ko sa puso ng dahil sa kanya.Tss.
"Hahaha I didn't mean to startle you. Ang bango kasi ng niluluto mo kaya naman napadpad ako dito." paliwanag nya pa.
Mabango ba talaga tong niluluto ko?
Oh my goodness!So nagiimprove na ko?
"Do you want to taste it?" tapos ngumiti pa ko sa kanya.
Nakakaexcite tuloy.Ano kayang icocomment nya sa niluto ko?
"Oh yeah!Tamang-tama gutom na ko." dali-dali syang umupo. "Ano ba yang niluto mo?"
"Hhmmm Morcon."
Nagsimula na kong maghain.Yung kasya lang para saming dalawa.
Kakain nadin kasi ako.Alangan namang titigan ko na lang si Niks habang nakain.
"Oh?What?" takang tanong ko nang mapansin kong nakanguso sya habang nakatingin sakin.
"Hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi mo kahapon."
Teka.Ano naman yun?
"Hindi mo na tanda?Sinabi mong hindi ako marunong magseryoso at tinawag mo pa kong playboy." parang bata nyang sabi.
Ahhhh so ayun pala.Siguro nga naging harsh ako sa kanya.Hindi ko alam na maooffend sya.
"Sorry Niks." nagpout pa ko para maawa sya sakin.
"Lambingin mo muna ako."
Ano daw?!
"Baka gusto mong sapak?" itinaas ko ang kamao ko.
"Hahaha joke lang.Teka nga,bakit mo ba sinabi yun huh?Mukha ba kong playboy sayo?Tss,tss." nagsimula na syang kumain.
Sasabihin ko kaya sa kanya?Na kaya ako bitter ay dahil sa kaibigan nya?
"A-ano kasi.....si Richard kasi." napatigil naman sya sa akmang pagkuha nya ng kanin.
"Anong ginawa nya sayo?"
"Nakita ko kasi sila ni Julie,magkakiss sila." naalala ko na naman tuloy.Haysssst.
"They are kissing?Nakausap mo na ba si Richard?" napailing naman ako. "Kausapin mo sya."
"Ayoko syang kausapin."
"Masasaktan ka lang kung hindi mo sya kakausapin.Malay mo,may dahilan kung bakit sila magkahalikan."
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampiriAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...