Chapter 20: Niks and Jessie

739 54 5
                                    

Charmaine's POV

"Oh Jess,iha kain ka pa.Kailangan mong kumain ng marami." nakangiting sabi ni ma atsaka nilagyan ng ulam yung plato ni Jess.

Ganan ang trato nila ngayon kay Jess,binebaby nila.Hindi naman ako nagseselos kasi alam kong kailangan yan ngayon ni Jess,kailangan nya ng pag-aaruga at pag-aalaga ng mga magulang.Kaya ito kami ngayon,parang magkapatid na kulang na lang ay subuan ng mga magulang.

"Oh ito pa,uminom ka pa ng juice." ani naman ni pa sabay salin sa baso ni Jess ng juice.

"Tito,tita kaya ko naman pong mag-isa." natatawang sabi ni Jess.

Haysst,atleast nakikita ko na sya ngayong tumatawa.

"Jess diba't sabi namin sayo ay mama at papa na lang ang itawag mo samin?"

"Ay sorry po hehe,hindi lang po kasi ako sanay." tapos tumingin sya sakin gamit ang kaniyang tulungan-mo-ko-dito-sis-look.

Sina ma at pa kasi ehh.Nakatayo lang sila sa likod ni Jess tapos kung ano-ano ang ginagawa nila.Hindi tuloy makakain ng ayos si Jess.Minsan nga'y natatawa na lang ako.

Alam kong katulad ko'y ayaw din nilang makitang nalulungkot si Jess.Ayaw din nilang makitang nangungulila sa magulang ito.

"Ma,pa hindi na po makakain si Jess sa inyo." nginuso ko pa si Jess.

"Bakit iha?Naiilang ka ba samin?Magfeel at home ka lang"

"Hindi naman po sa ganoon," napatigil pa si Jess. "M-ma,pa.Hindi pa po kasi kayo nakain.Kumain na din po kayo"

"Pero sino ang mag-aasikaso sayo?" kulit pa ni ma.Waaaah,nakalimutan kong may pagkakulit nga pala ang mga magulang ko.Hindi sila titigil hanggat hindi nagagawa ang gusto.

"Ma,pa hindi naman po napilayan o nabali ang kamay at paa ni Jess ehhh." reklamo ko pa na pinanlakihan lang nila ng mata.Para bang sinasabi nilang wala-ka-ng-magagawa-manahimik-ka-na-lang-dyan.

"Aha!alam ko na." tuwang sabi ni pa tapos bigla syang lumabas.

Saan naman kaya pupunta si pa?

Maya-maya ay bumalik na sya kasama si....

"Niks?" tumingin naman sya sakin atsaka ngumiti at nagwave pa ng kamay.

Parang alam ko na ang patutunguhan nito.Waaaah.

Tumingin naman ako ngayon kay Jess.

Luh.Anong meron?Bat sya nakatulala at nakanganga kay Niks?Hhhmmmm.

"Ano po ba ang gagawin ko,your Highness?" takang tanong ni Niks.

Ano kayang magiging reaksyon ni Niks kapag nalaman nya ang ipapagawa ni pa sa kanya?Hahaha.

"Umupo ka sa tabi niya." ani pa at tinuro pa si Jess.

Oh my.

Parang natauhan naman si Jess mula sa kanyang pagkakatulala.

Wala namang nagawa si Niks kundi ang umupo sa tabi ni Jess.Umupo nadin sina ma at pa sa kanilang pwesto kapag kami'y kumakain.

"Gusto kong subuan at asikasuhin mo si Jess,Nikko.Maari ba?" sabi ni pa na parang hindi nya alam ang pwedeng isipin ng makakakita kina Jess at Niks na nagsusubuan.Inosente pa syang ngumiti.

Bakit nung kumain dito si Richard,hindi nya ko pinasubuan?Unfair!

"A-are you sure,your Highness?" napapalunok na sabi ni Niks.Hahaha nakakatawa syang panoorin.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon