Chapter 13: Blooming

1K 64 0
                                    

Charmaine's POV

Masaya akong gumising atsaka masaya ring naligo't kumain.Grabe yung pakiramdaman ko ngayon,para bang ang saya-saya.Hihihi.

May practice kami ngayon ng play namin kaya naman maaga akong nagising.

Napapakanta pa ko ng You Smile,I Smile ni baby Justin habang namimili ng damit ko.

Lagi na lang itim ang suot ko kaya napagdesisyunan kong magpula naman.I wore a high-waisted black jeans,red crop top and black ankle boots.

Dapat maging hot at kaaya-aya ako sa paningin ni Richard.Bwahahaha!

Marunong naman akong magtrintas kaya ni braid ko ng isahan at buo ang aking buhok.Tapos naglagay din ako ng light make-up.

My goodness Charmaine!Pupunta ka ba para magpraktis?o para humarot?

"Ma,pa.Aalis na po ako!" sigaw ko habang bumababa sa hagdanan.Nakita ko namang nakaupo silang dalawang sa sofa sa salas at mukhang naglalambingan.

Naiisip ko tuloy kung magiging ganan din kami kasweet ni Richard kapag naging mag-asawa na kami.

Hala Charmaine! Crush mo lang sya diba?Bakit napunta agad sa kasalan!

"Saan ang punta mo,anak?" kunot noong tanong ni pa atsaka ako pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa.

May mali ba sa suot ko?

"May date ka ba anak?" nanlaki pa yung mata ni ma.

"Ma!Wala po akong date." ngumuso ako.

"Ahh baga,mukha kasing porma na porma ka." mas lalo pang humaba ang nguso ko.Nito bang mga nakaraang araw ay mga panget at baduy ang mga sinusuot ko?Eh parang halos araw-araw naman ay magaganda ang sinusuot ko ah!

"Oo nga anak.Pati parang may kakaiba sayo." nanlaki naman yung mata ko.Huwag mong sabihin na nahahalata nilang may gusto ako kay Richard.

"A-ano naman po iyon?"

"Blooming ka." napatingin kaming tatlo nina ma kay Niks na kakapasok lamang ng living room.Tss,may kakaiba na naman sa ngisi ng lalaking to.

"Goodmorning,Queen Daine and King Steve." nakangiting aniya atsaka sya tumingin sakin. "Maganda......ng umaga,Princess Charmaine." Eh?Bat ang haba naman ata nung magandang?

"Goodmorning Nikko,maaari mo bang ihatid si Charmaine?"

"Yes,your Highness.No problem po." atsaka sya ngumiti ng napakalaki.

Humalik na ko sa pisngi ng mga magulang ko atsaka nagpaalam sa kanila.Lumabas na ko at sumunod nadin naman sakin si Niks.

"Bakit kaya napakasaya mo ngayon?" nilingon ko si Niks.Ano naman kaya ang iniisip nito?Napakasaya?Hindi kaya mukha na kong baliw sa sobrang kakangiti ko at malapit naring mapunit ang mukha't bibig ko?Hala.

"Araw araw naman akong masaya ah." tinaasan ko sya ng kilay.

"Kakaiba yung ngayon eh." nagulat ako nang biglang manlaki yung mata nya. "Huwag mong sabihing....anong nangyari sa inyo ni Richard pagkaalis ko?"

"Ugh!Ano ba ang sinasabi at iniisip mo dyan Niks?!" pinagpapalo ko sya sa braso nya.Pero mukhang ako lang din naman ang nasasaktan dahil ang tigas ng muscles nya.Oh my goodness.

"Wahahaha!Joke lang." tawang tawa pa sya kaya napairap na lang ako.

Nagdadabog akong sumakay sa kalesa.Si Niks naman ay pasipol sipol lamang habang naglalakad palapit atsaka nya pinaandar ang kalesa.Kina career na ata nya ang pagiging kutsero.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon