Charmaine's POV
"Are you ready?" Bungad sa'kin ni Julie na ngayo'y kakapasok palang sa kwarto ko.
Nakaharap ako ngayon sa full length na salamin ko habang hawak ang kwintas ko.
Sa totoo lang, kinakabahan ako.
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Yes, handa na 'kong putulin ang kaligayahan nila." Lumakad siya papalapit sa'kin at tinignan ako sa salamin na katapat namin.
"Hindi natin pwedeng patayin na lang basta si Doc. Transylvania." Makahulugang aniya. "Napag-usapan narin namin to kanina sa baba. Alam kong alam mo na ang dahilan kung bakit."
I just nodded at her.
Gustong-gusto kong wakasan ang buhay ng lalaking yon dahil sa ginawa niya kay Jess pero ngayong alam ko ng siya ang ama ni Richard, parang ang hirap na. Masama siya at siya ang pinakahari ng masasama pero siya parin ang tatay ni Richard kaya hindi namin siya basta na lang patayin.
Alam kong masasaktan si Richard kapag nangyari yon. Pero naiisip ko rin na paano kung hindi tumigil si Doc. Transylvania sa paggawa ng masama? Paano kung patuloy parin niyang naisin na kunin sa'kin ang kwintas?
Alam naming mahirap baguhin ang nasa isip niya pero sana man lang, mahikayat siya ni Richard. Si Richard na anak niya.
"Don't be nervous, okay? Huwag kang mag-alala at matatapos na rin ang lahat ng to. Basta lakasan mo lang ang loob mo." Ngumiti sa'kin si Julie kaya medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko.
"Sisiguraduhin kong magwawakas na ang lahat. Gusto kong mabuhay tayo ng wala ng inaalala pa at masaya."
Humigpit ang hawak ko sa kwintas habang humuhugot ng lakas ng loob mula don.
Kailangan kong lumaban para sa lahat. Kailangan kong lumaban para sa mga minamahal ko at sa mga nasasakupan ko. Dahil balang araw, maaaring ako na ang maging reyna ng mga bampira.
Pinagmasdan namin si Scot na kasalukuyang pumapasok ngayon papunta sa base nila sa may pumpkin park. Alam niyang nasa likod lang kami ng mga bushes na nag-aantay sa signal nila ni Richard.
Sabi kasi nina Scot, pagpasok sa loob ay may dalawang bantay doon kaya ang plano'y papatumbahin niya muna ang mga iyon bago siya lalabas muli at sesenyas sa'min.
Ilang minuto ang hinintay namin bago lumabas muli si Scot at sinenyasan kami. Tahimik kaming lumapit at pumasok sa loob.
Agad akong namangha pagkapasok ko sa loob. Mukhang matibay ang pagkakagawa ng base na to. Gawa rin sa metal ang lahat.
"Kailangan na 'ting maghiwa-hiwalay." Ani Niks.
"Scot, asan ang mga potion?" Tanong naman ni kuya Josh.
Oo nga pala, hindi magawang lumapit ni Scot sa mga potion kaya di niya nagawa ang plano namin kaya ang balak namin ngayon ay ipunin ang lahat ng yon at itapon. Ayon ang una naming dapat makuha.
"Nasa kanan, sa pinakadulong pinto." Scot answered.
"Let's go, kailangan na nating kumilos. Halughugin niyo ang lahat ng kwarto. Charmaine, sa'kin ka sumama. Pupuntahan natin ang doctor na yon." Kuya Josh said.
Kagaya nga ng sinabi niya, naghiwa-hiwalay kami. Hindi pa man ako nakakalayo sa pinaka entrance, nakarinig na ako kaagad ng mga palitan ng bala. Mas lalo naming binilisan ang pagtakbo kaso may humarang sa'ming limang lalaki na mukhang gulat sa pagdating namin.
Hindi kami nag-aksaya ng oras at inilabas kaagad namin ang aming baril at pinaputukan sila. Mukhang dahil sa gulat ay hindi agad sila nakapagreact kaya ang ending ay natumba sila.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampireAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...