Charmaine's POV
Gabi na at wala parin sina ma at pa kaya naman todo bantay parin sakin si baby sitter.
Kung baby sitter ko sya,edi ibig sabihin ako ang baby nya?
Mahina akong napahagikgik sa naisip.
Nababaliw na ata ako.Hayssst.
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko at kakatapos ko pa lamang maligo.Pakiramdam ko'y napakalagkit ko ngayon dahil sa ensayo namin na sobrang nakakapagod.
Napansin ko din kanina na sobrang ingat na ng mga trainer ko.Ni halos hindi na nga ata sila lumalaban sakin eh,para silang mga estatwa.
Dahil sa katotohanang nasa labas lamang si Richard ay pumili ako ng magandang damit.Matutulog na ko ngunit mukhang pangparty itong suot ko.
Ewan ko,parang gusto kong magpaganda para sa kanya.Alam ko namang may itsura ako ngunit gusto ko'y yung mapapanganga na sya sakin at kusang lalabas sa bibig nya ang salitang iyon.Hihihi.
Umupo muna ako sa kama ko atsaka pinagmasdan ang hindi ko pang nababasang magazine ni Justin Bieber.Namilog ang mga mata ko ng mapaltan ang cover na picture ni Justin na naging mukha ni Alden.
Impit na napatili ako.
Oh my goodness,I think I'm crazy.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Richard.Humahangos na lumapit sya sakin atsaka umupo sa harapan ko.
"What happened?" aniya atsaka sinuri ang mukha ko.
"H-huh?"
"Anong nangyari Charmaine?I heard you screaming." hindi sya mapakali.
Nag-aalala ba sya sakin?
Imbis na magtaka ay parang natutuwa pa ako.Bwahahaha,nag-aalala nga ata sya sakin.
"Hindi naman ako nasigaw ah.Oh,tumili ako at nakinig mo pa iyon?Eh ang hina-hina lang non ah." talas naman ata ng pandinig nya.
"Eh paanong hindi nya maririnig eh nasa tapat lang naman sya ng pintuan ng kwarto mo.Tapos nakadikit pa yung tainga nya sa pinto,pfft." nagulat pa ko nang magsalita si Nikko.Bigla-bigla na lamang syang nasulpot ah.
"And you disturbed us," sinamaan sya ng tingin ni Richard. "AGAIN." may diin nitong patuloy.
"And I love to interrupt you guys." ani Nikko.Pumasok pa sya sa loob ng kwarto ko. "Charms,I have something to tell you."
"Ano naman yun?" kunot noong tanong ko naman.Seryoso ba sya?Eh bakit nakangisi padin sya?Luko luko talaga.
"I like you." bigla syang sumeryoso.Sinamaan naman siya ng tingin ni Richard.
May gusto sya sakin?
"Nikko,please stop pestering me." sabi ni Richard na ang talas parin ng tingin sa kaniya.
"But I'm serious bro." muli na namang tumawa si Nikko.
"Niks?Seryoso ka ba talaga?" tanong ko.
Sasagot pa sana sya ng pagtulakan sya ni Richard papalabas.
"Get out,bro.Leave us alone." masama parin ang tingin ni Richard sa kanya.
"Okay,okay,no need to push me tss.Gusto mo lang masolo si Charms eh."
Kung gusto nya kong masolo,pwede naman syang magsabi.
Goodness,iba na ata ang tama ko.
"Bakit ka tumili kanina huh?Charmaine?" nabalik ang atensyon ko kay Richard.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampiroAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...