Charmaine's POV
Pagod na dinilat ko ang aking mga mata.Napatingin ako sa malaking salamin na nasa tabihan.Kitang-kita ko ang pagkapugto ng aking mata.
Nakatulog pala ako sa kakaiyak at sa pagod.Hindi ako makatulog dahil sa nalaman ko na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o kung kaya ko bang paniwalaan.Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok.
"Sis?Pasok na ko ha?" hindi ako sumagot at nagtalakbong na lang para magkunwaring tulog.
Naramdaman ko na lang ang paglubog ng tabihan ng kama.Sign na umupo sya.
"Sis,kumain ka muna oh." Nakinig ko ang paglapag ng tray sa side table.
"Wala akong gana."
"Kainin mo na lang pag nagutom ka na." aniya na tanging tango lang ang naisagot ko. "Sis......may gusto sana akong sabihin sayo.Tanda mo pa ba nung araw na una kaming nagkita ni Richard?" automatic na kumirot ang puso ko nang marinig ang pangalang iyon.
Namimiss ko na sya....
"Hindi ba't sinabi ko na he looks familiar?Ngayon malinaw na sakin kung bakit." Parang alam ko na kung saan tutungo ang sinasabi nya.Parang gusto na lang takpan ang tainga ko para hindi marinig ang sasabihin nya. "Sya yung lalaking iyon."
Napalunok ako at muli na namang nangilid ang luha ko.
"Sya yung lalaking nakamask na nagsabi sakin na isa kang bampira.Isa sya sa pumunta samin."
Tuluyan ng lumandas ang mga luha ko.
Isa na namang proweba na sya nga ang hari ng masasamang bampira.Ayokong maniwala pero kusa ng lumalapit ang mga pruweba.
Ang sakit lang dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya nagkunwari.Hindi ko alam kung bakit sya nagsinungaling sakin,samin.Ang dami kong tanong.Ang dami kong mga bakit.Pero sa lahat ng yan.......isa lang ang hinihiling ko na sana'y totoo.
And that's his love for me.
"His eyes.Katulad na katulad nung lalaking nakamask.Sorry kung sinasabi ko to sayo.Gusto ko sanang magising ka Charmaine.Magising ka sa katotohanang sya nga ang hari ng mga bampira.Nasasaktan ako,nasasaktan kami kapag nakikita ka naming ganan.Nasasaktan din kami sa nalaman namin.Napalapit na din naman sakin si Richard eh kaya nahihirapan din akong maniwala.But I want you to wake up.Kung patuloy mo lang na paniniwalain yang sarili mo na hindi yon totoo,mas lalo ka lang aasa at masasaktan." Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin.Napahagulhol ako. "We're still here for you.Hayaan mo,magiging okay din ang lahat.Okay?" Nakinig ko ang pagbasag ng boses nya.Umiiyak din sya.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming umiyak at nanatili sa ganong posisyon bago sya lumabas ng kwarto.
Inalis ko ang pagkakataklob ko sakin.
Napadako ang tingin ko sa aking drawer.Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan iyon.
Tinitigan ko ang sobreng kulay pink na nasa loob non.Kinakabahan ako.......parang nagtatalo ang isip ko kung babasahin ko ba iyon o hindi.Pero sa huli'y dahan-dahan ko parin iyong kinuha at tinitigan.
Nangilid ang luha ko nang makitang may kiss mark ang sobre at may nakalagay na "To My One and Only Princess." Kinagat ko ang labi ko at pinigilang maiyak na naman bago binuksan ang sobre.
Dear Princess Charmaine Delfield,
Ayan pa lang ang nababasa ko pero.........pero tumulo na naman agad ang mga luha ko.Para din akong baliw na napapangiti dahil katulad nga nang sinabi nya'y ang pangit nya ngang sumulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/53738598-288-k97052.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
UpířiAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...