Charmaine's POV
Muli na naman akong napabuntong hininga.
Nakakapanibago talaga dahil walang Richard ngayon na nangulit sakin.
I know na may kasalanan din naman ako sa nangyari.Gusto ko nga sya ulit kausapin kaso di ko pa ulit sya nakikita.
Nakakamiss yung baby sitter kong yon.
Haysssst.
Hay nako.Kasalanan ko to!Sino bang hindi masasaktan kapag pinagdudahan ka tapos di mo pa pinagkatiwalaan?!
Pero.....
Nasaktan lang naman kasi ako eh.Masama ba yon?
"Sis andito na tayo." nabalik ako sa reyalidad nang kulbitin ako ni Jess.Andito na pala kami.Hayssst.
Bumaba na lang ako ng kalesa namin.Para lang akong lantang gulay na naglalakad.Feeling ko tuloy walang kulay yung paligid ko tapos walang kaganagana.
"Anong nangyayari kay Charmaine?Do you know anything,Nikko?" nakinig ko pang tanong ni sis kay Niks na nasa likudan ko lamang.
Well,kung sino naman talaga ang makakita sakin ngayon ay talaga namang magtataka.Naiimagine ko tuloy yung sarili ko na malungkot at walang kabuhay-buhay.Naiimagine ko nga din na mukha akong zombie ngayon habang naglalakad.
Waaaah.
Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama.Nakakatamad tuloy.
Ano kayang ginagawa nya ngayon?Kasama nya ba si Julie?
Teka nga!Bakit ko ba kasi iniisip palagi na kasama at naglalambingan yung dalawang yon?You need to trust him Charmaine.
Naalala ko na naman tuloy yung araw na masaya kami.
Naiiyak tuloy ako.
"Sis,you forgot thi—Ow, anyare?" nakanguso akong tumingin kay Jess na ngayo'y papalapit na sakin.
"Jess." para pa kong batang yumakap sa kanyang nanay.
"Ano bang nangyayari Charmaine?Kanina ko pa napapansin na malungkot ka."
"Si Richard kasi eh." wala na.Kumawala na yung luha ko huhuhu.Taksil na mga luha.
"Anong ginawa nya sayo?"
Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.Simula sa una hanggang sa huli.Walang kulang.
"Who's that Julie ba?" nakita kong tumaas ang kilay nya. "Alam nya ng may girlfriend yung lalaki,nagkukulong pa sila sa kwarto ng mag-isa.Tss."
Girlfriend....
Mas lalo akong naiyak.
Girlfriend nya na sana ako ngayon eh.Sasagutin ko na sana sya kaso....kaso....dahil nga don sa nakita ko ay umuwi na kami.
"Napagsalitaan ko lang naman sya ng ganon kasi nasaktan ako eh." umiiyak ko pa ring sabi.
"Gusto mo bang puntahan namin ni Nikko si Richard?Papapuntahin namin sya dito,tapos mag-usap kayo."
Parang naexcite naman ako bigla kasi makikita't makakausap ko na sya pero....
"Hu-huwag na sis.Baka maistorbo pa sya pati baka galit pa din sya sakin ngayon eh."
"Hay nako.Paano na yan?"
"Siguro papalipasin ko muna yung galit nya.Hihintayin ko na lang yung araw na handa na ulit syang makipag-usap sakin." humihikbi pang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampirAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...