Chapter 40: New Begining

625 37 0
                                    

Jess' POV

Naglalakad ako pauwi nang may maramdaman akong parang may sumusunod sakin. I stopped from walking and looked at my back pero wala naman akong nakita na bakas ng bampira o kung anuman dito.

Ahm baka wala lang?

I just shrugged then nagsimula na uli akong maglakad pero tae!May sumusunod talaga!

Kahit sinisimulan na kong kabahan,pinilit ko paring tumalikod.

Nanlaki ang mata ko nang makakita ng isang lalaking nakawhite pants at purple hood.

Hindi ko alam na uso na pala ang ganito dito?

"Si-sino ka?!" sigaw ko sa kaniya.Pero humakbang lang sya papalapit sakin kaya medyo napaatras ako. "Hoy sabing sino ka?!"

Tumigil yung lalaki atsaka hinawakan ang hood nyang nakatakip sa ulo nya.Unti-unti nya yung tinanggal hanggang sa .......

"Ju-justin Bieber?!" napa O shape ang bibig at mata ko. "Totoo ba to?!" He smiled kaya napasampal ako sa sarili ko.

Oh my ghad!Yung idol ko nandito!

Agad akong tumakbo at niyakap si bebe Justin.Waaaaah!Gigil na hinawakan ko ang mukha nya atsaka ako ngumuso.

Hindi ko alam kung pano at bakit sya nandito pero tsaka ko na lang yung iintindihin.

Wahahahaha!Wala ka ng kawala Justin.Habang may pagkakataon,iisa na ko sayo.Hahaha.

Ayan na,malapit na dumampi ang labi ko sa kaniya.Napapikit ako habang nilalapit ko parin ang mukha ko sa kaniya.

"What the hell?!"

Agad akong napamulat sa narinig at mas lalo pa kong nagulat nang makita kong naging si Nikko ang nasa harapan ko.

Waaaaah?!

Naramdaman ko ang paghawak nya sa bewang ko atsaka pa ko nilapit sa kaniya.

Oh my ghad!

Muli akong napadilat.Parang biglang nabuhay ang dugo ko at ang diwa ko.

Teka?Panaginip lang ang lahat?

Napadako ang tingin ko sa isang binti at braso na nakadagan sakin.Inis at gulat akong napaharap kay—what the?!Si Nikko nakapikit habang nakanguso!

Pero in fairness,ang ganda ng labi nya at ang cute nyang tign—no!stop Jess!Erase!Erase!Erase!

Muli akong nawala sa sarili ng naramdaman ko na ang—hmmmm mabango at amoy mint—kanyang hininga.

Dug.Dug.Dug.

"Bakit ang tagal naman ata?" napakunot ang noo ko at nanliit ang mga mata sa narinig.Hindi ka dapat magpadala sa pagmumukha ng lalaking bakulaw na to Jess!

Napamulat sya ng lumanding ang palad ko sa pisngi nya.

"Jessie?!" tinaasan ko sya ng kilay.At ang mokong tinignan pa ko na para bang di sya makapaniwala. "Gising ka na?" napakurap-kurap sya. "Sayang naman."

"May sinasabi ka ba?"

"Wala sabi ko may panis na laway ka."

Napaiwas naman ako ng tingin at napataklob sa bibig ko.

Waaaaah!Nakakahiya!

Pero teka!

"Hoy lalaki!Anong ginagawa mo dito?Ha?!Tapos kanina nakanguso ka pa!Anong balak mong gawin ha?May balak ka bang irape ako?!"

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon