Chapter 56: The Truth

475 38 1
                                    

Charmaine's POV

Ilang beses akong kumurap-kurap at kinurot ang sarili ko, nagbabakasakaling magising kung panaginip man ang lahat ng to.

Pero kahit anong gawin ko, walang nangyayari. Lahat ay totoo. Nasa harap ko ngayon ang bad vampire king na kasagpi ni Doctor Transylvania na dahilan ng pagkamatay ng bestfriend ko.

Naging mabilis ang paghinga ko habang nakatingin sa kaniya. Pinapakalma ko rin ang sarili ko at inaabsorb ang sinabi niya kanina.

Like what the hell?

"A-anong sabi mo?" I stuttered.

"Hindi ako masama, Charmaine." Aniya na muntik ng makapagpalambot sa mga tuhod ko.

Ngayon ko na lang uli narinig na banggitin niya ang pangalan ko.

"Pero..... i-is this some kind of trick or what?" I looked around, nakatingin lang silang lahat sa'min. "Itinago niyo sa'king lahat ang tungkol dito?"

I felt a pain in my chest. Biglang nagflashback sa'kin yung sakit na naramdaman ko noong pagkagising ko, wala siya sa tabi ko. Tapos mababalitaan ko na siya ang king ng bad vampires kaya mas dumoble yung sakit na naramdaman ko non.

Nagkulong ako sa kwarto ng ilang araw noon dahil hindi ko matanggap lahat, ay wait, kaya ko pala siyang tanggapin kahit ganon siya. To the point na nawalan na 'ko ng gana sa buhay hanggang sa gisingin ako sa katotohanan ni Jess na ngayon ay wala na.

Agad namasa ang mga mata ko. Medyo napaatras din ako sa kaniya.

"Bakit niyo tinago sa'kin to?" I said, stopping myself from stuttering.

I felt betrayed.

Yes, alam kong may sikreto sila pero this is too much to handle. At sa lahat ng tao, si Richard pa. Mahal ko si Richard kaya ganito kalaki yung epekto ng revelation nila sa'kin.

"Ako ang humiling sa kanila na itago sa'yo ang totoo." I looked at him. Malalamlam na ang mga mata niya ngayong nakatingin sa'kin.

"Bakit?!" Tuluyan ng lumandas ang mga luha ko mula sa mga mata ko. "Hindi mo ba alam kung ilang beses akong umiyak dahil sayo? Hindi m-mo ba alam kung gaano ako nahirapang tanggapin yung nalaman ko? G-gusto kong magalit sayo ng mga araw na yon p-pero alam mo ba? Mas n-nangibabaw yung nararamdaman ko para sayo."
Ang iba'y nakatungo na habang ang iba nama'y nakaiwas ang tingin sa'kin. Tanging si Richard lang ang nakatingin sa'kin.

I want to be happy. I want to celebrate and enjoy this moment because he's not an enemy pero mas nangingibabaw sa'kin ang sakit at ang pakiramdam na niloko at tinago nilang lahat sa'kin ang tungkol kay Richard.

They made me look stupid. Crying over something that is not true.

Napaatras pa 'kong muli nang mapansin ang paghakbang palapit sa'kin ni Richard.

"Huwag kang lumapit please. K-kailangan ko munang," I sobbed. "k-kailangan ko munang mapag-isa, please. I need to think first."

Tinalikudan ko silang lahat atsaka naglakad palabas ng office ni pa. Dumeretso agad ako sa kwarto ko at niyakap ang unan kong palagi kong karamay tuwing umiiyak ako.

I smiled sadly.

Wala na kasi si Jess eh, walang magcocomfort sa'kin.

Ilang beses akong huminga ng malalim para mapakalma ang sarili ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko at pinatahan ang sarili ko.

I j-just can't believe it.

Katulad noon, napakarami kong tanong. Hindi na nga ata ako mauubusan ng mga tanong sa mga nangyayari at natutuklasan ko. It's just too much. Lalo pa ngayong nagluluksa ako sa pagkamatay ni Jess. Halo-halo na ang mga emosyon ko. Hindi ko na alam.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon