Charmaine's POV
After 2 years......
Umalingawngaw sa buong kwarto ang tili ni Julie kaya napatakip ako sa tainga ko. Hinampas-hampas niya pa kami ni Neli kaya sinamaan namin siya ng tingin.
"Aray! Masakit ha!" sabi ko pa tsaka siya inirapan.
"Oo nga eh, grabe ka naman kiligin." Neli shook her head. "Pero sabagay, nakakatili nga naman ang ganon."
"Kyaaaaah! Ang saya kaya, grabe. Yung may pa surprise siya sa'yo tapos kinantahan niya pa 'ko kahit sinabi niya na sa'kin noon na wala siyang talent sa pagkanta." Patuloy pa ni Julie na may paghawak pa sa puso niya.
Birthday kasi ni Julie kahapon and yes, may surprise na nangyari. Last month ko lang nalaman na nililigawan na pala ni kuya 'tong si Julie. Kaya ayun, kilig na kilig sya kagabi sa ginawa ni kuya. Ako naman, nagcricringe kay kuya kagabi pero syempre support parin ako sa kanila lalo na't kaibigan ko si Julie.
Ni hindi ko nga man lang napansin na nagkakagustuhan na sila eh! Knowing kuya, napakaprivate niya sa kaniyang life kaya siguro ganon.
"Ikaw ba Neli? Tatanda ka na ba talagang dalaga?" Julie said and we both laughed.
Tinignan niya kami ng masama. "Porke walang lovelife ngayon, tatanda na agad na dalaga? Hindi ba pwedeng nagreready palang ako at hinahanap pa yung para sa'kin?"
Napa-woah naman kami ni Julie sa sinabi niya.
Sabagay, may point sya. Gusto lang talaga namin syang asarin. Napakasungit nya naman kasi sa mga lalaki kaya ayan tuloy, wala ng naglakas ng loob na lumapit.
Ilang oras pa kaming nagchikahan hanggang sa napagdesisyunan namin ni Julie na umuwi na. Nasa bahay kasi kami ni Neli dahil napagkasunduan naming magkaron ng bonding ngayon. Sayang nga lang at kulang kami ng isa.
"Baby!" Sigaw ko pagpasok ko ng pinto ng palasyo. Agad naman niya kong sinalubong.
Nakangiti siyang pumunta sa'kin saka ko sya ginawaran ng halik sa pisngi.
"Namiss kita agad." I kissed her again on her right cheek. Binuhat ko na rin siya at nilaro-laro.
Natawa naman ako nang makita ang itsura ni Richard habang nakatingin sa'min. Nakanguso sya habang masama ang tingin sa'kin.
"What?" Inosente ko pang tanong.
"Ako? Walang kiss? Hindi mo namiss?" I laughed more at what he said.
"Pinagseselosan mo ba ang anak na'tin?" Lumapit ako sa kaniya. Humalik ako sa pisngi niya at umupo rin sa tabi niya habang hawak parin si Amber, ang one-year-old naming anak na babae.
"Namimiss ko lang ang asawa ko." Aniya na nagtaas baba pa ang kilay.
After three months pagkatapos kong makoronahan bilang reyna, nagpakasal kami ni Richard.
Aaminin ko na naging sobrang busy ako sa posisyon ko pati sa anak namin kaya hindi na'ko masyadong nakakapagspend ng time with him. Busy rin naman sya sa pagiging hari so minsan na lang talaga kami magbonding. Buti nga at medyo maluwag ang schedule ko ngayon kaya nakapagbonding kami nina Neli.
"Don't worry, babawi ako." I smiled at him.
Kinuha niya sa'kin si Amber at nilaro ito. Nakangiti ko naman silang pinagmasdan.
I am so happy and satisfied with the life I have now. Back then, I really wanted to get back to my old life. But look at me now, I am already a queen, mother and wife. And I have nothing more to ask for in my life.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess' Diaries
VampirosAlmost every woman dreams of becoming a princess. But what if this happens but far from what you expected? A princess that is not just about being beautiful, not all about spa and relaxation. And most importantly, a princess where not everyone will...