Epilogue

642 41 3
                                    

Charmaine's POV

Hawak-hawak ko nang mahigpit ang kwintas habang tinatahak ko ang daan papuntang pumpkin park. Nagpahatid lang ako sa isang vampire knight papunta doon at nang makarating ay nagpaiwan din ako kaagad sa kaniya.

Gusto kong sumunod sa usapan para maligtas ang anak ko kaya hindi talaga ako nagpasama kina Richard. Natatakot man ako at kinakabahan sa mangyayari pero kailangan kong maging matatag para sa lahat.

Kung ibibigay ko ang kwintas sa kaniya, alam kong mapapahamak ang lahat. Kung hindi ko naman ibibigay ang kwintas, ang anak namin ni Richard ang mapapahamak.

Sobrang sakit para sa'kin na magdesisyon kaya gagawin ko na lang ang alam kong tama para sa ikakabuti ng anak ko at ng lahat.

At hindi ko yon basta-basta lang magagawa. Hindi lang yon ganon kasimple dahil alam kong dapat may magsakripisyo.

At ako yon.

Ayoko pang mawala dahil gusto ko pang magampanan ang pagiging ina, asawa at pagiging reyna ko pero kung ito ang mas nakakabuti, gagawin ko. Sobrang mahal ko lang sila kaya ko to gagawin.

Bawat hakbang papalapit sa pinakagitna ng pumpkin park, mas lalong kumakabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko. Parang matatanggal na siya sa loob ko at gusto ng makawala. Gabi na at ako lang ang nasa parke kaya tahimik. Tanging tunog ng kuliglig at ng puso ko lang ang naririnig.

Nanginginig ang kamay na umupo ako sa malapit na bench na nakita ko. Nagmamasid din ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ang anak ko.

Sana naman ay wala siyang ginawang masama sa anak ko. Sana'y may natitira pa siyang konsensya dahil wala namang kinalaman ang anak namin dito. Napakainosente ng baby ko, bakit kailangang idamay?

Agad akong napatayo nang mapansin ang isang figure ng lalaki. Nang sa wakas ay naaninag ko na siya, napansin ko agad na nakamask sya na natatakluban ang buong mukha.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.

K-kaya ko to.

Napapalunok na tumindig ako ng maayos. Sineryoso ko rin ang mukha ko kahit na sobrang kabado na talaga ako.

Merong kung ano sa lalaki na kakaiba. Parang may nilalabas to na kakaibang aura na nakakapanghina sa mga tuhod ko.

"Nasaan ang anak ko?" Seryoso kong tanong nang makarating siya sa tapat ko.

Narinig ko ang paghalakhak niya, animo'y isa siyang kontrabida sa isang palabas. Sabagay, bagay sa kaniya.

"Queen, kumalma ka muna. Kailangan ko munang siguraduhin na tutupad ka sa usapan." Aniya.

Muntik na 'kong mapahakbang nang marinig ko ang boses niya.

Andy is right!

"Bakit mo to ginawa? Pinagkatiwalaan ka namin tapos titirahin mo lang kami patalikod?" I clenched my fist.

Gustong-gusto ko na syang suntukin. Nakakagigil siya!

"At dinamay mo pa talaga ang anak namin? Na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari?" I gritted my teeth. Mukhang nag-eenjoy naman siya na nakikita akong nanggagalaiti sa kaniya.

Arghhhh!

Okay, Charmaine. Calm yourself!

"Ibigay mo na lang ang hinihingi ko para walang mangyaring masama sa anak mo." He smirked.

Ibang-iba sya sa professor namin noon. Hindi ko akalaing sa likod ng maamo niyang mukha, may nagtatagong halimaw. Tanda ko pa noon, yung mga araw na tinutulungan niya kami, ano kaya ang mga naiisip niya ng mga araw na yon? Tuwang-tuwa kaya siya dahil paniwalang-paniwala kami sa kaniya?

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon