Chapter 51: Scot

601 36 4
                                    

Charmaine's POV

Nakasakay na kami sa kalesa nina sis papuntang academy ngunit lumilipad ang aking isip sa narinig kahapon.

Ngayon ko balak kausapin si Scot at sana makausap ko siya. Sana sabihin niya sa'kin ang lahat.

Nang pagkababa, napansin ko ang kakaibang mga tingin ng mga estudyante na nadadaanan namin. Mukhang natatakot sila. Siguro dahil sa nangyari noong Halloween party.

"Guys!" Napatingin kami kay Neli na tumatakbong papalapit sa'min. Nasa likudan niya din sina Andy, Jake at Julie. "Tinext sa'min kahapon ni Nikko na nagmeeting kayo."

"Let's not talk about it here, sa room na lang tayo para mas private." Ani kuya Josh na nanguna na sa paglalakad.

We followed him and when we finally got inside our room, we sat down and formed a circle. Buti na lang at konti palang ang tao sa loob, maaga pa din kasi naman.

"Uunahan na natin ang mga bad vampires sa pagkilos. Sa susunod na Linggo, susugudin natin sila." Sabi ni Niks. "Alam na namin ang base nila at sa Pumpkin Park yon, underground."

"Sa ngayon, nagpaparami pa tayo para mas may laban tayo sa kanila. Buti na lang at meron tayong tinatagong baraha." Napatingin ako kay Kuya Josh dahil sa sinabi niya.

I'm sure that this card that he was talking about was connected to their secret.

Kagabi ko pa iniisip ang tungkol sa narinig kong pag-uusap nila nina dad. Naguguluhan parin ako at sobrang curious ako don pero alam kong mabuti ang tinatago nila lalo na't si pa ay kasali. Hindi ko nga lang alam kung ano yon at nagtataka ako kung bakit hindi nila yon sinasabi sa'kin just like the spies that we have.

Pero sana sabihin na nila sa'kin ang lahat bago maganap ang labanan. I don't wanna be clueless.

"Baraha? Hindi ko alam na nagsusugal ka pala Josh." Tumawa si Jake pero lahat kami, masama ang tingin sa kaniya kaya napatigil siya.

Jake and his jokes, psh. Para siyang si Niks, kahit nasa gitna na ng seryosong usapan, hindi parin nakakalimutan ang mga kalokohan. Tss, tss.

"Ano naman ang baraha na yan?" Tanong ni sis.

"Malalaman niyo rin yon, sa ngayon, pag-usapan muna natin ang mga hakbang." Tumingin si kuya Josh sa'kin. "Si Charmaine ay aaralin kung paano gamitin ang kwintas niya at ang iba naman ay mag-eensayo sa pakikipaglaban. Lalo na ikaw, Jess." Lumapit pa siya samin atsaka bumulong. "Narami na ang tao dito, mamaya na lang natin ituloy."

Napatingin ako sa loob ng room at nakitang marami na nga ang napasok. Inayos namin ang inupuan atsaka pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto.

Dumating na si Mr. Sinville ngunit wala paring ang hinihintay ko. Wala si Scot.

Hindi ba siya papasok?

"Guys, mauna na kayo sa cafeteria, susunod na lang kami ni sis." Tumango naman sila saka kami tumungo sa ibang direksyon ni sis. Nagpapasama kasi siya sa CR, iihi.

"Alam mo sis, feeling ko magiging pabigat lang ako sa magaganap na pagsugod. " Aniya na ngayo'y nasa loob na ng cubicle.

"Bakit naman?"

"Eh kasi hindi ko naman kayang makipaglaban katulad niyo. Wala rin akong pangil, kaya paano ko malalabanan ang mga yon? Iba ang abilities nila sa'kin na tao lang." Lumabas siya sa cubicle atsaka naghugas ng kamay.

Seryoso ko siyang tinignan. Parang alam ko na kung saan tutungo ang pag-uusap namin.

"Gusto ko..... gusto kong maging bampira." Kahit expected ko na ang sasabihin niya, hindi ko parin naiwasan na magulat.

Vampire Princess' DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon