***NYXIA's POV***
Rule #1: Don't tell anyone about the plan
Rule#2: Sweetness is only allowed when there's a media.
Rule #3: No talk, no touch without media.
Rule #4: Don't cross the line.Ano ba namang mga rules ito! Simple lang pero nakakainis!
"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo, Nyxia?!"
Nakakarindi naman itong si manager. Hindi ba nagasgas ang lalamunan niya? Palagi na lang nya akong sinisigawan, hindi ba siya nagsasawa? Sawang-sawa na kaya ako!
"Kuya Beks, wag mo nang pagalitan si Nyxia. Sige na po, ako na po ang bahala kay Nyxia." Hay. Salamat talaga kay Yana. Palagi niya 'kong pinagtatanggol mula kay manager. Siya lang naman ang may kayang tawagin si manager na Kuya Beks-ako lang pala ang hindi pwedeng tawaging Kuya Beks si manager.
Padabog na lumabas si manager habang naiwan kami ni Yana sa loob ng dressing room.
"Uy, Nyxia. Totoo ba 'yung sinabi ni Kuya Beks?" Ito na naman kami. Nasa hot seat na naman ako nito. Kahit na gusto kong sabihin na hindi, hindi pwede. Tsaka ginusto ko rin naman talaga ito. As in, gustong-gusto. Iyong isa lang naman ang may ayaw at napilitan. Kinikilig pa nga ako hanggang ngayon.
Tumango na lang ako bilang sagot. Bumuntong hininga na lamang si Yana dahil sa sinabi ko. Sorry Yana, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo. Secret lang kasi ito.
Pareho kaming napalingon ni Yana sa pinto. Nakita namin ang hingal na hingal na si Madison.
"Oh my gosh! It's so mainit outside! My pawis was like tulo-tulo over my face na! My make-up is tunaw na tuloy!" Nag-aalburotong lumapit sa amin si Madison habang pinupunasan ang pawis niya.
"Tss. Hoy Madi, ang arte mo talaga. Nag-leather jacket ka tapos mag-rereklamo ka sa panahon."
Nasa likod niya lang pala si Leslie pero nauna na siyang pumasok.
"What ever, Leslie! It's fashion kaya!" -Madison.
"Girls, wag na nga kayong sumali sa problema. May mas malaki pang problema si Nyxia oh!" Saway na ni Yana sa dalawa. Lumapit sa amin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals