Chapter 5: The Inside Story

173 11 13
                                    

"I am not me who you want me to be." - (E)

***NYXIA's POV***

"Dito na lang. Thank you sa paghatid, Jace. Next time ulit!" Sabi ko bago ako bumaba ng kotse niya. Dito sa may kanto ako bumaba para hindi halatang may naghatid sa akin. Kakagaling lang namin sa kainan ni Aling Wena. Humirit pa nga siya na mamaya na lang umuwi kaso tumanggi ako. Baka hinahanap na ako nila Madison. Hindi ko pa naman sinabing umalis ako ng bahay.

"There should be next time, Nyx. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka." Kausap ko siya ngayon sa may bintana. Baka kasi pag lumabas siya, may makakita sa amin at sabihing pinagtataksilan ko 'daw' si Kei.

"Oo naman! Sige, ingat sa pag-drive." Tumingin muna siya sa paligid bago tumingin ulit sa akin.

"Bakit may mga van sa tapat ng bahay niyo?" Tumingin din ako sa tapat ng bahay namin at tama nga siya! May tatlong celebrity van na nakahilera sa tapat ng bahay. Anong ginagawa ng mga 'yan sa tapat?!

"Siguro sa kapit-bahay lang namin. Mayaman kasi 'yung mga 'yun. Hehe." Pinilit kong paniwalain si Jace sa sinabi ko. Pero sobrang kilala niya na ako kaya alam niyang nagsisinungaling lang ako.

"Nyx, you can't lie to me. Sige na, baka mga celebrity friends mo 'yang mga 'yan. I'll go ahead. May pasyente pang naghihintay sa akin."

"Hey, bigtime ka na talaga!" Ang laking pera na ang makukuha ni Jace sa bawat pasyente niya lang. Parang isang buwang sahod ko na rin 'yun.

"Hahaha! Bilib ka na naman sa akin niyan!" Sabi niya pa sabay kindat. Kung nasa labas lang 'tong kausap ko, nabatukan ko na naman sa pagiging mayabang.

"Asa ka pa! Lumayas ka na nga! Baka hinihintay ka na ng pasyente mo. Iwan ka pa nun!"

"Okay. Bye, Nyx!"

"Bye!" Huling sabi ko bago niya pinaharurot ang kotse niya. Ang yabang talaga! Kung may kotse lang ako na kasing ganda ng kanya, edi karera kami! Matatalo ko siya nyan! Hahaha! Nahawa na yata ako sa kayabangan ni Jace!

Naglakad na ako pa-uwi. Hindi pa rin ma-alis ang mga tanong sa isip ko kung bakit may mga van sa tapat ng bahay. Paano kung mga kidnapper 'yung mga nasa loob?! Tapos kukunin 'yung internal organs ko! Oh My Gee!

Tatalikod pa lang sana ako para huwag munang umuwi kaso may tumawag sa pangalan ko.

"Oy, Nyxia! Where are you going? Akala namin nasa bahay ka lang. 'Diba we told you na stay at home lang. Delikado ka sa mga fans ni Kei ngayon. We don't want you to get hurt, Nyxia! We're like sisters and we don't know what will happen if--" 
Pinutol ko na ang litanya ni Madison. Baka maiyak na siya dyan sa sobrang kadramahan na alam niya.

"Hey, Madison. Don't be overreacting. Kumain lang ako kasama ang kaibigan ko. 'Yun lang. Hindi naman ako nasaktan." Natatawa ko pang sabi. Para kasing timang 'tong isang 'to eh. OA.

Binigyan niya lang ako ng mapang-asar na ngiti, "'Yung naghatid sa'yo na naka-Veyron na kotse?  Who's that? Big time siya ah! Hindi ko naman nakita 'yung kasama mo!" Nakita niya hinatid ako ni Jace?! Lagot na! Pero hindi naman niya nakita ang pagmumukha ni Jace, mabuti na lang talaga!

"Ah, Oo! Siya nga. Doktor kasi kaya maraming pera. Hahaha!" Ewan ko kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero tumawa na lang ako. Baka mabuking pa ako.

"Ganun ba? Bongga!"

"A-ah, Madi. Bakit may mga van sa tapat ng bahay natin?" Pag-iiba ko ng topic.

"Oh! I almost forgot! Let's go inside! Tita Lydia is waiting for you."Hinila niya ako pero pinigilan ko siya.

Anong ginagawa ni Tita Lydia sa bahay?!

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon