Chapter 14.1: Start the Trouble

103 11 11
                                    

"If I began as a mess, why not start the trouble?" - (N)

*NYXIA.

"Kailangan ba talagang kasama natin siya?" May halong inis ang tono ng pananalita ko katabi si Jace na nagmamaneho. Bukod kasi sa pag-pilit ko na ihatid niya ako, pumasok din sa isip niya na wala pa lang kasama si Kei.

"Of course. Wala siyang ibang masasakyan. And, he doesn't have his things with him so, he doesn't have money. He can't ride a public bus." Diretso lang ang tingin niya at parang desidido na isama namin ang aroganteng lalaking 'yun. Wala naman akong ibang magawa kungdi ang magreklamo dahil siya ang boss ngayon. Sasakyan niya, eh.

"Have conscience, geez, Nyxia." Ako pa itong nasabihang walang konsensya? Wow! Ang bait niya ngayon ah? Bakit parang ilang oras lang kanina, muntik niya nang masuntok si Kei.

"Meron naman! Pero pagdating sa aroganteng 'yun? Duh, hindi ako magdadalawang isip na iwan siya doon." Pasalamat siya, sasakyan ni Jace ang gamit ngayon. Kung ako lang talaga, diretso na ako sa bahay at magpapakasaya hangga't gusto ko!

"I know, he's cold-hearted. But it will be our fault if ever the media would know about it. Abandoning a superstar? You're looking for a trouble."

Wala na akong ibang nasabi dahil, okay, tama naman siya sa sinabi niya. Bakit ba kasi masyadong mabait itong si Jace? Masyadong pa-good boy ang trip niya para isama pa si Kei na umuwi.

Unfortunately, ang magagawa ko na lang ay ang hilingin na umalis na siya doon at hindi na namin siya mai-sabay sa pag-uwi.

Masyado bang harsh?

Duh! You're asking for the most favorable thing, Nyxia! Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang sungitan ka! Tama lang ang hinihiling mo!

Mabuti naman at nakikisang-ayon sa akin ang isip ko. Ako na nga talaga ang may pinakamaliit na konsensya sa lalaking 'yun.

Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan dahil nakarating na pala kami sa shed kung saan kami nakatambay kanina.

Natanaw namin na nandun pa rin si Kei. Nakatungo siya at mahimbing na natutulog. Mukha tuloy siyang palaboy.

"Puntahan mo na siya at papasukin sa loob."

"Huh?! Bakit ako? Ikaw na." Siniksik ko ang sarili ko sa upuan para lang hindi ako ang lumabas at kuma-usap kay Kei. Over my deadly body! No way!

"He won't listen to me. Kaya ikaw na lang."

"Did you really think that he'll listen to me? Tatarayan lang ako niyan. Never! Just use the car horn so he'd get up." I don't care if his beauty rest will be disturbed and shout at us. Kami naman ang nag-o-offer ng tulong sa kanya...I mean, si Jace. Whatever!

"Are you serious?! I won't do that." Hindi ko na talaga maintindihan ang masyadong pa-good boy na si Jace.

"Kung ayaw mo, edi ako na lang." Tinanggal ko ang seatbelt at agad kong pinindot ang car horn. Pinagalitan pa ako ni Jace dahil sa 'kabaliwan' na naman daw na ginawa ko.

Nagising si Kei sa malakas na tunog na narinig niya. Halata na nainis siya nang malamang kami pala ang nang-istorbo sa kanya.

Binaba ni Jace ang bintana at mas natawa pa ako nang makita ang naiiritang mukha ni Kei. "For the last time, Kei, we need to go home. I mean, kayo lang pala. Wala ka nang babalikan dito since Tita Lydia's not here." Si Jace na ang naglakas-loob na kausapin si Kei. At gaya ng inaasahan naming reaksyon niya, tinarayan niya na naman kami.

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon