Chapter 7: Unexpected

204 14 19
                                    

"Expect the UNEXPECTED. Don't expect what you always see. Just don't." - (G)

***NYXIA'S POV***

"Nyxia, what's wrong?" Kakatapos lang ng performance namin at ngayon ay nagpapahinga kami sa dressing room, 'yan ang unang tanong sa akin ni Leslie.

"Nothing." Pumikit na lamang ako para magpahinga. Alam kong may kakaibang napapansin si Leslie pero gusto ko lang na magpahinga ngayon.

"Look, you did a great job. Ang ganda ng performance natin dahil sa galing mong sumayaw kanina. You were different a while ago and alam kong may ibang dahilan 'yun." Kilala niya talaga ako, ano? Pati 'yung pagsasayaw ko ng sobra kanina, alam niyang may mali. Totoo naman, binuhos ko sa pagsasayaw ko ang nararamdaman kong sakit kanina.

"I just missed performing, Leslie. Nasobrahan lang ako sa excitement." Still, I didn't look at her. Nakapikit pa rin ako at nakikinig sa mga katanungan niya.

"Napansin ko rin 'yun, Nyxia. Kanina bago tayo umakyat ng stage, you looked so down. May nangyari bang hindi maganda, Nyxia?" Narinig ko na rin ang boses ni Yana. Alam kong nag-aalala sila pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo.

"We left you with Kei, so I think that you two had a fight, aren't you?" Napadilat ako at napatingin sa panyong hawak ko. Lahat pala sila ay napansin na may kakaiba sa kinikilos ko. Hindi ko naman alam na pati 'yun ay mapapansin nila. Sino ba namang kaibigan ko ng matagal ang hindi makakapansin 'diba?

Hinawakan ko ng mahigpit ang panyong hawak ko.

Atleast, nakatulong 'to.

"Ayos lang ako, promise." Sabi ko na lang para hindi na sila mag-alala.

But promises are meant to be broken.

"Everlaine, pumunta na kayo sa stage. They will announce the winner." Sabay-sabay kaming tumayo kahit na kulang pa kami sa pahinga. Lumabas kaming apat sa dressing room at nasalubong namin sa hallway si Xavier at Brent.

"Alam naming kayo ang mananalo!" Masayang sabi ni Brent at tinapik silang tatlo. Oo, silang tatlo maliban sa akin.

"Loko ka, bro! Bakit hindi mo man lang tinapik si Nyxia!" Bulong ni Xavier kay Brent pero narinig ko rin naman.

"Eh baka magalit sa akin si Kei kapag hinawakan ko 'yung girlfriend niya! Lagot ako dun!" Bulong rin ni Brent pero narinig ko pa rin. Wag na lang kaya silang magbulungan tutal naririnig ko rin naman.

Bakit naman siya malalagot kay Kei? Hindi niya naman ako girlfriend.

"Let's go, girls! I'm so excited na!" Pag-aaya sa amin ni Madison na agad naming sinunod.

Sa paglalakad namin sa hallway ay makakasalubong namin si Tristan. Kaya habang naglalakad ako ay matipid ko siyang nginitian, sobrang tipid na ngiti dahil sa kahihiyan.

Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kahit papaano.

He just looked away at ganun din ako. Mamaya ay makita pa nila Madison at maintriga na naman ako.

Kilala si Tristan sa pagiging cold ng mga mata niya at pagiging bihira niya ngumiti na makikita ang ngipin. Pero kanina, naramdaman ko na kahit malamig ang pakikitungo niya, kaya niyang maging ibang tao sa isang babaeng kailangan ng tulong.

AN HOUR AGO.

Pinipilit kong huwag umiyak dahil maraming tao ang makakakita. Siguradong tsismis na naman 'to. Bwiset naman kasi, porket artista ako, hindi na ako pwedeng umiyak sa harap ng maraming tao?

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon