"My life is when I'm chasing you even though you're not running away. Was that meant to say that I can't reach you or that I won't ever reach you no matter what I do?" (A)
*NYXIA's Pov*
(Few weeks ago)
"Girls, gising na! Nakahanda na ang almusal!" Itong mga babaeng 'to, tulog mantika talaga! Ang aga kong nagising para magluto ng almusal nila dahil may mga schedule pa sila. Ako kasi dito lang sa bahay ang gora ko. Si Leslie kasi may reality show na pupuntahan, si Madison may taping para sa drama niya, at si Yana naman ay may hosting. Ang busy talaga nila ngayon. Tinatamad na nga daw silang pumunta pero pinipilit ko sila kasi maswerte sila dahil may pinagtutuunan sila ng pansin. Ako nga wala.
"Why so early naman, Nyxia? I'm sleepy pa eh." Si Madison talaga, hindi mai-alis ang kaartehan kahit sa pagsasalita.
"May schedule pa kayo. Kailangan niyong kumain ng marami para hindi kayo gutumin mamaya." Sabi ko habang nilalapag ang fried rice sa lamesa.
"Eh ikaw Nyxia, wala ka bang schedule ngayon?" Tanong sa akin ni Yana kaya umiling lang ako.
"Tapos naman na kasi 'yung schedule ko kahapon." Sabi ko.
"Eh 'diba kahapon din 'yung special number natin? So 'yun lang ang binigay na schedule ni Kuya Beks sa'yo?" Tumango na lang ako ulit.
"Hayaan mo na, Leslie. Okay nga 'yun kasi hayahay lang ang peg ko dito sa bahay. Iwas pagod at puyat." Hindi ko pinahalata sa kanila na nalulungkot ako dahil mag-aalala lang sila sa akin. Kinuha ko ang sandok at nilagyan sila ng mga kanin sa plato nila.
"Sige na, kumain na kayo girls. Marami pa kayong dapat na gawin ngayong araw. Dali!" Hindi na sila nagsalita pa habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato nila.
"Nyxia, you're like our mom talaga. Baka mapagod ka because of household chores."
"Ayaw niyo 'nun? May nag-aasikaso sa inyo? Paano na lang kung lahat tayo pagod sa trabaho, edi namatay tayo sa gutom. Okay na akong mapagod bilang nanay niyo kesa sa ibang dahilan pa." Sabi ko na lang sa kanila kaya hindi na sila ulit sumagot.
"Ay,Nyxia! Gusto mo bang sumama sa akin sa hosting ko mamaya?" Tanong sa akin ni Yana.
"Eh ano naman ang gagawin ko 'dun?" Tanong ko.
"Kahit manuod ka lang 'dun. Magpe-perform ang The Gallant. Para mapanuod mo ng live si Kei."
"Sige sige! Sasama ako! Magbi-bihis lang ako." Makikita ko na naman siya! Makikita ko na si Kei my loves! Excited na talaga ako. Naligo ako at nag-suot ng t-shirt and jeans.
"Hindi ka naman super excited ano?" Sabi sa akin ni Leslie pagka-labas ko ng kwarto. Nakabihis na rin siya at ganun din ang iba.
Hinanda na ni Yana ang kotse at sumakay na kaming lahat. Hindi naman kasi kami ganun kayaman para bumili ng sarili naming sasakyan.
Mauuna kaming bababa ni Yana tapos ihahatid na lang ni Leslie si Madison. Ilang oras din ang tinagal ng biyahe dahil sa traffic pero nakapunta rin kami sa studio.
Nagtaka ang ilang staff nang makita nila akong kasama ni Yana. Para namang ngayon lang nila ako nakitang kasama si Yana kahit na magka-grupo kami.
"Yana, bilisan mo hinahanap ka na ng stylist mo." Sabi ng isang staff kay Yana.
"Nyxia, sama ka sa akin. Dali." Hindi pa ako nakaka-oo, hinila na niya ako agad papunta sa dressing room.
Inayusan lang si Yana habang ako ay nakaupo sa isang tabi habang nag-lalaro sa phone ko. Hindi naman nila ako aayusan kaya okay lang gawin ang kahit ano. Hehe.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals