Chapter 17: Strange Feeling

136 8 15
                                    

"The strange feeling I felt upon looking you smile at me, it's a full bliss." - (P)

*THIRD PERSON's.

Kasalukuyang nagbabasa si Shawn ng script ng eksena na gagawin nila bukas. Madali na lang magkabisado ng linya para sa kanya pero ang emosyon niya ang inaayos niya ngayon.

Naka-upo lang siya sa kanyang queen sized bed habang may tumutugtog na classical music.

*ding~dong~

Napakunot ng noo si Shawn dahil wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Alam ng kanyang manager ang pincode ng unit kaya hindi na ito mag-d-doorbell kung sakali.

*ding~dong~

Shawn silently cursed to the disrupter of his mode of peace. Kinuha niya ang remote at pinindot ang button para sa pag-activate ng voice reflector sa speaker.

["Hey, Shawny..."]

What the actual fudge?! Isa na namang litanya sa isip ni Shawn ang kanyang nasabi. Pagkatapos ng ilang linggo, hindi niya inaasahang marinig ang boses ng taong hindi niya alam kung gusto niya pang makita o hindi.

["Oh, come on. Pagbuksan mo naman ako. I know you miss me, so, so much."]

Napabuntong hininga na lamang si Shawn bago siya maglakad palapit sa pintuan.

"What do you need, Thea?" May halong pagkainis ang boses ni Shawn. Malayo sa paraan ng kanyang pananalita noon sa dalaga.

[What? Porket ba nandito ako, may kailangan na ako? Shouldn't you feel delighted that I'm here?"] Nakikita ni Shawn ang mukha ni Thea sa maliit na screen. Wala pa ring pinagbago ang mukha maliban sa bagong kulay ng kanyang buhok.

"I see you changed your hair color." Gusto mang dagdagan ng papuri ni Shawn ang kanyang sinabi pero hindi niya ginawa. Ayaw niyang akalain ni Thea na gusto niyang nandito siya.

["You noticed! Buti ka pa, napansin mo. Well Kei?! Nah, he's ignoring me and his mother don't want me to their dorm!"]

"Well, then go to Kei. Magpapansin ka dahil sa transformation mo." Alam niya na ang dahilan kung bakit nasa labas ng unit niya si Thea. Dahil wala siyang nakukuhang atensyon kay Kei. Ngayon, nandito na naman siya dahil gusto niyang maglaro.

["Oh~ You're jealous. Come on, papasukin mo na ako. I brought some food."]

"No, Thea. Please, I'm busy. Just—"

["You're making this hard for me, Shawn."]

Nakita ni Shawn ang paglapit ng mukha ni Thea sa pintuan na para bang may pinipindot. Habang pinapanuod niya si Thea, narinig niya ang mga tunog ng pincode bago ito muling tumunog at mabuksan ang pinto.

"I see you haven't changed your passcode yet. 0428, my birthday."

Ngayon lang napatanong si Shawn sa sarili kung bakit birthday ni Thea ang ginawa niyang passcode ng unit niya. Ngayon niya lang napagtanto.

"Okay, so now you're here, congratulations." Sinundan ni Shawn si Thea na patuloy na naglalakad papunta sa kusina niya. Sumandal siya sa dingding at pinapanood ang dalaga na magkalikot ng mga gamit niya.

Sa hindi niya malamang dahilan, tahimik ngayon si Thea. Kumpara sa mga nakaraang linggo na pumunta siya sa unit nito, napakatahimik niya.

"What's the matter? Why are you here, Thea? After more than a month, bakit bigla ka na lang lumapit sa akin?" Nakatalikod lang si Thea sa binata habang abala sa paghuhugas sa lababo. Hindi niya inaasahang magtatanong ito tungkol sa matagal nilang hindi pagkikita.

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon