"Bestfriend. Glad that he's part of my life. Really." - (D)
***NYXIA'S POV***
"JACE?!" Dahil sa gulat kong makita ang taong nasa harap ko ngayon, napasigaw na lang ako.
"Excuse me,Miss. Alam kong gwapo ako, pero paano mo nalaman ang pangalan ko?" Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to! Nalulunod sa self confidence!
Tumayo na ako dahil nakakahiya na ang itsura kong nakaupo sa sidewalk.
"Pwede ba?! Wag mo akong dinadaan sa mga waley mong litanya dyan!" Inayos ko ang pagkakatago ng buhok ko sa cap habang kinakausap ko siya.
"Hahaha! I know, Miss, kinikilig ka na. Sa gwapo kong 'to!" Talagang walang makakapigil sa pagsasabi niyang gwapo siya!
Binatukan ko nga.
"Hoy, Jace! Ang feeler mo talaga!" Nahulog pa ang shades niya sa lakas ng pagkakabatok ko. Grabe, ang brutal ko! Hahaha!
"Miss, nakakarami ka na ah! Wag mong hintaying--"
"Hintaying ano, Jace?" Kasabay ng mga sinabi ko ay ang pagtanggal ko sa shades na suot ko. Nakita ko ang pagkakagulat sa mukha niya nang makita ako.
"Nyxia!"
"OA mo talaga! Ako nga! Hahaha!" Inobserbahan niya ang suot ko.
"Long time no see, Nyxia! Pero bakit hindi ka pa rin tumatangkad?! Tsk Tsk Tsk. I feel sorry for you." Siniko ko siya ng malakas na halos mamilipit siya sa sakit.
Asarin at punahin na naman ba kasi ang height ko?! Parang ang tangkad niya naman!"Hahaha! Just kidding! By the way, where are you going?" Sabi niya habang naka-akbay sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ang lapit ko sa kanya! Grabe! Kahit pawisan na ay ang bango pa din niya! Heaven!
"Ewan, naglalakad-lakad lang naman ako. Ang boring kasi sa bahay." Sabi ko habang inaamoy-amoy siya. Grabe talaga! Ang bango niya! Hahaha! Pinagpapantasyahan ko na ang bespren ko!
"Why? Don't you have a schedule for today?"
"I don't... It's a rest day. So, ikaw, what have you been doing?" Iniba ko na ang topic dahil ayoko nang pag-usapan namin ang trabaho ko ngayon. Siya na lang dahil mas may kwenta ang buhay niya kesa sa akin.
"Better than before. I do manage our clinic. I'm a licensed surgeon now." Napatigil ako sa paglalakad, kaya ganun din siya. Alam kong sikat ang clinic na mina-manage ng pamilya nila noon pa man dahil sa mga sikat na artistang pumupunta doon. Pero hindi ko talaga inakalang magiging doktor itong kupal na 'to. Akala ko kasi walang pangarap 'to sa buhay! Hahahaha!
"Talaga?! Bongga ka ah! Pero kung surgeon ka na ngayon, nakakapag-surf ka pa ba?" Bago pa man ako sumabak sa industriya ng pagiging artista, palagi kaming magkasama ni Jace sa pag-s-surf. 'Yun nga lang, hindi ako makalayo at makasabay sa kanya dahil nahihirapan ako. Sa mababaw lang ako dahil hindi ako marunong lumangoy. Anong klase ba naman ako diba? Kaya tuwing yayayain ako ni Jace na mag-surf, sumasama lang ako para panuorin siya. 'Yun lang.
Si Jace Velarmino ay aking childhood besfriend. Magkaibigan na kami nung mga 8 years old pa lang kami. We shared a lot of memories. Masasaya at malulungkot. We promised not to forget each other pero parang ako ang sumira doon. 17 years old ako nung nagpunta ako sa isang entertainment company. Dahil sa gusto ng tatay ko na mag-artista ako, sinunod ko siya.Jace is against me but because I'm his friend, he did nothing but to accept my decision.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals