*THIRD PERSON'S.
Nangibabaw ang sigawan ng mga tao na sumalubong sa The Gallant. Sa wakas, matapos ang kanilang Concert Tours sa iba't-ibang bansa, nakabalik na rin sila. Kanya-kanyang paraan ang mga tagahanga na magpapansin sa bawat miyembro ng grupo na kung minsan pa ay nagkakatulakan na.
"Damn. I said this is a bad idea. Bakit ba kailangan nating dito pa dumaan?" Kahit na ang ever so happy go lucky na si Xavier ay hindi nakayanan ang dami ng tao. Sobra na silang nagitgit sa hall bago pa sila makarating sa kotse nila.
"You think we enjoy this? Blame Brent for waking up late." Tinago na lamang ni Kei ang kanyang inis sa kanyang black tinted shades.
"Sorry, dude. Sobrang napagod ako sa concert kagabi. Nasira na yata ang lalamunan ko. Can't you hear my husky voice? Have mercy please!" Lahat ng sisi, napunta kay Brent dahil sa late na siyang gumising. "C'mon,dudes! Just enjoy the heat of the crowd. Wine-welcome nila tayo for coming back home. This is better than coming home without anyone giving attention to us. And besides," Binaba ni Tristan ang suot niyang shades at nagbigay ng pamatay na kindat sa mga fans, dahilan para magsigawan ang mga ito. "Bunch of beautiful ladies came for us."
Sa wakas, nakasakay din sila ng van nang matiwasay. Ngayon ay papunta na sila sa kanilang dorm.
"Guys, I got a call from Manager Aica, the way to our dorm is packed outside. Seems like our fans knew our address, huh?" Dahil sa sinabi ni Xavier, lahat sila ay napa- 'What the!' 'Damn, for real?' .
"So, where should we stay for now?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Tristan na para bang alam nila kung saan.
"Ah!" Napasigaw si Brent na katabi ng natutulog na si Kei. Matalas niyang tiningnan ang binata kasunod ng mapaglarong ngisi nito.
"Manong, let us drive home. Kei's home."
***
"I never thought you have a brain, Brent." Nakaupo pa rin sila sa loob ng sasakyan at nakatanaw sa mataas at luxurious na building. "Curse you, Xavier. I have a brain. Tanging mga may utak lang ang nakaka-alam 'nun." Pagkatapos ng litanya ni Brent ay binuksan niya na ang pintuan ng van at tumingin sa paligid kung meron bang mga nakasunod sa kanilang fan. Pero dahil ang building na ito ay exclusive lang para sa mga richies, wala silang nakitang mga obssesed fan.
Habang si Kei na walang kamalay-nalah na sa condo unit niya pala sila mag-s-stay ay nagising na.
Pamilya siya sa lugar pero hindi niya maintindihan kung bakit sila nandun. "Where are we?"
Hindi sumagot ang tatlo at lumabas na lamang ng van. Pumunta silang lahat sa lobby at dun na-realize ni Kei ang lahat.
"Wait! Why are even here?!" Nakasunod lamang si Kei sa kanyang mga kagrupo na prenteng hinihila ang kanilang mga bagahe. Tanging si Brent lang ang tumigil at hinarap si Kei nang nakalahad ang isang palad. "What are you even planning to do, Brent?"
Brent sighed, "Maraming fans ang naka-abang sa tapat ng dorm. Seems like after stalking every one of us, nalaman din nila ang address natin. So, we're staying at your unit."
Para namang may magagawa pa si Kei kung nandito na sila. Ang dalawa ngayon ay nakikipag-usap na sa receptionist at parany anytime, bigyan na sila ng libreng condo unit.
"Nothing I can do." Kei sighed after their decision. "Yeah, nothing you could ever do."
Sabay-sabay silang naglakad papunta sa elevator. Kahit na ayaw naman ni Kei na mag-stay ang kanyang mga kaibigan sa kanyang unit dahil magulo ang mga ito, wala na siyang magagawa.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals