"You're rude and cold. You can't even take a look at me. You can easily hurt me. I supposed to hate you, right? But I can't. And I hate this feeling." - (F)
***THIRD PERSON'S POV***
"Sa wakas! Naka-uwi na rin!" Sigaw ni Brent habang nag-uunat ng braso.
Nasa airport sila ngayon at kagagaling lang ng Japan.Pababa na sila papuntang exit kasama ang ilang staff. Ang lahat sa kanila ay pagod na pagod maliban na lang kay Brent na hyper pa rin hanggang ngayon.
"Ang hyper mo, bro. Porket may mga kamerang sasalubong sa atin mamaya, nagpapa-cute ka na naman." Si Tristan na ngayon ay init na init sa klima ay nagreklamo na sa kanina pang hyper na si Brent.
Alam niya naman ang pakiramdam ni Brent eh. 'Yung kailangang magmukha kang modelo sa sasalubong na sandamakmak na camera. Eh lahat naman sila, gwapong-gwapo sa sarili.
"Tss, wow naman bro! Parang ikaw hindi ah! Pustahan tayo, may mahihimatay mamaya kapag kinindatan ko sila." Sabi naman nitong si Xavier at inakbayan pa si Tristan.
"Pupusta din ako dyan, bro! Pag may kinindatan ka, babatuhin ka lang nila ng hawak nila at ikaw ang mahihimatay! Hahahaha!" Natawa naman si Tristan sa sinabi ni Brent habang si Xavier ay seryosong nakatingin kay Brent bago niya ito mahinang siniko.
"Aray ko naman, bro! 'To talaga, hindi na mabiro!" Para namang bumaon ang laman ni Brent sa suntok kung siya ay umarte. Inasar tuloy siyang weak at bakla ng dalawa. In-snob niya na lang ang mapang-asar na kaibigan at lumapit na lamang sa tahimik na si Kei.
Hindi napansin ni Kei ang presensya ni Brent. Pabalik-balik lang ang tingin niya sa cellphone niya at may hinihintay.
Hinihintay niya ang pangangamusta ni Thea.
Natawa na lamang si Brent dahil hindi man lang siya napansin ni Kei. Ang alam niya ay may hinihintay siyang tawag o text mula sa ibang tao. Sa ibang babae.
Si Nyxia.
"Miss ka na rin 'nun. Baka busy lang kaya hindi makatawag sa'yo." Pagpayo ni Brent kay Kei. Pero parang si Kei, may narinig pero hindi man lang alam kung kanino galing ang mga salitang narinig niya.
"Pero sabi niya, tatawag siya. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya pero kahit text man lang wala. Ni hindi pa nga kami nakakapag-kita eh. Ilang araw na kasing hectic ang schedule natin. Kainis." Natawa na lamang si Brent sa sinabi ni Kei.
Akala niya ay si Nyxia ang taong hinihintay ni Kei.
"Wag ka nang malungkot, bro. Puntahan mo na lang siya mamaya." Sabi ni Brent habang tinatapik-tapik ang balikat ni Kei.
"Tama! Nasa bahay niya lang naman siya eh. Wala naman siyang trabaho sa company nila ngayon." Masayang sabi ni Kei pero naging dahilan ito para magtaka si Brent sa sinabi ni Kei.
"Anong walang trabaho, bro? Eh hectic ang sched nila simula ngayon. Na-release kanina ang music video nila kaya ngayon ang comeback ng Everlaine. Tsaka, anong company nila? Eh wala namang sariling kompanya ang pamilya ni Nyxia, diba?" Doon na lamang na-realize ni Kei ang mga nasabi niya kay Brent. Sa sobrang tagal ng paghihintay niya kay Thea, hindi niya na alam ang ginagawa niya. Muntik na siyang mabisto ni Brent.
"H-huh? Hindi, bro. A-alam ko namang ngayon ang comeback nila. Sabi ko lang na wala siyang...trabaho kasi... nagt-trabaho siya bilang... choreographer sa entertainment company. Nakalimutan ko lang." Para maka-iwas sa mga susunod pang tanong, nauna nang magkalakad si Kei.
Muntik nang malaman ni Brent ang tungkol kay Thea at hindi niya na alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya.
Brent just shrugged of Kei's strange actions. Lumapit na lamang ulit siya kay Tristan at Xavier na nagpapalitan ng shades.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals