Chapter 11: Feeling of Having Nothing

154 10 12
                                    

"I've learned how to give no because I have so much, but because I know exactly how it feels to have nothing." - (K)

*NYXIA.

I. CAN'T . TAKE. THIS. ANYMORE.

Walang magawa sa buong bahay. Maghapon na akong ganito. Halos palubog na ang araw kaya nandito ako sa labas.

Sobrang tahimik sa loob. Sa totoo nga ay kumpleto lahat dito. Naka-cable 'yung t.v., may wifi, maraming pagkain. Kaso, walang maka-usap. May tatlong kasambahay pero hindi ko maka-kwentuhan dahil lahat sila, busy. Si Tita Lydia, nagpunta sa salon. Si Jace, nakapatay ang phone. Si Kei, tsk! Wala akong maaasahan dun! Tatarayan niya lang ako!

Kaya ngayon, loner ang peg ko.

"Hello, Red Roses. Kamusta kayo? Magkasundo ba kayo ni White Roses? Dapat hindi kayo nag-aaway kasi pareho naman kayong maganda."

Okay. Para na akong tanga. Sa sobrang kabagutan ko, pati mga bulaklak dito sa garden, kinakausap ko na.

"Ikaw...teka ano nga palang pangalan mo?" 'Yung bulaklak na kulay red. 'Yung nasa tenga ni Rosalinda ba 'yun?

"Ah, gumamela nga pala." Siya ba 'yun? 'Yung bulaklak ni Rosalinda? Hays! Hindi ko alam!

"Forever alone ka rin? Pareho pala tayo." Napayuko na lamang ako pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa gumamela.

Hay. Kalungkot naman.

"Anong ginagawa mo, Ineng? Hindi sasagot ang mga 'yan." Nakarinig ako ng tawa mula sa likod ko. Napaayos ako ng upo at nakita ang mayordoma ng bahay.
"Ah, kayo po pala, Nanay Ana...Sobrang kabagutan lang po siguro kaya ko kinakausap itong... mga ito. Hehe."  Nakakahiya! Para siguro akong nababaliw habang kinakausap ko ang mga bulaklak kanina.

"Bakit nandito ka sa labas? Hay naku, magdidilim na. Maglalabasan na ang mga lamok."

"Okay lang po ako, Nanay Ana. Sanay na po ako." Pero sa totoo lang, naka-ilang palo na ako sa sarili ko dahil malamok nga kanina pa.

"Pero bakit mag-isa ka lang dito? Nasaan 'yung anak ni Lydia? Si Keisler?"

"Ah, si... Kei po? Hayaan niyo po 'yun! Haha. Hindi ko rin po alam eh." 
Kanina pa nga wala 'yung isang 'yun pagkatapos naming kumain ng almusal. Hindi siya dito nagtanghalian kaya wala kaming balita. Hinayaan lang naman 'yun ni Tita Lydia dahil wala rin naman siyang magagawa.

"Hindi talaga nagbabago 'yung batang iyon. Mas gusto na nasa labas mag-isa. Mabuti na lang at nakita ko ulit sila pagkatapos ng ilang taon." Para namang naiiyak si Nanay Ana sa mga sinasabi niya.

"Bakit po? Kailan po ba sila huling nakita dito maliban ngayon?"

"Sobrang tagal na. Nagbibinata pa lang si Keisler bago sila lumipat sa siyudad. Nakakalungkot nga ang nangyari sa kanila. Masaya sila noon pa pero nag-iba ang lahat."

Naghihintay ako ng susunod na sasabihin ni Nanay Ana pero nagbuntong hininga lang siya.

"Alam mo bang hindi legal na asawa si Lydia?"

That one made me dumbfounded. Never kong inisip na ganito ang past nila. Pero, wala naman akong karapatan na malaman ito diba?

"Hindi ko po alam. Pero...bakit niyo po sinasabi sa akin ito ngayon?"

"Para may ma-i-tsismis lang."

"P-PO?!" Hindi ko alam ang dapat na sasabihin sa sagot ni Nanay Ana.

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon