Chapter 18: How sad it might feel

135 8 10
                                    

NYXIA's

Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari ngayon.  Nasa harap namin ni Kei, sina Thea at Shawn. And the fact that Thea came out of Shawn's car, ibig sabihin, magkasama sila.

Wow. Popcorn na lang ang kulang.

"Kei..." Napatingin ako kay Thea. Para bang kinakabahan siya nang makita niya si Kei.

Si Shawn naman ay nakatingin lang sa malayo, tahimik pero alam kong nakikinig siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Shawn naman ay nakatingin lang sa malayo, tahimik pero alam kong nakikinig siya.

I wonder what he's thinking right now.

"Anong ginagawa mo dito?...With that douche?"

Nakita kong mahinang natawa si Shawn sa pang-iinsulto ni Kei. Knowing Shawn,  he could've insult Kei back.  Pero sa tingin ko, hindi naman ganun ka slow so Shawn para hindi makita ang galit sa mga mata ni Kei.

Dahil hindi maproseso ng utak ko ang nakikita ko, ang daming tanong at konklusyon ang naiisip ko.

Magkasama si Shawn at Thea. Bakit? Nandito silang dalawa. Bakit? Anong ginagawa nila dito nang magkasama?

Is it real that Thea is cheating? And with Shawn?

Kung hindi? Bakit sila magkasama? Or am I just jumping into conclusions? Dahil ba sinabi ni Kei na naghihinala siya, maghihinala na rin ako?

"Kei, babe...Let me explain. We're just...I'm just--"

"YOU'RE JUST WHAT?! Cheating on me? I should've known. It's Shawn, again!"

Again? Shawn, again? 

Hindi lang ito ngayon nangyari. After Kei mentioned Shawn's name as the same person she's cheating with, they've been in this issue for a long time.

Kahit hindi ako direktang nakatingin kay Kei, ramdam ko ang galit niya. Ang mga mata ni Thea ay puno ng takot at pagmamakaawa.

"NO! It's not what you think, Kei...Please. Hear me out."

Nangingilid ang luha ni Thea habang dahan-dahang inaabot ang mga kamay ni Kei. Mabilis na naglakad si Kei palapit kay Thea at hinila siya paalis.

At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil naiwan kami ni Shawn. Kaming dalawa, sa malawak at tahimik sa parking space ng building na ito.

Hindi ako makatangin kay Shawn. I don't know why. Dahil ba sa nakita ko ngayon, nag-iba ang tingin ko sa kanya?

I have many questions in my mind that I can't even answer a bit. Akala ko iba si Shawn.

"Nyxia."

Akala ko hindi niya magagawang manloko ng ibang tao kahit na napaka-pilyo niya.

"Nyxia."

Akala ko pareho lang kami ng pananaw sa buhay dahil naging kaibigan ko siya sa maiksing panahon lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon