"Of all people I knew, it was you. Unexpectedly glad it was you." - (O)
*NYXIA'S.
I still can't believe, this is really happening. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang ang mga taong nakakasalubong ko ay merong nagtatakang tingin sa akin, or should I say, kay Kei na nasa likod ko at nakasunod.
Matapos kong makumpirma na si Kei nga ang taong nanggaling sa sasakyan na itim at dala niya ang mga gamit ko na halos isang buwan nang wala sa kamay ko, I insisted to carry these damn things.
Nasa likod ko lang siya, nakapamulsa at hindi nagsasalita. Binabati siya ng mga staff na makakasalubong sa amin, magtatanong ng kung ano pero hindi siya nagbibigay ng sagot na dapat pang sundan ng isa pang tanong.
Unlike the Executive Producer ng show, "Hello, Kei! I saw the news, successful ang concert tours niyo. May performance ka ba ngayon dito? Hosting?" Metikolosa ang postura ng staff na kumausap kay Kei. Hindi ko alam kung titigil ba ako sa paglalakad since tumigil si Kei. Pero hindi ko naman pala siya kasabay, and it's awkward.
So I walk away. Nevermind.
"No, Ma'am. I'm here for someone. So if you'll excuse me, I gotta go."
Naramdaman ko na lang na may kasabay na akong maglakad. Kanina lang ay nasa likod ko siya, ngayon ay nasa tabi ko siya at inagaw ang maleta na hila ko kanina.
"If you keep that picture of you na may dalang gamit ng iba, magmumukha kang P.A. ko. You like that idea?" Half meant at nag-j-joke lang talaga ako. Just to start a conversation, you know. It's been a while since I've seen him. In fact, hindi healthy ang conversation namin thr last time we've seen each other.
I damned him to hell the last time. At ngayon ko lang napagtanto na, that was unlady like!
"Can I apply for the position?" Tumingin ako sa kanya nang may pagtataka at para bang nag-e-enjoy siya dahil meron lang siyang ngiti, 'yung ngiting magdu-duda ka.
"Nope. And what's with you today, Kei? Bumait ka yata? Somewhat, slightly good." Hindi pa rin mawala sa isip ko na posibleng si Kei ang nagbibigay ng mga regalo sa akin with some apologetic lines. Like, what for?!
Na-realize niya ba ang kanyang pagiging asshole sa akin at ngayon ay hinahabol siya ng konsensya niya and trying to get on my good side?
Or meron siyang pabor na gustong makuha sa akin, but nah! That's impossible. Kahit na may kailangan siya, siya pa itong mataas ang pride. Sa maikling panahon na kilala ko ng personal si Kei, I saw how arrogant he is.
"Don't you have a performance today? Ma-le-late ka na old miss." He tried to change the subject when we came in front of our dressing room.
"I know, at kapag tinakasan mo ako, sa pagpapaliwanag, sasabihin ko sa media kung saan ang iyong oh-so-very-secret condo unit. Kaya mag-stay ka kung gusto mo ng kapayapaan." Mukhang effective naman ang threat na sinabi ko dahil wala na siyang iba pang nasabi. Ako naman, napa-ngiti nang may capital V-I-C-T-O-R-Y. Eat shit man!
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romance"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals