" It's my decision to stay or to leave. But it's not yet final and I shall wait for it." - (J)
*NYXIA's POV
"Jace!" Lumapit ako sa kanya at handa ng yakapin. Nakangiti rin naman siyang lumapit sa akin.
"AH! Hoy, Masakit!" Kasi naman, pagkalapit ko pa lang sa kanya, na-head lock niya na ako. Wala talagang bahid ng kabaitan itong si Jace.
"Anong ginagawa mo dito, huh?" Tanong niya at hindi pa rin ako pinapakawalan. Pinagsisisihan ko na lumapit ako sa kanya!
"Ako ang dapat na nagtatanong niyan sa'yo, no! Bitaw nga! Akala mo naman ang laki mong tao!" Dahil sa pang-aasar ko ay mas hinigpitan niya pa at ginulo ang buhok ko. Hindi ako makahinga! Kainis naman 'to!
Hinampas ko siya hanggang sa pakawalan niya rin ako. Baka mabali ang leeg ko kung hindi ko pa siya pinigilan.
"May bibisitahin lang po ako dito, Nyxia." Sabi niya habang nalangiti. Anong ngini-ngiti-ngiti nito? Hindi mabura ang ngiti, abot tenga.
"Hmm? Sino naman? Special someone?" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya hoping na mas matutuwa siya. Pero dahil sa ginawa ko, nabawasan ang ngiti niya.
"It's not that special." Halata naman na peke lang ang ngiti na pinakita niya. Sa halos 15 taon na magkakilala kami, kabisado ko na siya.
"Ah. Ganun ba?" Parang nag-iba ang simoy ng hangin? Kanina kasi masaya pa kaming nag-uusap.
At parang may nakalimutan ako!
"Ay! Siya nga pala, Jace!" Lumapit ako kay Kei na nakatayo lang sa gilid. Hinila ko siya papalapit kay Jace. "Jace, si Kei...Kei, si Jace." Pinagmasdan ko silang dalawa. Si Jace ay nakangiti kay Kei. Habang si Kei, blangko lang ang ekspresyon niya at nakapamulsa pa. Hindi na ba talaga magbabago ang expressions niya? Parang blangkong papel!
"Nice to meet you, bro. Jace nga pala, Bestfriend ni Nyxia." Napangiti naman ako dahil hindi tinopak itong bestfriend ko. Buti na lang at hindi niya pinahalatang alam niya ang totoo. Nilahad niya ang kanyang kamay sa harap ni Kei. Nilingon ko naman si Kei pero blangko pa rin ang ekspresyon niya at nakatingin sa kamay ni Jace. Nawala naman ang ngiti ko dahil parang siya ang tinopak ng pagiging rude.
Gusto ko siyang batukan para matauhan pero tinatamad ako. Sayang effort.
"Kei." Seryosong sabi ni Kei. Nilipat niya ang tingin niya kay Jace. "Boyfriend." Tinuro ni Kei ang sarili niya at tumingin sa akin.
Anong gagawin niya?
"Girlfriend." Kung may kinakain ako, nabulunan na ako. Kailangan ko ang inang kalikasan para palubugin ako sa ilalim ng lupa. Nangangamatis na yata ako sa sinabi ni Kei.
Pinipilit kong huwag ngumiti at yumuko pero taksil ang balat ko dahil nag-aapoy na sa pula!
Binigyan ko ng makahulugang tingin si Jace. Isang matinding joke-lang-yun look.
Binawi ni Jace ang kanyang kamay na hindi inabot ni Kei. Ngumiti siya, 'yung mapang-asar. At effective! Naasar na ako sa kanilang dalawa. I'm actually clenching my teeth para pigilan ang emosyon.
Gusto ko na pong umuwi.
"A'right! Tama na 'yun diba? Magkakilala na kayo 'diba? Okay na...So, Jace. Gusto mo bang sumama sa amin? Mag-lilibot lang kami.Pwede nating gamitin 'yang kotse mo! Hahaha!" Iniba ko na ang topic dahil pwedeng topakin ng kalokohan itong si Jace! Mahirap na magsama ang isang may topak at isang pikon. Giyera pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
OUR SECRET
Romans"Magkukunwari na lang ako na joke lang 'to." "Stop whining like a kid. Alam nating pareho na gusto mo ako." "So? Mabubusog ba ako nyang pagmamalaki mo?" + cheaters, liars, broken promises, white lies and betrayals